Scarlett's POV
*toktok*
Tunog ng pintuan ko."Anak, labas ka na. Nakahanda na Ang pagkain."
Sabi ni Mama sa labas.Tumayo na ako at kinuha Ang bag ko sa mesa.
February 18, 2000.
Ito ang nakasulat sa larawang nasa mesa.
"Alice."
Naalala ko nanaman Ang babaeng iyon. Kung hindi lang sana nasunog Ang bahay namin noon. Malamang kapiling ko pa siya.Lumabas na ako sa kwarto suot ang uniporme ko. Unang araw ng pasok ko ngayon sa Micheldeke Academy. Bagong eskwelahang papasukan. Bagong mukhang makikilala.
Ngunit pakiramdam ko may mali sa paaralang iyon.--
"Micheldeke Academy"
Ito Ang nakasulat sa arko ng eskwelahang ito. Marami ng estudyante. Lahat sila may kanya kanyang ginagawa. Ngunit isa lang ang pagkakapareho. Lahat sila.
Estudyante ng Micheldeke Academy."Ahhhhhhhhh!!!!!!"
Sigaw ng isang estudyante sa tapat ng isang silid-aralan.Agad na lumapit sa kanya Ang mga estudyante at mga guro. Dali dali rin akong lumapit at nakita ang tatlong.....
Bangkay?
At Ang mas ikinagulat ko pa ay tatlo itong mga guro . Hindi ako magkakamali, mga guro ito sa paaralang ito.
At Ang pinakanakakagulat sa lahat. Pare-pareho silang may karumal-dumal na dinanas.
Ang una ay nakagapos at nakabuka Ang bunganga. Bungangang puno ng mga patay na ipis at maliliit na daga. Nakalabas Ang mga mata nito at hindi mo maitanggi. Napakalansa ng amoy na para bang galing sa isang drainage.
Ang pangalawa ay nakabitin dahil sa pagkabigti nito. Malakas din Ang tagos ng dugo mula sa leeg.
Ang pangatlo ay nakabuka Ang tiyan nito na kitangkita Ang mga lamang loob. Nakagapos rin ito tulad ng una.
"Sino ang may gawa nito?"
"Mmmm-ay demonyo ba dito sa paaralang ito!?"
"Nakakadiri!"
Iyon ang narinig kong bulungan ng mga estudyante habang tinititigan ang mga nakakaawang bangkay ng tatlong guro.
"Magsitabi kayo! Bumalik na kayo sa mga kanya-kanya ninyong klase!"
Takbo ng isa sa mga guro at pina-alis lahat ng mga estudyante sa harap ng krimen.Pumunta narin ako sa sarili Kong klase.
Napaka-misteryo ng eskwelahang ito. Walang general assembly, welcome tarpaulin sa harap. Lahat ng building ay medyo may pagkaluma narin. Ang buhay dito ay parang impyerno , impyerno sa ibabaw ng lupa.
Pumasok na ako at maabutan silang lahat na nakaupo at tahimik. Nakatingin sila sa akin ngayon. Mga tingin na gusto mo ng tumakbo palabas dahil sa talim na tingin na itinatapon nila.
"Scarlett."
Sabay hawak ng kamay ko at hinatid sa tabi ng upuan nito.
"Carrie."
Sambit ko sakanya.Carrie. Siya ang kababata ko. Matalik ko narin siyang kaibigan. Isa siya sa mga ala-ala ko kay Alice. Matagal ko na siyang kakilala. Sa tagal kong kilala. Halos wala na akong pangamba sakanya. Bakit? Meron pa nga ba?
Pumasok na Ang professor. Ganun parin ang atmosphere sa loob ng kwarto. Tahimik. Walang nagsasalita at nakatitig ang iba sa may kawalan.
"Good Morning Class. I am Quinn Guerrero. Your class adviser. "
Tumingin ito sa buong tao sa loob. Ngunit walang bumati o tumingin man lamang sakanya.
Nagpatuloy ito sa pagsasalita ngunit wala paring nakikinig.
"Anyone? Questions?"
Tumayo si Carrie .
"Sir, ano pong nangyari sa tatlong guro kanina?"
Napuno ng bulungan ang classroom."Quiet. Wala iyon sa topic ko. Sit down."
"Pero Sir, gusto lamang po naming malaman kung ano ang nangyari."
Sabat ng isang lalaki."Enough. Pwede ba? Wala na tayong magagawa sa kanila. Mabuti bang pagkwentuhan Ang patay? May respeto ba kayo!?"
Sigaw ni Sir Quinn."Tama nga naman! Bakit niyo pa pagkwekwentuhan ang mga walangyang bagay na iyan? Tapos na. Wala na tayong magagawa. Mag-isip nga kayo!"
Sigaw ng isang babae sa likod ko. Nakaseryoso Ang mukha nito."Oh? Anong tinitingin mo diyan?"
Talastas nito sa akin na iniwas ko naman Ang tingin ko rito ."Ano ba Demi. Tumigil ka nga. Bagong lipat lang siya. Pagpasensyahan mo na."
Sabat Ni Carrie."Dapat lang sakanya. Dapat niyang malaman na normal lang mapagsabihan ng walang isip!"
Sigaw ng Demi na iyon sabay tingin sa akin. Tinignan naman ako ng buong tao sa paligid ko. Malalamig. Malalamig na tingin ng mga mata nila. Mga matang alam mong may sikreto na ayaw sabihin. Bakit ganito Ang nararamdaman ko sa classroom na ito? Ibang iba kung nasisigawan ka. Higit sa lahat. Ibang iba Ang mga. Katangian nila sa ibang tao.Author's Note:
Hello po mga readers! :)) (kung meron XD) Thank yow po sa pagbabasa. Pavote and pafollow na rin po. Comment lang kung may questions. :) Thank you. God bless!
BINABASA MO ANG
The Art Of Killing ( On Hold)
HorreurKilling is the name of the game. Survival is a claim to every. But killing is not a choice to survive. Killing is an art to terminate your life. But which shows its art? Dying or Surviving? A story on which mystery, horror and secrets are told.