Vol Chapter 10

15 3 1
                                    

Chapter 10

Maaga akong gumising, para paghandaan ang pagdating ni Joshua.

Sinabihan ko na rin si mama na may darating akong bisita dahil may kailangan kaming pagplanuhan,

at eto namang baliw kong mama, nagtanong kung kasal ba daw namin yung pagpaplanuhan namin.

JUSKO PO MAMANG!

SANA!!!

hehe, di joke lang! Sabi ko na lang na school affair.

So eto ako ngayon, gumagawa ng macaroni salad para naman may ipakain ako kay Joshua mamaya. Nakakahiya naman siguro kung gugutumin ko siya no?

Bandang 11am na ako naligo, kailangan kong maging mabango at maganda ngayon. Nung matapos na akong maligo,

Pagkatapos kong maligo, binuksan ko yung cabinet ko at naghanap ng magandang damit na susuotin,

dress? Parang napaka-OA naman ata siguro nun, ano ako? Aattend ng party? Magsisimba?

Sleeveless? Di ba napakasexy naman ata nun...

Kaya ang sinuot ko na lang?

Yung pink na polo-shirt ko atsaka white shorts. 

Haaay, bahala na nga to, atleast presentable yung suot ko.

Sinuklay ko yung basa kong buhok at naglagay ng powder.

12:28 pa.

Bumaba ako at nakita kong nakahanda na ang lunch.

Kumain muna ako ng lunch at nagtoothbrush. Mahirap na, baka mangamoy bawang pa yung bibig ko.

1:08 na at wala pa tong si Joshua, ang tagal huh? Medyo inaantok na ako,

Nasa sofa lang ako, nakapatong yung paa ko sa may arm supporter.

Konti na lang talaga bibigay na tong mga mata ko.

"Nak..."

"sadfghjklsdfghjk"

"Nak!"

"asdfghjkl;kjhgfdsghj"

"Nak gising na! May bisita ka!"

"Pabalakin mo na lang bukas ma, antok ako"

"Miss T! Tatayo ka ba o hindi!"

"Ay butiki!"

Nahulog ako sa sofa ng marinig ko yung pangalan na yun.

"Aw!"

Sakit sa ulo yung nangyari, nauntog ko tuloy yung ulo ko.

Inangat ko yung ulo ko habang hinihimas yung mejo masakit na parte.

"Tsk. Tulog mantika"

O_O

Napatingin ako sa wall clock ng bahay at

2:39 na!!!!!!!!

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

Agad-agad akong tumakbo papuntang kwarto ko.

Baliw na Joshua to!

Pumunta ako sa salamin ko para ayusin ang sarili ko.

Ang gulo ng buhok ko! Naninikit pa mga mata ko!

Ayos Deiane,

suklay sa buhok,

konting powder.

Valley of Lost Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon