Sabi nila, ang mga bastos daw TUMATAE sa plato.
Sabi ko naman, di lang yun ang basehan ng pagiging bastos ng isang tao.
Ang tunay na bastos, walang galang
walang modo…
walang respeto…
Pero yun ang akala ko…
Di ko alam na magiging BASTOS pala ang isang tao kung…….
BABASAHIN NIYO TO :)
“Uy James, paipod naman oh. Di ka na nga tumutulong sa paglilinis, patulog-tulog ka pa diyan!” Tinapik ko yung likod ng nakaub-ob na si James. Ang tamad-tamad kasi niya eh! Cleaners kami ngayon pero heto siya, patulog-tulog samantalang ako, naiipod ko na lahat ng upuan para walisin yung sahig. Yung upuan nalang niya yung di naiipod.
“James naman! Excuse meeeee!” Napasigaw na ko sa sobrang inis! Tinakasan na kasi ako nung ibang cleaners. At dahil leader ako, wala akong choice kundi maiwan para maglinis. Tapos itong lalaking to eh ayaw pa kong tulungan. naiirita na ko! Kung di ko lang siya crush baka nasapok ko na to.
“Ayaw mo umipod ha! Sige!” Itinaas ko yung walis at sinimulang itaboy lahat ng alikabok papunta sa pwesto niya.
*cough *cough
Napaubo siya sa kapal ng usok .
BINABASA MO ANG
ANG BASTOS MO! (ONE SHOT )
RomanceSabi nila, ang mga bastos daw TUMATAE sa plato. Sabi ko naman, di lang yun ang basehan ng pagiging bastos ng isang tao. Ang tunay na bastos, walang galang walang modo… walang respeto… Pero yun ang akala ko… Di ko alam na magiging BASTOS pala ang is...