|Chapter 2 - P.E.|
"Hoy, Detention Princess. Time ka na." Napamulat ng mga mata si Mecha. Bumungad sa kanya ang mataray na mukha ng warden ng detention room.
Grabe. Ang pangit naman.
Tumingin siya sa orasan ng detention room. "Wow. Ilang oras akong nakatulog?" tanong niya habang nahikab.
"Mga apat na oras ho, Revilla. Tumayo ka na at may klase ka pa. Baka gusto mong dagdagan ko pa ang oras mo dito." pagbabanta nito sa kanya.
Wow. TAKOT AKO.
"Edi dagdagan mo. Nakukulangan ako sa tulog ko eh." sabi niya at akmang sasandal ulit sa pader at matutulog ngunit sumigaw ang galit na warden.
"LABAS!! LUMABAS KA DITO!!" sigaw nito pero hindi naman tumalab sa kanya. Tatawa-tawang tumayo siya.
Baka atakihin ito sa puso, siya pa ang mapagbintangan. Kinuha niya ang gamit niya. "Wag mo kong sinisigaw-sigawan. Hindi porket warden ka dito, pwede mo nang gawin yun. Baka nakakalimutan mo, BINABAYARAN KO ANG BAWAT SULOK NG CAMPUS NA TO PATI NA RIN ANG BAWAT TAONG NAGTA-TRABAHO DITO. Kasama sa gintong tuition fee dito ang apat na sulok ng detention room na to, kaya dapat ko lang tong gamitin. Aba. Kung hindi eh sayang lang ang binabayad kong tuition." saka niya nilagpasan ang natamemeng warden.
Ang mga estudyante sa detention room ay nadagdagan na habang lumilipas ang oras. At kasalukuyang nakatingin sa kanila ang anim na nasa loob ng detention room.
"Oh. Juezley, hindi ka pa rin ba tatayo diyan? Tatlong oras na simula nung natapos ang oras mo dito." mahinahong sabi ng warden kay Juezley (Wezli). Napalingon siya saglit.
Andito pa rin siya?
Nakatalikod ulit si Juezley kaya hindi niya kita ang mukha nito. "Tatayo na." tinatamad nitong sabi.
"Oh sige. Iwan na kita ha? Tumayo ka na." parang tupa nitong sabi kay Juezley. Hindi sumagot ang binata.
At ang malanding warden, kung makasigaw sakin kanina akala mo kung ano nang ginawa ko sa kanya! Pero ngayon naman, daig pa ang inosenteng anghel kung makapagsalita kay Juezley! Amp.
Kumuha si Mecha ng lollipop mula sa bulsa niya at binuksan iyon. Ano ngang subject nila ngayon? PHYSICAL EDUCATION, her favorite. Hindi man halata sa medyo chubby niyang pangangatawan, pero sobrang sporty siya. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya kayang i-expel sa school nila ay dahil siya ang MVP ng university.
MVP ng volleyball. MVP ng basketball girls. MVP ng table tennis. MVP ng lawn tennis. MVP ng detention.
Kaya naman isa siyang malaking kawalan kung paaalisin siya sa school. Parang give and take relationship lang. Kailangan nila siya bilang MVP, kaya pagtitiisan nila ang ugali niya. Kailangan rin niya ng matinong university, kaya pagtitiisan niya ang ugali nila.
Naglalakad siya sa corridor habang may lollipop sa bibig. Yung ibang babae, tinititigan siya ng masama at parang nandidiri. Dahil na rin siguro sa siya ang nag-iisang babaeng sakit sa ulo ng university nila.
"Alam mo ba, minsan naiinis ako dito sa school natin. I mean, bakit hindi nalang sila maghanap ng ibang MVP na hihigit pa sa kanya. Hangga't nag-i-stay siya dito, magiging kahiya-hiya ang school natin dahil sa ugali niya. Tsk." naiinis na bulong ng isang babae dun sa kaibigan nito.
Pabulong-bulong pa, rinig din naman.
Nagulat na lang siya nang may humigit ng lollipop niya mula sa bibig niya. Napatingin siya sa kumuha. Napataas ang isa niyang kilay.
"AKIN NA YAN!" sabi niya rito pero nilayo lang nito iyon. "Akin na sabi eh. Puro laway ko na yan oh. Tingnan mo! BASANG-BASA NA!!" sabi pa niya rito pero lalo lang itong ngumisi.
Tiningnan ni Juezley ang lollipop. Basang-basa na nga ito. "See? Akin naaaa." sabi pa niya rito.
