Chapter 9: First Time

3 0 0
                                    

Chapter 9: First Time To Talk...

Bella's POV

*tok* *tok*

Napabalikwas naman ako ng higa nang maramdamang may kumakatok...

Dali dali akong bumangon at binuksan...

Pagbukas ko... Nagulat ako nang makita ko si Adrian...

"Ohh? Adrian? Bakit ka napunta dito?"

Tanong ko...

"Syempre bahay namin 'to"

Pamimilosopo niya...

At namilosopo pa?

Ngayon ko na nga lang nakausap ang isang 'to ehh mamimilosopo pa?!

"Pumunta ka ba dito para mamilosopo?"

Sarkastiko kong tanong...

"Edi isara mo ulit para makapg mgandang intro ako"

Sabi niya naman...

Edi isinara ko...

*tok* *tok*

At binuksan ko ulit...

"May itatanong ako"

Sabi niya nang seryoso...

"Ano?"

Seryoso ding sabi ko...

"So dito lang tayo magtatanungan? Sa may pinto mo?"

Aba't wala ring utak to noh?!
Nababanas na ako ahh..

Wala ng ginawa kundi mambara!

"Oh edi pumasok ka! Isara mo yang pinto ahh!"

Sabi ko at nauna ng maglakad patungong kama...

"Isara mo"

Utos niya kaya isinara ko na...
Wala ring mangyayari kung makikipag barahan ako dito sa bakulaw na 'to...

"Ano bang itatanong mo?"

Tanong ko..

"Switch mo nga muna yung aircon... Ang init ehh"

Tangina.... Nababanas na ako ahh!

Akala ko nung una cold talaga to... Alam niyo yung ugali ni Luke?

Na super arte?! Mas malala tong bakulaw na 'to!

Ugh!

"Oo na Mahal na hari!"

Sarkastiko kong sabi....

Nang matapos kong i on... umupo nanulit ako ...

"Ano bang tatanungin mo?"

Tanong ko...

Nagmalalim na buntong hininga muna siya bago magsalita...

"Kilala mo si Bella diba?"

Aba't ako nga bakit? Haha...

Bakit ko naman sasabihin yun,

"Oo bakit?"
Tanong ko pabalik...

"Ilakad mo nga ako sakanya"

Medyo hiyang sabi niya...

Ako naman muntik ng mahulog sa kama...

Putek! Totoo ba yun?! Magcecelebrate naba ako?!

"Totoo?!"

Malakas na tanong ko...

"Aish.. Oo nga"

Inis na sabi niya...

Paano na 'to? T.T ..hihindi ba ako?...

Ang hirap ...

"Pag iisipan ko muna"

Sabi ko nalang...

Ang hirap ng ganito....

Pwede bang mamatay nalang? Huhuhuhu...

Paano ko siya ilalakad kung ako lang din naman ang maglalakad sa sarili ko?
Huhuhuhu...

Tulungan niyo naman ako readers ohh?

Hiding True BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon