Lahat ng tao dumadaan sa pagiging bata, anak at estudyante. Kailangang sundin ang mga mas nakakatanda, lalo na ang ating mga magulang dahil mas marami na silang nalalaman at nararanasan.
Sinasabing mataas ang porsyento ng kuryosidad sa utak ng isang tao lalo na kung bata ka. Marami kang gustong gawin at tuklasin para malaman mo kung paano, bakit, saan, papaano at ano ang mga bagay na nangyayari sa paligid mo. Ngunit sa pagtuklas ng mga bagay o mga pangyayaring iyon, madalas tayong mapagalitan at mapagsabihan.
Minsan, yung mga bagay na binibigyan natin ng "effort" ay hindi naman napapansin ng iba, nasasayang lang. Kung minsan napapansin nga, di naman nila pinapahalagahan ng ayos.
Ito ang istorya kung saan ipinapakita ang mga maaaring nararamdaman o naramdaman at nararanasan o naranasan ng isang estudyang katulad mo o ng mga taong dumaan na sa pagkabata.
Isang istorya kung saan maaaring naging dahilan kung bakit malayo ang loob ng anak sa mga magulang nila. Maaaring masaya sila sa harapan ninyo, ngunit sigurado ka bang wala silang mga maskarang suot na nagkukubli sa tunay nilang nararamdaman?
Tao din naman sila.
Nakakaramdam.
Napapagod.
Hindi dahil mas matanda ka na ay mas alam mo na ang dapat gawin sa lahat ng bagay.
Maaaring mas marami ang nalalaman ng mas nakakatanda sa atin. Alam nila kung ano ang dapat gawin, ngunit hindi lahat ay alam nila. Hindi lang sila ang nahihirapan.
Hindi nila lahat alam ang pakiramdam ng isang estudyanteng tulad ko.
Hindi nila alam-
-nahihirapan din ako.
~
Take-home seatworks, assignments, projects at essays.
Walang katapusang tambak na naman ng schoolwork.
Nagbuntunghininga ako habang dala-dala ko ang mabigat kong bag na punong-puno ng libro't notebook habang naglalakad. Papalapit na ako sa bahay ng napagtanto kong sermon na naman ang aabutin ko.
Kagagaling ko lang sa bahay ng kaklase ko dahil may ginawa kaming group project at mukhang di talaga sumasang-ayon ang araw na 'to sa akin at nalow-batt ang phone ko. Di tuloy ako nakapagpaalam. May service naman ako pero sa mga ganitong pagkakataon, nag-co-commute ako.
Pero kahit na mabigat ang mga dala ko, sa mga ganitong oras ako nakakapag-isip-isip. Dito ako nakakahinga matapos ang isang napaka-pressured na araw.
Tumingin ako sa kalangitan at napangiti ako sa aking nakikita.
"Ang daming bituin ngayong gabi ah." sambit ko sa aking sarili.
Ang gaganda talaga ng mga bituin. Para silang mga dyamante. Gusto kong maging parang bituin, nagniningning at tinitingala ng lahat.
Bigla tuloy bumalik sa isipan ko ang usapan namin ng aking papa noong isang gabi.
Gumagawa ako ng aking comic strip sa Biotech. Hay, Biotech, favorite subject ko 'to. Andami kong natutunan at lagi akong namamangha sa mga kayang gawin ng teknolohiya ngayon, lalong- lalo na sa ating katawan.
Masaya akong nagkukulay ng comic strip tungkol sa restriction enzymes nang nilapitan ako ni papa.
"Sipag talaga ng anak ko. Assignment ba yan?" tanong ni papa.
"Actually, project po siya." sagot ko nang nakangiti.
"Alam mo bang natutuwa ako sa'yo anak? Biruin mo overall top 2 ka sa Scitech? Pag butihan mo pa anak, dapat makuha mo din yung Top 1, ha? Lagi nga kitang pinagmamalaki sa mga katrabaho ko sa Korea. I'm so proud of you, anak." Sabi ni papa habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Nahihirapan Din Ako
Krótkie OpowiadaniaAng mga magulang natin ang naghihirap para sa kinabukasan nating mga anak. Sila yung nagpapagod at nagtatrabaho para lang magkaroon tayo ng magandang buhay. Narinig na natin yung tungkol sa mga paghihirap nila. Alam na natin yung kwento nila. Paano...