01.31.16
-
Sabi nila, kapag nagmahal ka ibig sabihin ay handa mong harapin ang hirap at sakit. Bigla akong natakot, paano kung magmahal ako't masaktan? Hindi ko alam ang gagawin ko.
"HAYSSS!"
"Hoy 'yung nerd dyan, pwede bang paki-hinaan ang boses? Ang ingay eh." Napa-poker face ako nang marinig ko ang sinasabi ng class president naming si Red.
"Oy Tricia, paki-sabihan nga 'yang nerd mong kaibigan na tumahimik. Ang ingay eh." Pigilan niyo 'ko, masasapak ko na'tong mayabang na'to.
Napansin ko namang tumawa nang mahina si Tricia bago sumagot. "Yeah, I will." Aba, pati 'tong kaibigan ko nakikiisa na'rin kay Red?! Ay anak ng!
"Bes, tumahimik ka raw sabi ni Red. Baka umiyak pa eh." Mahinang bulong sakin ni Tricia at tsaka tumawa nang malakas. Seriously? Anong nakakatawa 'dun?
"Oo na!" Padabog kong saad at sadyang ipinarinig ko sa class president namin. Kaasar!
"Hoy nerd, bawal magdabog. Baka masira mo 'yang desk, pagbayarin ka pa." Tingnan nyo nga naman, pati ang pagdadabog ko ay napapansin pa niya. May lahi bang radar 'to at bawat kilos ko ay alam niya? Baka sa susunod pati paghinga ko, pansinin pa niya.
Inayos ko nalang ang suot kong salamin at tsaka umob-ob. Nakaka-bored talaga ngayon. Bakit pa kasi absent si Madame Miranda? Wala tuloy kaming teacher para sa first period. Kaya eto ang mga kaklase ko, nagkakagulo at hindi man lang sinasaway ng napakabait naming class president. O di ba, ang buti-buti niya talaga, pinababayaan lang ang mga kaklase niyang mag-ingay. Pagka-ako eh----UGH!
"Hoy nerd! Bakit ka bad-trip? Lalo ka tuloy pumapangit." Ay peste naman oh! Pati ba pagka-badtrip ko ay papansinin niya pa talaga?
"Wag nga ako, Red." Sabi ko sa kanya pero narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa.
"Paano naman kitang hindi papansinin eh lahat ng ginagawa mo ay kapansin-pansin." Napa-huh nalang ako sa isip ko at hindi na siya pinansin. Ganon ba talaga 'ko? Hindi naman ako attention seeker kaya hindi kapansin-pansin ang kilos ko. 'Ni teacher nga namin pag nagtataas ako ng kamay, hindi ako pinapansin eh.
-
"Hoy nerd!" Nagising nalang ako sa mahinang pagkalabit sakin. Ay, sino ba'tong epal na'to? Ang ganda-ganda na ng panaginip ko tapos gigisingin ako?!
Gusto ko na sanang imulat ang mga mata ko pero parang ayoko. Ang gulo ko ba? Baka kasi monster na ang nasa harapan ko ngayon. O baka multo, aswang o tiyanak. Katakot lang!
Pero kahit ganoon ay pinilit ko paring ibukas ang mga mata ko. Halos mapatili na'ko nang makita ko ang mukha ni Red na halos one inch nalang ang layo mula sakin. Konting galaw lang ay magkikiss na kami at hindi 'ko 'yun papayagang mangyari. Porke ba, porke ba crush ko siya ay magpapakiss na'ko? No way!
Ay teka, anong sabi ko?! ARG!
"Hoy nerd, ano yang make-face na'yan? Mukha kang unggoy." Napairap nalang ako sa kanya at tsaka inilipat ang tingin ko sa iba. Ramdam ko kasi ang pamumula ng pisngi ko. Parang----kinikilig ako?!
"Ayieee, si nerd. Nagba-blush sakin. Gwapo ko talaga. Tsk!" Napa-poker face nalang ako dahil sa sinabi niya at umayos ng upo. Sayang lang, gwapo na sana siya at matalino kaso palpak lang sa ugali eh.
"Tsk, sungit mo nerd!" Anak talaga ng! Pansin niyo, hilig niya kong tawaging nerd? Wew lang, sa ganda kong 'to nerd ako? Ba matinde!
"AYAN NA SI MADAME!" Sigaw ni Justine kaya lahat kami ay napaayos ng upo. Pati si Red ay umayos narin pero hindi nakalagpas sa mga mata ko ang pagngiti niya. Baliw na ata 'to eh, ngumingiti mag-isa!
BINABASA MO ANG
Hoy, Nerd! // one shot
Random"Hoy Nerd!" Ayan na naman siya. Boysit! 01-31-16 Originally written by: _heypiya