Chapter 1

1 0 0
                                    

Sunday morning.

Pagkatapos kong mag simba dumiretso ako sa mall with my cousins. Pasukan na bukas at ngayon pa lang kami mamimili ng mga gamit.

"Sabi na nga ba siksikan na naman 'to." Nasambit ko na lang habang nakatingin sa mga nagkukumpulan na tao.

"Hindi ka na nasanay, ate. Pilipino eh." Sabi ng pinsan kong si Haze. Dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Sa lahat ng pinsan ko siya ang pinaka close ko.

"Nagsalita ang hindi Pilipino. Dapat proud ka kasi Pilipino tayo. Hahaha. Mahilig sa rush!" Sambit naman ni Michael. Magka-edad sila ni Haze pero mas matanda lang ng 7 months si Haze.

Silang dalawa lang ang palagi kong kasama. Busy kasi ang iba pa naming pinsan. Walang time para bantayan kami sa mga kalokohan namin. At dahil ako ang pinakamatanda sa kanilang dalawa no choice ako kundi ang samahan sila.

"Tara na nga at ng matapos na tayo. Nagugutom na ako eh. Masamang gutumin ang gutom." Aya ko sa kanila.

"Sus, ang sabihin mo masamang gutumin ang isang Rhangel! Idamay pa ang lahat ng gutom." Tignan mo 'tong lalaking ito. Napakaloko talaga.

Nauna na silang maglakad kaya sumunod na lang ako.

Sa pagkakaalam ko AC naman itong mall pero grabe lang! Sobrang init sa dami ng tao.

After 1234567890 years ng pakikipagsiksikan natapos na rin kami sa wakas. Konte lang naman binili namin  kaso marami ngang tao kaya ayon natagalan tuloy.

Dumiretso na kami sa McDo para kumain.

"Anong order nyo?"tanong ko.

"Ah waitress, yung dati na lang. Pakibilisan lang at nagugutom na ako." Sagot ni Michael.

"Aray naman!ba't ka nambabatok?"Binatukan ko nga. Lakas makautos eh.

"Eh kung ikaw kaya ang pumila at mag order mister at ako uupo lang dito habang hinihintay ka."

"Hehe. Si ate naman hindi na mabiro. Sige na makipila ka na dun para makakain na tayo ate. Take your time. Ok?"

Tsk!loko talaga.

Nakipila na nga ako. Inorder ko na lang ung paborito namin. Large fries at Mcfloat.
Pagkatapos namin kumain umuwi na kami. Sa sobrang pagod nakatulog na 'yong   dalawa sa sasakyan. Malayo layo pa naman ang byahe kaya umidlip na muna ako.

-------------------------------------------------------------
First story ko kaya sana suportahan nyo po. :) Thanks!

-blackgirlsoul

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon