Evil Maknae

125 3 2
                                    

Yeomi's POV

Tumatakbo ako papuntang classroom kasi late nakoooooo!!!

Kung hindi dahil sa bwisit na lalaking yun, hindi ako malalate, ayaw pa kasi akong patulugin kagabi e, alam na ngang may pasok

"Liit!!!!!!!" Ay putek, speaking of the devil, imbes na huminto ako binilisan ko pa ang pagtakbo

Bahala sya sa buhay nya!!! Late na ako, aantayin ko pa ba sya

"Hoy Liit!!! " tss, ang kulet neto,

Tama ka maliit nga ako kaya nga naabutan nya ako ngayon sa pagtakbo e,kasi higante sya!!! Nakikisabay na sya ngayon sakin

"Maliit ka na nga, mabagal ka pa tumakbo" aba, namumuro na to sa kin a, wala akong inabot sa taong to kundi puro pang aasar nya

" ano bang pakealam mo kung maliit ako, kaysa nman sayo kung gaano ka kahigante, ganun din nman kinaliit ng boses mo " pagtataray ko sa kanya, para kaming sira, tumatakbo habang nagkukutyahan

Hindi nman na sya umimik, yes 1 point for me, hehehe talo si Yugyeom!!!!

Tumigil na din ako sa pagtakbo, ganun din sya, hinihingal pa kaming paakyat sa 2nd floor dun yung room namin

Sa pagmamadali ko, natisod ako

Pero bago pa ako matisod nahawakan na ako ni Yugyeom, napayakap nman ako sa kanya

Why do i have this feeling ???? Hindi ko maintidihan pero parang ang sarap sa feeling na kayakap ko sya, oo aaminin ko Crush ko sya pero hanggang dun lng

Ang bilis ng tibok ng puso ko, dahil lang sa dahilang magkayakap kami parang huminto ang mundo ko,hindi ko alam kung tibok ng puso ko o tibok ng puso nya ang naririnig at nararamdaman ko

Nagising naman ako sa wisyo, dahil sa bell

*kriiiiinggggggh

Napabitaw naman ako sa kanya, dahil sa kahihiyan iniwan ko sya dun, grabe hanggang ngayon ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, pero parang iisa ang tibok ng puso nmin,

Ayy ano ba yan, inalog alog ko yung ulo ko kasi naman, kung ano ano yung iniisip ko, san ko ba nakukuha yun

Nakarating na ako sa classroom nmin, pero sarado na yung pinto ,ibig sabihin late na kami, meron na yung teacher namin pag ganun

Napaupo na lang ako, mahalaga ang subject ko na'to hangga't maaari hindi ako pwedeng bumagsak dto, kaya nga hindi ako nalalate dto sa first subject na ito, ngayon lang talaga kung hindi dahil kay Yugyeom hindi ako malalate, kahit kelan talaga malas yung lalaking yun sa buhay ko

"Okay ka lang ba??pano ba yan late na tayo" agad na nag init ang dugo ko nang marinig ko ang matinis nyang boses parang gusto ko syang sakalin dahil sa bwisit ko sa kanya

"May gana ka pang tanungin ako ng ganyan*sobs* kundi dahil sayo hindi ako malelate!!!! *sobs"

Sabi ko sa knya sabay hampas sa kanya, alam ko ang OA ko pero scholar ako dto e, kelangan kong imaintain ang grade ko, buti sya singer at dancer, may exception sila

Linayasan ko na sya, pupunta ako ng library, grabe peste nman tong mga luha ko e, ang babaw lang nun e!

Sumunod naman sya sa akin, ba't ba siya sumusunod, hindi nya ba alam ang level ko????

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap na sya

"Pwede ba Yugyeom, wag mo akong sundan!!!! Pinagtitinginan na tayo dito, dahil sinusundan mo ako "

"Tss, ang feelingera mo naman, nagkataon lang ata na parehas tayo ng pupuntahan "

Sapul ako sa mukha nun a, nakakahiya ka Yeomi ang feelingera mo kase


Got7 (Filipino One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon