Jeep [ One Shot ]

80 4 0
                                    

Magdadalawang taon na rin mula nang lumipat ng tirahan ang pamilya ko. Pero hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako dahil malaki ang naging epekto nito sa pag-aaral ko.

Ako nga pala si Yuri. Isang fourth-year highschool student. Nag-aaral ako sa Manila samantalang taga-Cavite pa ako. Ayaw naman akong payagan ng mga magulang ko na mag-dorm kase raw ay delikado, pero ang di ko naman akalain ay mas malaking peligro pa pala ang kakaharapan ko sa pagbibiyahe.

Minsa'y napagabi ang uwi ko mula sa school at inabot ako ng 8:15 sa kaka-practice namin. Kaya nagmadali ako dahil alam kong kapag umaabot na ng alas nueve ng gabi ay wala nang jeep na dumaraan sa kalsada sa amin. Hindi naman ako pwedeng maglakad dahil katakot-takot na adik at masasamang-loob ang haharapin ko sa daan.

Pagdating ko sa terminal ng jeep ay di nga ako nagkamali at naabutan na ako ng last trip. Wala nang tao sa amin ng ganoong oras kundi ang mga nagtatrabahong pauwi pa lang. Pero ngayon, isa yata ako sa mga aabutin ng umaga dito sa terminal dahil sa wala nang jeep.

"Bawal na po bang sumabit? Kahit ngayon lang po." Pagmamakaawa ko sa barker ng jeep.

"Pasensya na, kuya. Bawal 'yang gusto mo eh. Kami ang malalagot niyan." Paliwanag nito.

Nakabusangot akong bumalik sa upuan ko kanina. Nag-text na ako kina mama't papa para sabihin na nandito ako ngayon sa terminal at wala akong masakyan.

Kung pwede ko lang sanang lakarin ang kalsadang ito papunta sa amin eh, kanina ko pa sana ginawa. Kaya lang, bukod sa maraming nagkalat na masasamang-loob, meron ding mga kwento-kwento sa amin na meron raw nagpapakitang mga kaluluwa sa kalsadang iyon. Nalaglag raw sa bangin sabi ng iba. Yung iba naman, ginahasa raw. Meron din namang nagsasabi na mga maligno raw iyon at mga demonyo.

Laking tuwa ko nang makita ko ang sign board ng jeep na umabante sa terminal. Isang jeep na walang pasahero at nakalagay ang mga katagang "Rochinston's Village" sa harap nito. Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagmadaling tumakbo para kausapin ang driver.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Nanaginip ba ako? O sinuswerte lang ako ngayon?

"Manong, akala ko ba last trip na yung jeep kanina dito?"

"Pauwi na rin ako sa bahay namin, dun sa katabing subdivision ng Rochinston's Village. Dun ako nakatira. Kaya nga 'eto lang sign board ko eh. Ano, sasakay ka ba?" Sabi ni manong habang walang emosyon ang mukha. May bigote ito at kayumanggi ang balat. Meron din itong malaking nunal sa gilid ng ilong nito.

"Opo, sasakay po ako." Sabi ko sabay upo sa tabi ng driver. Mukhang ako lang naman ang tao dito sa terminal kaya agad na pinaandar ni manong ang jeep. Habang umaandar ang jeep ay nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga nadadaan namin. May mga matataas na puno, mga bukid at matatarik na bangin.

Tahimik lamang ang jeep dahil mukhang suplado si manong ay hindi na lamang ako nakipag-kuwentuhan. Maya-maya ay lumamig ang batok ko nang makita ko ang isang matandang babae na nasa gilid ng kalsada na mayroong nakakakilabot na aura. Seryoso ang mukha nito habang nakataas ang kamay na tila pinapara ang jeep ni manong.

"Utoy, ipikit mo ang mga mata mo. Baka kung anong makita mo riyan sa bangin." Babala ni manong na agad ko namang sinunod. Kinilabutan na rin kase ako. Imagine-in mo naman na dalawa lang kayo sa jeep tapos may madadaan kayong matanda in the middle of nowhere? Pagkatapos nun ay naramdaman ko na binilisan ng bahagya ni manong ang pagpapaandar sa jeep.

Pero nalito na akong tuluyan nang marinig kong sumisigaw ang matandang nadaanan namin...

"Tumalon ka na! Tumalon ka na!" Isang nakakatakot na pangyayari para sa akin ang mga sumunod na pangyayari. Mabilis akong dumilat at doon na lamang ako nagising.

Naging isang bangkay ang kaninang buhay na buhay na driver. Dumurugo ang ulo nito at wasak-wasak ang kanyang mga damit. Dahan-dahan itong lumingon sa akin at akmang hahawak niya na ako sa aking bisig.

"Tumalon ka na! Tumalon ka na!" Rinig ko pa rin ang sigaw ng matandang babae kahit na medyo malayo na ito sa amin. Dito ko na napagdesisyunan na tumalon. Ramdam ko ang pagkirot ng likod ko dahil sa pagtama nito sa simento. Tumakbo naman papalapit sa akin ang matanda saka ako inalalayan.

Sinundan ko ng tingin ang jeep at dahan-dahan na lamang itong naglaho na parang bula.

Ayon sa matanda, ang driver pala ng jeep na iyon ay ang kanyang pumanaw nang asawa. Ganitong oras din daw noon nang mahulog ang minamaneho nitong jeep sa bangin sa gilid ng kalsada. Nanlamig ang buo kong katawan sa aking natuklasan. Palagi rin raw itong nagpapakita sa eksaktong oras ng pagkamatay niya upang mandamay ng mga pasaherong nasa kalsada pa sa ganoong oras.

Mula noon ay hindi na ako nagpaabot pa ng gabi sa eskwelahan upang hindi na ako maabutan pa ng last trip at palagi na rin akong nagdarasal sa tuwing mapapadaan kami sa nasabing kalsada.

~<<<*The End*>>>~

Author's Note:
-Credits kay AnonymousBlackStone para sa cover na ginawa niya! Ang ganda! Salamat!

Jeep (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon