Chapter 6

41 1 0
                                    

Update :)

Chapter 6

Kath's POV

Last subject na namin ngayon.

Medyo naiinis pa rin ako kay Dj dahil sa nangyari kanina.

Hindi naman talaga kasi ako yung may kasalanan. Paharang-harang kasi sa daanan, eh ang luwang ng space kanina sa Canteen.

Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi ng Mapeh Teacher namin ngayon eh sa nakakaantok siyang magsalita at first day of school pa lang naman.

Biglang may kumalabit sa akin, paglingon ko si Janella pala.

"Kath sabay tayo umuwi mamaya."

"O sige ba."

Hindi ko naiwasang tumingin sa likod ni Janella at nakita ko si Dj.

Ang sama ng tingin niya sa akin.

Pake ko sa kanya! Hindi ako natatakot sa tingin niya noh.

Sinamaan ko rin siya ng tingin at bumalik na ako sa dati kong pwesto.

Napanood ko nga yung performance nila ng banda niya kanina.

hmmm.. Okay na rin ang boses niya pero mas magaling pa rin si Daniel my labs ko.

Si DANIEL PADILLA ah, hindi siya..

Porket kapangalan lang niya eh siya na?.. NO WAY!!!

"Goodbye Class"

Salamat naman at tapos na ring magsalita si Sir. Nakakaantok eh, wala din lang naman nakikinig sa kanya.

"Tara na kath." sabi ni Janella.

"Girls mauna na kami ni Kath na umuwi ah. Sabay kaming uuwi." sabi ni Janella sa kanila julia, kiray at lyza.

"O sige bhe. Ingat kayong dalawa." sabi ni Julia.

Nagsmile ako sa kanila at umalis na kami ni Janella.

"Bakit hindi pa ba uuwi yung mga yun?" tanong ko kay Janella.

"Hindi pa, may practice pa kasi sila ng cheerdance."

"Ah ganun ba? bakit hindi ka kasali dun?"

"Hmm.. ayokong sumali dun mas gusto ko sa Volleyball." 

"Volleyball?! pwede pa bang sumali?" sabi ko sa kanya na nakahawak sa braso niya. Okay ako na ang OA. Hahaha.

Halatang nagulat si Janella, favorite sport ko kasi yun.

"Nakakagulat ka naman kath."

"Hehe. Pwede pa bang sumali? Favorite sport ko kasi yun."

"Pwede pa naman."

"Talaga? Yess! sali mo ako ah."

"O sige, sasabihin ko na lang kay Coach Lim next week."

"Yey! Thank you ella!" 

"Ella?

"Oo. Janella, Ella for short, ang haba kasi ng pangalan mo." Mahaba nga ba? eh 3 syllables nga lang eh. Hahaha. Wala lang trip lang.

"Ah oh. Hahaha"

------------------------------------------------------

Same village lang pala kami ni Janella.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Say It Again (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon