Hime Rhian

389 13 8
                                    

Ako'y kasalukuyang nag lalakad papuntang mansion ng bagong pinag tratrabahuan ng aking ate. Kami ay ulilang lubos kaya't napilitang mag trabaho ng aking ate upang ma buhay kami sa pang araw araw. Ako pala si Althea Galura at ang ate ko naman ay si Bernadeth Galura. Nakarating na ako sa mansion na sinasabi ng ate ko ngunit ang itsura nito ay parang walang tumira.


"Asan kaya si ate Berna. Tama kaya tung na puntahan ko? Baka mali. Hay hahanapin ko nalang siya"


Ang itsura ng mansion ay luma at parang ang tagal ng hindi tinitirahan at ito'y nasa itaas ng bundok hay grabi nakakatok tumira dun. Oo na duwag na kung duwag.


3rd persom's pov


Natigil ang pag muni muni ni Althea ng Makita niya ang isang napakagandang babae, ito'y blonde, mataas, naka kulay itim na bistida at may korona may kasama itong kasambahay na bata. Noong nag tama ang kanilang mata ay tila parang tumigil ang mundo ni Althea


*krekkkkreekk* "tabiiiiiiiiiiiiiiiii" sigaw ni Althea sa babae sabay tulak papalayo at siya mismo ay natumbahan ng isang tubo.


"hmmm sinakripisyo niya ang buhay niya para sa akin? Hahah baliw na babae" ani ng babaeng maganda


Agad dinala ng mga tao si Althea sa ospital upang mapa tignan sa doktor ang kalagayan. Usap usapan sa paligid ang nangyari at marami ang naniniwala na patay na si Althea dahil maraming nawalang dugo sa kanya.


*Rhian's Pov*


Napaka baliw ng babaeng yun ngunit kung hindi dahil sa kanya baka patay na ako ngayon. Hay nako mga kapatid ko hanggang ditto ba susundan nyo parin ako? Ayaw ko ng trono pero hindi nila kayang intindihin yun.


"Hime, ano po ang plano nyo sa babaeng yun?" sabi ni flandre ang aking katiwala


[a/n: Hime is Princess in English]


"bubuhayin ko ang babaeng yun at magiging alipin ko siya. Pag sisilbihan nya ako habang buhay"


"sigurado po ba kayo Hime? Kaya ba ng mortal nayun na protektahan kayo?"


"flan, nakita mo ang ginawa niya diba. Kaya niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa hindi nya kilala at sigurado akong kaya niya akong protektahan. Ngayon gusto kong hanapin mo siya at buhayin natin ang magandang bangkay nayon"


"masusunod po kamahalan".



Dinala ang kawawang bangkay ni Althea sa morgue dahil ito'y nawalan ng buhay dahil sa natamong pangyayari


"Hime nakita ko nap o ang bangkay ng babae"


"salamat Flandre ngayon dalhin mo ako sa kanya"


"What a lovely corpse. Dahil sa ipinakita mong katapangan ako si Hime Rhian Denise Howell I Anak ng Hari ng mga abnormal na nilalang sa mundo ay binibigyan ka ng buhay at magiging sundalo kita hangat ako'y nabubuhay" tinulu an ni Hime Rhian ang kanyang dugo sa baba ni Althea at ito'y umilaw.


"tara na flandre magigising siya maya maya lang parang marami tayong bisita sa mansion ngayon"



Bernadette's POV


Nakarating ako sa mansion mga 4:30 ng hapon dahil namili ako ng mga kakailanganin ng aking bagong amo pagadating ko sa bahay ay agad akong nag linis at mayat maya'y may nakita akong kotse at bumaba doon ang napaka gandang babae kasama ng isang kasambahay.


"Magandang hapon po Madam ako po si Bernadeth Galura ang bago ninyong kasambahay"


"Magandang Hapon din ako si Rhian Denise Howell at ito naman ang aking katiwala si Flandre simula ngayon ay tawagin mo akong Hime maliwanag ba Bernadeth?"

Immortal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon