CHAPTER 11.5- POURING LOVE UNDER THE POURING RAIN
BRYLE's POV
"A-a-anong ginagawa mo dito?!"-siya yan
Salamat at napansin na nya rin ako after ilang minutes. Akala ko kasi nanigas na siya sa lamig eh -_-
"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo! Ikaw ang anung ginagawa dito?! umuulan kaya!"
"WALA KANG PAKIALAM!" sigaw nya tapos umiwas siya ng tingin tapos nagpunas ng luha niya, as if naman matutuyo yun eh nauulanan siya! Bobo! tss.. tapos ang sungit pa! -_-
"Ikaw na nga tong--! hays..Sige na, mamaya na kita tatanungin. Umalis na muna tayo dito. Ang lakas ng ulan eh! Ang lamig!"
"Ayoko! Umalis ka mag isa mo!" aba at talaga namang! Nakakainis na sya huh! Bakit ba napakasungit nya?! Sya na nga tong tinutulungan siya pa ang galit! Paksh*t lang!
"Tara na kasi sabi!" hinihila ko na sya nyan kaso yung dalawang kamay niya ayaw bumitaw sa pagkakahawak dun sa swing! leche! basang basa na kami eh! at kung tama ako, ala una na ng madaling araw! sobrang lameg!
"Sabi ng ayoko eh! Bakit ba ang kulit mo?! Iwan mo na lang ako! Sanay na akong mag-isa!!"
Hayy.. Anu na naman bang tumatakbo sa utak niya?! Nakakabwisit na eh! Bahala na nga sya! Hindi ko alam kung bakit ko sya pinagttyagaan! Hindi naman ako ang magkakasakit eh! tss..Kung ayaw niya di wag niya!
"Bahala ka nga dyan kung ayaw mo!" galit kong sabi at binitawan ko na siya tapos naglakad na ako paalis
.
.
.
T*ng *na!! Nagfflashback sakin yung itsura niya kanina sa swing habang naglalakad ako palayo! hayy! Napahilamos ko na lang yung kamay ko sa mukha ko.
Tapos..
.
.
.
Tumalikod ako at NAGLAKAD PABALIK SA KANYA..
.
.
.
Ang tibay niya talaga eh! Talaga atang walang balak umalis dun! Lakas ng trip sa buhay!! Naman oh!
.
.
.
"Talagang hindi ka aalis dyan no?!" pagkatapos kong sabihin yun, tumingin lang sya sakin saglit tapos tumungo na ulit.. tss! Anu ba kasing problema niya?! hindi ko na alam kung anung gagawin ko sa kanya eh!
.
.
"Ho-hoy! Para san to?!" tinatanong niya ako kasi sinuot ko sa kanya yung suot kong jacket
"Kung hindi kita mapapaalis dyan, siguro ok ng bigyan kita ng jacket diba? medyo basa narin yan pero atleast mababawasan yung lamig.."
Hoo! ang lamig tuloy! nakasando nga lang pala ako!
"Pero, nakasando ka lang oh?! magkasakit ka pa! wag na lang oh!" huhubarin na niya sana yung jacket pero pinigilan ko siya..
"At sa tingin mo hindi ka magkakasakit? Hay nako..isuot mo na lang yan. Sige aalis na ako.."
Ang lamig kasi eh! Ayaw naman niya sumama sakin, siguro naman hindi na ako makokonsensya kasi binigyan ko na nga sya ng jacket diba?!
Kaya ayun, tumalikod na ako sa kanya tapos naglakad na pabalik ng kotse.
BINABASA MO ANG
GIRLFRIEND FOR HIRE.
Romance(Completed) | No Soft Copy | My name is Nami Shanaia San Jose. And this... is my-- our story.