Bianca's POV
Malapit ng mag lunch. Pangatlong subject na namin ito ngayong araw. Tahimik at kita kong nakikinig ang mga classmate ko. Tanging ang malakas na boses lang ni Mr. Ramos ang naririnig sa classroom, Math teacher namin. Wala na nga akong maintindihan sa mga tinuturo niya. Ayaw ko sa Math and I think the feeling is mutual. Hehe.
Tinignan ko si best. Ayon nakatingin siya sa labas habang nakapatong ang baba niya sa kanyang kamay. Talagang ganyan na ang taong yan buti nga hindi sumasakit leeg niya sa lagay na yan.
Naalala ko ang nangyari kaninang flag ceremony. Tungkol dun sa sinabi ni best na gusto niya si Daniel. Wala naman sana akong problema dun eh ang kaso lang kapag nagkagusto si best pangmadalian lang, maximum na ang 1 week.
Sa tagal na namin magbestfriend never ko pang narinig na sinabi niyang "I love you."sa isang tao, puro lang "I like you."at hanggan dun lang talaga.
Kapag naman may nakakarelasyon siya tumatagal lang ng isang linggo at wala ng second chance. Nakakaawa nga ang mga naging boyfriend niya.
"Hey, Bianca." Hay!sana naman magmahal na itong bestfriend ko.
"Psst."sana dunating na ang lalaking magpapaibig sa bakal niyang puso.
"Hoy!"
"Ay!PUSO!"nasambit ko na lang habang nakahawak sa dibdib ko. Nahulog ata puso ko."Ano bang problema mo Remy?bat ka nanggugulat ah?"
"Sorry, ikaw kasi kanina pa kita tinatawag tulala ka lang jan."
"Tsk,may iniisip lang ako."
"Halata nga eh, di mo nga pansin na tapos na ang klase."
Napatingin ako sa harapan. Tapos na nga talaga ang klase, isa-isa ng lumalabas ang mga classmate namin.
"Oo nga noh, lika mag lunch na tayo."aya ko kay Remy.
"Eh si Rhangel, hindi ba siya maglalunch?"ay oo nga pala.
"Best lika na, kain na tayo."tawag ko kay best.
....
....
....
....
....
"Best!"naman oh, gutom na ako. Pumunta ako sa harapan niya. Kita mo naman oh, akala ko gising yun pala tulog. Buti hindi siya napansin ng mga teacher.Tsk.Nilapit ko mukha ko sa mukha niya. Ang ganda talaga ng bestfriend ko. Ang tangos ng ilong niya, ang haba ng mga pilik mata, pinkish yung labi niya. Hindi siya nagmmake-up, natural na natural. Sorry best kung puputulin ko muna ang panaginip mo kung meron man.
1,2,3
"SUNOG!MAY SUNOG!"sigaw ko sa may bandang tenga niya.
"F*ck!Asan yung sunog?Asan?"sabi niya sabay takbo palabas ng room. Bigla siyang tumigil nung malapit na siya sa pintuan. Narealized na siguro niya yung nangyari.
"BIANCA CHAN!"lagot!dahan dahan siyang humarap sa amin. Ang daming usok lumalabas sa tenga at ilong niya. Katacute sya!
"Hehe,peace best!"sabay peace sign ko sa kanya. Tumingin siya kay Remy.
"Oh,wala akong kinalaman jan. Inosente ako!"
"Tsk!ilabas mo lahat ng pera mo Bianca, ikaw magbabayad lahat ng kakainin ko ngayong araw!"bigla na lang akong napasimangot. Grabe siya oh! Who am I to deserve this?
"Waaahhhh! Wag ka namang ganyan best. Kulang pa nga baon ko sakin eh tapos ako pa magbabayad ng sayo!"huhuhuhu!
"Yan ang napapala mo sa pang gigising sakin. Tara na."nakangisi niyang sabi.
Sumunod nalang kami ni Remy.
"Ikaw kasi, oh anong napala mo ngayon? Wala diba?hahahaha."eh kung batukan ko kaya itong lalaki na ito.
"Shut up!"
"Hahahaha..kawawa naman ang baby biancz namin."easy lang bianca, inhale exhale inhale exhale.
Buti at nakarating kami sa cafeteria ng hindi nababalian ng buto ang lalaki na ito.
Angel's POV
Sa sobrang gutom ko halos damputin ko na lahat ng makita kong pagkain dito. Nang humarap ako kina best napanganga na lang siya ng makita niya ang dala kong tray.
Tinapik ko baba niya. "Pasukan ng langaw yan baka mapag kamalan nilang lungga nila. Mahirap na."dumiretso na lang ako sa bakanteng lamesa.
"Seryoso ka talaga sa sinabi mo?hindi ka nag jojoke best?"hindi makapaniwalang tanong niya. Nakakatawa ang itsura niya. Matakaw kasi ang isang ito kaya alam kong hindi pa sapat ang baon niya para sa kanya."Best!ano na?seryoso?"
"Umupo ka na nga. Binibiro lang kita. Ayaw kong galitin ung cobra sa tiyan mo noh, takot ko lang jan."pagbiBiro ko.
"Baby cobra palang ito kaya don't worry safe ka pa naman."
"Hoy Remy, dahan dahan naman sa pagkain. Para kang mauubusan ah." Bianca.
"%@@%#%#^#&$&%*%^$&$&!^^&$"tignan mo ito, punong puno yung bunganga tapos magsasalita.
"Pwede ba,manners naman Remy. San mo ba nahulog yun?lika samahan kitang hanapin."lalaki nga naman oh.
"Kadiri ka Remy!yuck!" Bianca.
Inisang lunok niya yung kinakain tapos uminom ng tubig." Sorry naman, eh sa gutom ako tapos bigla niyo akong kakausapin. Syempre sasagot ako,db?"
"Reasons."nasabi ko na lang.
Pagkatapos namin kumain, napagkasunduan namin na tumambay muna sa basketball court, 1:30 pa kasi pasok namin.
"Grabe, ang gagaling nilang magbasketball oh. Kainggit tuloy."komento ni Remy.
"Marunong ka naman diba?bat hindi ka sumali?"tanong ko.
"Marunong lang ako pero hindi ako kasing galing nila."
"Problema ba iyon. Kaya ka nga sasali para gumaling ka eh."sabat naman ni best.
"Hindi naman kasi ganun kadali iyon. Saka nahihiya kasi ako baka pagtawanan lang nila ako kapag may nagawa akong mali."
"Nothing worth having comes easy."sabi ko sabay tapik sa balikat niya bago umalis sa court.
------------------------------------------------------------
Thanks for reading.^^-blackgirlsoul
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
RandomAm I contented? I guess so. I have my family and friends. I'm happy with them. Wala na akong kailangan pa. Wala na akong mahihiling pa. But then, he came. Unexpectedly. At dun na nagsimula ang lahat.