Chapter 18

554 22 2
                                    

Shawn's POV

"Jade sasabay na ko kay Trick na kumain. Ikaw?" tanong nu'ng babae ni Trick kay pantal.

"Ah, sa cafeteria na lang ako kakain muna." sabi nito at palihim na iniwas ang mga mata niya sa akin na kanina pa nakatingin.

Ano 'yun? Para saan 'yun?

"'Di ka sasabay sakin?" tanong ko rito

"Uh, hindi muna, may group project pa kasi kami na kailangang tapusin eh." paliwanag nito.

"Group project?" nagtatakang tanong naming lahat.

"Eh kakatapos lang ng exam ah?" mausisang tanong ni Trick kay Jade.

Oo nga! Kakatapos lang ng exam nu'ng isang araw.

"Sige na pupunta na kong cafeteria." sabi nito at umalis na.

"Problema nu'n ni Jade?" tanong sakin ni Ace.

"Malay ko." sabi ko

Bakit parang feeling ko iniiwasan ako ni pantal? May nagawa ba ko? Pero nu'ng last week pa siya ganito e, hanggang ngayon.

"Tsk! Abnormal." sambit ko na lamang sa sarili ko.

Tinamad akong kumain kaya naglaro na lang ako sa cellphone ko.

"Sid COC tayo. Upgraded na lahat sakin." sabi ko rito at pumayag naman ito.

Matapos ng dalawang game ay umayaw na ako.

"Talo ka naman Shawn!" natatawang sabi ni Sid.

"Tsk!" sabi ko na lamang

Kinalikot ko na lang yung messages ko ng biglang may nagpop-up na sms.

+966508765432

I miss you so much, Shawn. I wanted to see you now, I think I will be insane when I touch you again. I can't wait. I miss your precious eyes. I miss your little nose, I miss your tiny lips. I miss you so much. I love you to the moon and back, Shawn and I always do.

"Fuck!" sigaw ko sabay hagis ng phone ko.

"Tangina! Ano 'yun?"



Ace's POV

"Fuck!" sigaw ni Shawn sabay hagis nung phone niya malapit sa pwesto ko.

"Tangina! Ano 'yun?" gulat na tanong naman ni Rage.

"Problema Shawn?" tanong naman ni Trick.

Tiningnan lang ng masama ni Shawn si Trick at dali-daling umalis.

"Nangyare du'n?" tanong sakin ni Trick

"Baka nabadtrip dahil sa cold treatment ni Jade sakaniya last week hanggang ngayon." kibit-balikat na sagot ko.

Aba malay ko ba sa LQ ng dalawang 'yan!

'Yung pagkagwapo ko na nga lang 'yung pinoproblema ko rito, although hindi halata na may problema rin ako, kasi nga... ehem, gwapo.

Lumapit sakin si Sid na nakuha na pala 'yung cellphone ni Shawn.

Hindi naman siya wasak pa talaga, may konting basag lang at mga gasgas, pero mabubuksan pa rin naman.

"Ano ngang password ulit ni Shawn nakalimutan ko na eh?" tanong sakin nito.

"0728 ata. Ewan!" sabi ko

Tinaype naman 'yon ni Sid at bumukas nga

Tsk! Tsk! Imba na talaga kapag gwapo.

Tiningnan namin ni Sid 'yung messaging niya. Dahil sa gwapong genius ako, tama ang hinala ko.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon