09. Secret Valentine

1.2K 43 15
                                    

Hindi ako magaling magpakilig. Sorry na! Pagtiyagaan niya na lang ang chapter na ito. Marshmallow ang inspiration ko dito. HAHAHAHA. Basahin niyo na lang kung bakit. :))) Love you guys!! :) Oo nga pala. Pakibasa naman yung "Nothing, but Trouble" na story. Nasa external link sa gilid. Hulaan niya kung sino ang author! :D

-;-;-;-;-;-;-

Love Game

-;-;-;-;-;-;-

"When guilt fills your headBrush off rise up from the dead

This is the moment that we will come aliveBrace yourse

lf for loveSweet love, secret love..."

[Kathryn]

Ilang buwan pagkatapos ng birthday ko, medyo umayos na rin naman ang takbo ng buhay ko sa school. Nagkita na rin kami ng Papa ko. Humingi siya ng tawad sa akin, that's it. Wala man lang paglalambing na naganap. Nagalit si Ate Toni nang mga panahon na 'yun pero kahit siya walang magawa sa katigasan ng Papa ko.

At ito ako ngayon, nasa upuan ko sa loob ng classroom, nakikinig kay Mr. Padilla habang pinapaliwanag niya ang tungkol sa field trip namin sa isang beach sa Batanggas.

Wala naman talaga akong plano sumama sa field trip eh. Hindi ako mahilig. Ilang field trips na rin sa buhay ko ang pinalampas ko. Kaso, hindi naman ako tatantanan ni Ms. Espasol at ni Mr. Padilla sa kapipilit kaya wala na kong choice kundi ang sumama.

Medyo naging maayos na rin yung relationship namin ni Ms. Espasol. Hindi na ko masyadong naiinis sa kanya pag tumatabi siya sa akin o binubuntutan niya ako. Sa totoo lang, masyado na kong nasanay sa presensya niya.

Kay Mr. Padilla naman, kadalasan nag-aaway pa rin kami pero may mga moments na nagiging awkward ang lahat. Hindi ko alam kung bakit. Pero minsan sa kalagitnaan ng pag-aaway namin, eh nire-wrestling ko siya at mamaya matitigilan siya at nakatingin lang sa akin. Sinasabi ko sa'yo ang awkward at nako-conscious ako hindi ko alam kung bakit.

Teacher ko siya! Adviser ko siya! Pero bakit ganito turingan namin sa isa't isa? Nakakaloka na.

"Ms. Bernardo, are you listening?" tanong ni Mr. Padilla.

Ano nanaman problema ng isang ito? Bawal na bang mag-daydream ngayon?

Sinimangutan ko siya at iniwas ang tingin sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Manigas siya.

"I'm talking to you Ms. Bernardo," sambit ni Mr. Padilla. Pumunta siya sa harapan ko, nakataas ang kilay at nakalagay sa tapat ng dibdib ang mga braso.

"Wala ako sa mood makipagbangayan sa'yo," sagot ko naman, iwas pa rin ang tingin sa kanya.

"Para naman kasi sa field trip itong pinag-uusapan natin. Importante ito. Baka may kaligtaan ka bukas pag umalis na tayo papunta sa beach," wika niya.

"Paki ko ba."

Umismid lang siya at umalis na sa harapan ko.

Alam naman kasi niya na napilitan lang akong sumama dito sa field trip namin.

Maya-maya lang, natapos na rin siya magsalita at pinauwi kami ng maaga. Preparation na rin daw para sa field trip namin bukas.

Paalis na sana ako ng magsalita siya, "Ms. Bernardo, stay."

Lumingon ako sa kanya. Kumunot ang noo ko. "Anong kailangan mo?"

Hinintay muna niyang mawala lahat ng estudyante niya bago ako kinausap.

"Umupo ka nga at ipapaliwanag ko ng maayos ang tungkol sa field trip natin bukas."

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala nga akong paki sa lecheng field trip na yan. Ba't ba ang kulit ng lahi mo? Tigilan mo na ko," sigaw ko sa kanya. "Ayoko sa lahat eh yung pinanghihimasukan ang buhay ko. Matagal na kong ganito. Hindi isang katulad mo lang ang magpapabago sa akin. Kaya goodbye Mr. Padilla, wag mong asahan na pupunta pa ko sa field trip bukas."

Tinalikuran ko na siya at akmang lalayas na nang hawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa kanya. Sinarado niya ang pinto ng classroom at binuhat niya ako na parang isang sako ako ng bigas.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Wag mo kong buhatin! Bwisit ka! I hate you! I hate you," bulyaw ko sa kanya  habang pinapalo ng ilang beses ang likod niya.

Parang wala siyang narinig, dumiretso lang siya sa teacher's table at tsaka ako pinaupo doon. Seryoso siyang nakatingin sa akin na parang kakainin niya ako.

Shit! Ayoko ng mga tingin niya.

Nakakatunaw!

Anong problema niya?

"Mas makulit ang lahi mo. Lagi mong ginugulo ang utak ko. Punyeta kahit puso ko na nga ginugulo mo. Bakit ganyan ka? Bakit ganyan lang kadali sa'yo na paalisin ako sa buhay mo? Samantala ako, hirap na hirap akong di ka pansinin o kausapin man lang. Ano bang ginagawa mo sa akin?"

WALA AKONG ALAM! HINDI KO RIN ALAM KUNG ANO ANG GINAGAWA MO SA AKIN!

"F*ck! Di na tama itong nararamdaman ko sa'yo! Unang-una, ang laki ng agwat ng edad natin! At higit sa lahat, estudyante kita! Shit lang!"

"Makapagsalita ka naman feeling mo ikaw lang nahihirapan!"

Tinulak ko siya at bumaba na sa teacher's table. Dali-dali akong pumunta sa pinto. Pero nahigit nanaman niya yung kamay ko. Imbes naman na buhatin niya ako eh isinandal niya ako sa dingding ng classroom. Inilagay niya yung kamay niya sa gilid ng ulo ko para hindi ako makatakas.

"A-Anong ginagawa mo?" tanong ko naman sa kanya.

"What would you do if I kiss you?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Hibang ka na ba? May sayad?"

 "I'm serious babe."

Babe?

Feeling ko ang init na ng mukha ko. Namumula na ata ako. Ang lakas talaga ng impluwensya sa akin ng lalaking ito.

"Mr. Padilla..."

"It's Dj," sabi niya at hinalikan ako.

Nablangko ng ilang segundo ang utak ko.

Hindi pa ko nahahalikan ng kahit sino kailanman!

First kiss ko palang ito!

Leche! Anong nangyayari?

Hindi ko nga alam kung paanong humalik eh.

Hindi ko namalayan na hinalikan ko na siya pabalik. Gosh! Bahala na. I love this feeling. Parang marshmallow naman kasi ang labi niya. It's soft and sweet.

Ilang segundo rin siguro nagtagal yung halikan namin dahil parehas na namin hinahabol ang hininga namin after. Isinandig niya ang ulo niya sa balikat ko at...at...nararamdaman ko yung mainit na hininga niya sa leeg ko.

Grabe. Nakakapanindig balahibo.

My body is tingling. Heck even my toes and fingers are quivering.

Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon.

"I'm drowning. I'm way too deep now, Kath. I don't think may lakas pa ko para umahon. Sasagipin mo naman ako, di ba? Kahit nahihirapan ka at patago?"

Inalis na niya ang ulo niya sa balikat ko at tiningnan ako sa mata.

Ano ba ang dapat kong isagot?

Kahit ako naguguluhan na!

Love Game (Song #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon