Nasa apartment ako ng tumawag si Igo, "Gozu's place, now." Hindi pa man ako nakapagsasalita, binabaan na nya ako ng telepeno.
Kaya wala na akong nagawa kundi lumabas ng unit ko at sumakay sa motor ko.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa lugar ni Gozu. Mukhang may bago kami tratrabahuhin ngayon.
"Yow Axe!" bati ni Dynamite pagpasok ko sa pinto.
Tumango lang ako sa kanya at umupo sa isang couch.
Umupo si Gold sa tabi ko, "Yosi?"
Kinuha ko ang inaalok nya ngunit nilayo nya ito at sinubo. "Kunin mo." at ngumisi.
Kaya naglabas na lang ako mula sa bulsa ko at sinindihan ito. Nakita ko namang naiinis sya dahil umalis sya sa tabi ko.
Nasa isang tabi naman si Igo at hawak lang cellphone nya. Hindi man lang naiistorbo, parang walang kasama eh.
Makalipas lang ang ilang sandali ay dumating na rin si Gozu.
"Mukhang kumpleto na tayo. I'm here for business, as usual."
Tumango lang kami tapos may nilabas syang picture galing sa suitcase nya. "Ito ang Blue Starlight Diamond."
Kinuha ni Gold yung picture, "Woah! Ang ganda nito Gozu."
"The Madrigal clan owns that rare diamond. Ang trabaho natin ay kunin ito at ibenta kay Hwang sa halagang $20,000,000." tuloy nya.
Nanlaki ang mga mata namin ngunit nanatili kaming tahimik. Napakalaking halaga no'n kung sakali. Pwede ko nang itigil ang trabahong ito sa wakas.
"Ang nasabing diamond ay na kay Yenni Madrigal. Iniregalo sa kanya ni Don Rafael pagkagaling ng dalaga sa Hollywood nung nakaraang taon. She's staying at Amaya Tower sa Q.C. Nasa isang safe ito sa loob ng unit nya. We have two months para makuha ito." patuloy na pag-explain ni Gozu sa amin.
Nanlaki ang mata ni Dynamite, "Yung artista?!"
Tumango lang si Gozu.
"Dynamite, magtatrabaho ka sa security ng tower. Gold ikaw sa housekeeping, Igo dito ka at mamatyagan ang kilos ng mga pulis at ikaw Axe, you'll be the bodyguard of Yenni. Para malaman kung nasa'n ang diamond."
"Hala! Dapat ako na lang yung bodyguard, Gozu!" reklamo ni Dynamite.
Hindi sya nito pinansin at ibinigay lang ang mga gadgets na kakailanganin namin.
Matapos no'n ay umalis na rin si Gozu.
"Una na 'ko." Sabi ni Igo at tumayo na.
Sya lang yata ang walang karea-reaksyon sa bago naming trabaho. Ni hindi sya nagsasalita.
Lumapit muli sa'kin si Gold at kumapit sa braso ko, "Kapag nakuha natin yung parte natin dito Axe, magpakasal na tayo~"
"Asa!" inalis ko yung kamay nya at lumabas na.
"Axy! Wait mo ko pre!" Sabi ni Dynamite at sumunod sa akin.
Naglalakad kami sa eskinita tapos nagsalita si Dynamite, "Pre, palit tayo! Dali na! Ang daya naman kasi ni Gozu."
Iniwan ko lang sya doon at binilisan ang paglalakad papunta sa motor ko. Alam kong 'di titigil yung ugok na 'yun sa pangungulit nya.
Actually, hindi ko kilala ang Yenni Madrigal na yun. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng TV. Kaya alam kong mas kaya ko gawin yung trabahong 'to kesa sa Dynamite na yun baka magpa-autograph at magpa-cute lang sya do'n.
Sisiguraduhin kong matatapos 'to ng maayos. Huli na 'to, pagkatapos nito babalik na ako sa ordinaryong buhay na mayroon ako sampung taon na ang nakaraan.
Blue Starlight Diamond, mapapasa'kin ka.
***
Hello! Just want to start another story, medyo malapit na matapos ang TROL at matagal na ring pending 'to kaya i-po-post ko na. Hahaha. Sana may magbasa! Thankies, :)
Shein
BINABASA MO ANG
The Superstar's Bodyguard [JaDine]
Художественная прозаInspired by the Korean movie, The Thieves(2012) The superstar's world suddenly changed when her grandfather gave her the family's precious treasure. She must live with a bodyguard whom she hates and live the life of a star. The bodyguard's wish...