May isang babaeng nagngangalang Violet na walang ibang ginusto kung hindi ang mahalin din siya ng taong mahal niya. Dahil para sa kanya, ang pag- ibig at pagka in love ay isa sa pinakaimportanteng bagay na maaring mangyari sa kanya. Hanggang sa isang araw, nakilala niya si Eros. Former student ito ng section niya ngayon. Agad napukaw ng atensyon niya ang pagiging mahiyain at pagiging gentleman ni Eros na agad niyang nagustuhan. Di nagtagal ay naging malapit na magkaibigan sila.
Violet: Kuya Eros!
Eros: Violet, ilang beses ko bang sasabihin sayo na Eros na lang ang itawag mo sakin? Nagmumuka akong matanda eh magka edad naman tayo.
Violet: Sige na nga Ku-- Eros! Tara na uwi na tayo!
Eros: Sige ba!Hindi naman namalayan ni Violet na unti unti na siyang nahuhulog kay Eros. Alam ito ni Eros dahil iisa lamang sila nang nararamdaman. Sa sandaling panahon na iyon ay tuluyan na nga silang nahulog sa isa't isa.
Hanggang sa isang araw ay napag desisyunan na ni Eros na aminin ang kanyang nararamdaman para kay Violet.
Eros: Violet..
Violet: Oh Eros! Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?
Eros: Ah kasi ganito yun.. Uhh.. ano ahmm..
Violet: Nako Eros kung pagtitripan mo lang ako, wag ngayon. Napakarami ko pang gagawin, napakarami pang projects na kailangang ayusin. Mga homeworks at ass--
Eros: GUSTO KITA!
Violet: A- ano?
Eros: Gusto kita Violet. Matagal na. Hindi ko lang talaga masabi dahil natakot ako.. Natakot na baka iwasan mo ko at di na kausapin kahit kailan.
Violet: At bakit ko naman gagawin yun?
Eros: E- ewan ko.. Basta ang alam ko gusto kita. Gustong gusto kita Violet.
Violet: Gusto din kita Eros.
Eros: Talaga? Seryoso ka talaga?!
Violet: Hahah. Oo naman. Hindi ka namang mahirap magustuhan eh.
Eros: Salamat Violet! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya!Naging masaya naman sina Violet at Eros sa kanilang relasyon. Ang totoo nga'y tumaas ang ranking ni Violet dahil sa pagtulong sa kanya ni Eros sa pag aaral. Pero napansin niyang parang medyo ilap na sa kanya ngayon si Eros. Palagi na nitong hawak ang kanyang cellphone kapag sila ay magkasama. Pero hindi naman niya ito binigyan ng pansin dahil alam niyang siya lang ang mahal ni Eros at hindi siya kayang saktan nito.
Hanggang sa...
Mia: Violet!
Violet: Oh Mia! Hi kamusta? Kamusta kayo ni Lotah?
Mia: Ayos lang kami. Ikaw ang dahilan kung bakit ako pumunta dito.
Violet: H- ha? Bakit? May pinapasabi ba si Eros? Asan na ba yun? Kanina pako naghihintay dito, wala pa rin siya.
Mia: Violet may kailangan kang malaman.
Violet: A- ano yun? Mia wag mo akong pagtitripan ha. Sasapakin kita.
Mia: S- si Eros.. May k- kasamang ibang b- babae.. Violet nakita ko siya!
Violet: T- teka s- sinisiraan mo ata si Eros eh. Hindi niya magagawa sakin iyang mga sinasabi mo! At t- tsaka wala kang e- ebidensiya. B- baka kapatid niya lang iyon o k- kaya naman p- pinsan!
Mia: Violet! Kapatid? Pinsan? May magkapatid o magpinsan bang nagyayakapan at naghahalikan? Sabihin mo nga! Meron ba ha? MERON BA?!
Violet: H- hindi totoo yan. WALA KANG EBIDENSIYA!
Mia: Meron! Oh ayan na ang picture ng Eros mo habang nilalamutak ang muka ng ibang babae. Kung ayaw mo pa ding maniwala, bahala ka. Basta tandaan mo. Binalaan kita noon. Hindi ako nagkulang bilang isang kaibig--
Eros: Mia? Mia! Kamusta? Oh babe! Bakit ka umiiyak? Mia, bakit umiiyak ang Violet ko?
Mia: Sige na Violet, mauuna na ako.
Eros: Te- teka lang Mia!!Hindi alam ni Violet kung ano bang dapat niyang gawin ngayon. Halo halo ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Perk nananaig ang galit at sakit sa kanyang puso...
Violet: Eros.
Eros: Babe?
Violet: WAG NA WAG MO AKONG MABABE BABE! ANG KAPAL NG MUKA MO! MINAHAL KITA EROS! SOBRA SOBRA KITANG MINAHAL!! TAPOS ANO? ITATAPON MO NA LANG LAHAT NANG PINAGSAMAHAN NATIN NANG BASTA BASTA NA LANG? WALA KANG KWENTA!
Eros: Violet ano bang pinagsasabi mo? Wala akong ginagawa. Mahal kita.
Violet: Wag na wag kang magsasabi ng salita na di mo naman gaanong kaalam ang kahulugan. Kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan.. Anong klaseng pagmamahal yan?
Eros: haha.. Hahahah. HAHAHAHAHAH! At sinong may sabing mahal kita? Wag kang ambisyosa. Laruan ka lang.Pakiramdam ni Violet na parang nagunaw ang mundo niya mula sa mga salitang binitawan ni Eros. Napakasakit. Sobra siyang nasaktan. Hindi niya lubos akalaing kaya siyang lokohin ng taong lubos niyang minahal.
Dahil dito natuto na siya. Natutunan niya na hindi pala lahat ng love story at may happy ending. Hindi pala lahat ng lalaki at pwedeng maging prince charming. At higit sa lahat kailangan mo rin palang magising sa katotohanan na hindi lahat ng taong mahal mo ay mamahalin ka pabalik.
BINABASA MO ANG
Toy Story (Short Story)
Teen FictionHindi lahat ng love story at may happy ending. Hindi lahat ng lalaki at pwedeng maging prince charming. At higit sa lahat kailangan mo rin palang magising sa katotohanan na hindi lahat ng taong mahal mo ay mamahalin ka pabalik. GROUP 5 CARTA | MALI...