Chubby lang siya, pero di hamak na mas higante si Juezley kesa sa kanya. Matangkad siya, pero kapre si Juezley.
Nagulat siya nang bigla nitong isubo ang lollipop niya. Napatigil siya sa paglalakad. Nagawa pa nitong ngumiti pagkatapos nitong isubo ang lollipop na kanina lang ay subo-subo niya.
Shit. Indirect kiss.
Maya-maya ay hinigit nito palabas sa bibig nito ang lollipop at iniumang sa kanya. Inirapan niya ito. "Wag na. Iyo na yan. Kadiri ka." sabi niya saka nagsimulang maglakad.
Tumawa ito nang mahina at sinabayan siya sa paglalakad. "Sungit mo naman. Alam mo ba, nakatulog ka kanina sa detention room. May sasabihin sana ako sayo. Kaya kahit time na ko, hinintay pa rin kita sa loob. Tapos bigla mo naman akong iniwan."
Napatingin na naman siya rito. Ano raw? Hinintay raw siya nito sa detention kaya umabot ito ng ilang oras don?
Sweet.
"Ano bang sasabihin mo?" tanong ni Mecha habang binubuksan ang lollipop na kakakuha lang niya sa bulsa niya. Marami siyang stock ng lollipop. Paborito niya kasi iyon kahit pambata na.
"Uy!! GRAPE FLAVOR!!" parang batang sabi ni Juezley. Mabilis niya iniwas rito ang lollipop.
"Eh ano naman kung grape flavor!? Na sayo na nga yang strawberry eh!! Akin na to." sabi niya.
"Favorite ko kasi ang grapes eh." sabi nito. Parang bata.
"Kung hindi mo kinuha yang strawberry, ibibigay ko sana sayo tong grapes! Di ka nalang kasi nanghingi. Nagnanakaw ka nalang." sabi niya saka sinubo ang lollipop. Nasa loob pa rin ng bibig nito ang lollipop na hinablot nito mula sa kanya kanina.
"Hindi ko naman ninakaw. OA nito. Kinuha ko lang. Sige, okay lang. At least ito, may laway mo na." sabi nito tapos kinindatan siya. She roll her eyes.
"Ang weird mo." she say.
"You have no idea." nakangisi nitong sabi. Lumabas na naman ang dimples nito.
"Sige. Una na ko, Mr. Dimples. May PE pa kami." sabi niya saka tumakbo.
"HEY!! AKALA KO BA RULEBREAKER KA?! BAKIT KA PAPASOK NG P.E?" sigaw nito.
Ganon ba yun? Pag rulebreaker, hindi napasok ng klase? Anong tingin niya sakin? Tambay lang sa university?
"But not with P.E.!! Favorite subject!!" sigaw din niya.
"BYE!! SEE YOU AROUND." sabi pa nito na hindi na niya sinagot. Magpapalit pa siya ng pam-P.E. Kailangan niyang padaluyin ang dugo niya bilang apo ni Flash.
~~~~
"MINE!!" sigaw ni Mecha. Agad na tumabi ang mga kateammates niya. Tinamaan niya ang bola nang nakaluhod. Buti na lamang at malakas ang pagtama niya kaya pumasok sa net.
"33-23." sabi ng P.E. teacher nila. Lamang sila sa kalaban ng sampu.
"Go, Mecha. Lupet mo talaga!! I love you!!"
Nakatitig lamang siya sa bola. Lagi niyang naririnig ang mga ganong kataga tuwing naglalaro sila sa field. Mga pabolang banat ng mga kaklase niyang lalaki na nanonood. Mamaya pa ang volleyball boys kaya standby muna ang mga ito.
Ilang minuto pa ay natapos na sila. Lalaki naman ang kasunod. Dumeretso siya sa shower room. Pakiramdam niya ay nangitim na naman siya. Bakit nga ba kasi sa field pa sila naglalaro. May covered court naman sila.
Ang hirap kayang magpaputi!
Pagkalabas niya nang shower room, nakita niya si Juezley sa benches at nakaupo. Naglalaro ito sa cellphone nito. May hinihintay ba ito? Malamang ay girlfriend nito ang isa sa mga kaklase niya. Dere-deretso siya paglabas ng shower room nang bigla siya nitong tawagin. Nilingon niya ito. Nakangiti na naman ito. At again, sumilip na naman ang dimples nito.
"Hi, Lollipop." bati nito.
Hmm, what now?
~~~
COMMENT.VOTE.SPREAD. Thanks xx