Chapter 3: Heard

36 7 1
                                    

Scarlett's POV
“Carrie.”

“Hmm?”
Sagot nito habang humihigop ng sabaw. Andito kami ngayon sa cafeteria. Kumakain. Lunch na kasi.

“Ganun ba sila? I mean, yung mga ugali ng mga kaklase natin.”

“Ahh, iyon ba? Masanay ka na. Ganun talaga ang mga estudyante rito. Karamihan kasi dito sunod sunuran nalang sa mga nakakataas sa kanila.Masyadong malakas Ang laban ng mga taong malalakas Ang boses at kayang magpahiya ng mga tao. Kaya't ganun lamang ang ugali nila. Ayaw nilang matikman Ang kahihiyan.”

Tumango-tango nalamang ako . Siguro nga. 

“Bakit ? Takot ka ba? Huwag kang mag-alala. Andito naman ako hindi ka nila maaapi.”

“Hindi,Carrie. Napaka-misteryo kasi ng school na to. Ganito ba talaga? No general assembly? Welcome tarpaulin? O kaya man lang flag ceremony?”

“Hmmm. Hindi kasi ginagawa iyon rito. Hindi ko rin alam. Baka nagtitipid Ang faculty.”

“Okay. Hindi na ako magtatanong. Sapat na iyang pahayag mo.”

“Osige. Tara na?”

Umalis na kami sa Cafeteria at bumalik sa classroom.

“Hello”
Sabay ng isang lalaki sa likod ko.

“Sino ka?”
Pagtatanong ko. Parehas kami ng uniform at may hawak itong bag.

“Oh? Gideon? Kamusta ka na? Buhay ka pa pala? Haha. Hindi ka nanaman pumasok kanina ha.”
Kilala siya Ni Carrie? Ako yata ang wala sa usapan nila ha.

“Haha. Ayos lang. Hindi na ako pumasok. Wala naman talagang gagawin tuwing first day eh. Pupunta ka sa classroom? Sabay na tayo.”

“Sure. Siya nga pala. Si Scarlett. Bagong kaklase natin. Kababata ko rin iyan.”

“Talaga? Hi,Scarlett.”
Tugon nito sabay abot sa akin Ang kanyang kamay. Hindi ko naman ito inabot kaya't binaba niya rin ito.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang nakapasok kami sa room.

“Hahaha! Nakita mo iyong mukha niya? Nakakatawa!”
Sigaw Ni Veronica I na huminto ng pumasok kami kasama si Gideon.

“Gideon? Welcome back!”
Niyakap ito ni Demi ngunit hindi nito tinanggap ang pagkayakap kundi binigyan ito ng isang nakasimangot na mga bibig at mata na Hindi tulad kanina na masigla at may ganang batiin lahat ng nakakasalubong niya.

“Demi, ano ba. Bitawan mo nga ako.”
Pagpumiglas nito sa yakap at dumiretso sa tabi ng upuan ko.

Pumasok na ang professor at bumalik na ang lahat sa kinauupuan.  Nagpatuloy Ang discussion at nakatingin lang ako sa bintana. Habang si Gideon ay tinititigan ako na parang mawawala ako sa Sandaling pag-kurap ng mga mata niya. Lumingon naman ako .

“Ano ba? Huwag ka ngang tumitig ng ganyan. Nakakamanyak isipin.”

“Hindi naman ako manyak.”

“Oo na. Kaya wag kang tumitig ng ganyan.”

“Ang ganda mo kasi.”

Namula ako sa sinabi nito kaya't iniwas ko ang tingin rito at dineretso Ang mata sa whiteboard na kunwaring nakikinig sa discussion. Gwapo rin si Gideon, kasi nga lang makulit siya.
.
.
.
.
.
Natapos na ang diskusyon at lumabas na ako ng classroom. Sumunod naman sa akin si Gideon.

“Hindi mo ba ako lulubayan?”

“Hindi.”
Sagot nito.

“Ano bang kailangan mo?”

“Pwede bang maging kaibigan?”
Kaibigan? Eh mukha naman siyang manyak, bakit ko siya kakaibiganin?

“Hindi. Umalis ka na.”
Sabay lakad palayo rito.

“Bakit?”
Sagot nito kasama Ang nakabusangot nitong mukha.

“Kasi ayoko ! Kaya umalis ka na.”
Sigaw ko sabay tumakbo palayo sa kanya. Inikot ko Ang buong building upang Hindi niya na ako sundan hanggang sa di ko namalayan . Nasa ibang building na ako.  Lumang building. Nakarinig ako ng usapan kaya't nagtago ako sa likod ng pintuan ng kwarto kung saan  andun ang mga taong nagsisigawan.

“Bakit doon ninyo nilagay ang bangkay? Diba't sabi ko sa flagpole isabit!?”
Sigaw ng isang galit na babae.

Bangkay? Yung tatlong guro ba Ang pinaguusapan nila?

“Ano ? Siraulo ka pala eh!Wala kang sinabing flag pole!” sabat ng isang lalaki.

“Letche! Sinisira ninyo Ang kaabang-abang kong laro.”

“Ano ba? Huminahon kayo, andito pa tayo sa loob ng campus. Baka may makarinig sa atin.” mahinahong tugon ng isang babae.

“Edi mmarinig nila! Isa ka rin eh! Isa ka ring tanga! Hindi ka nakikinig sa payo ko!”

“Bakit ? Sino bang mas tanga sa atin ha!? Sinong mas tangang patayin si Ja”

Napaatras ako ng marinig ko iyon kaya't naapakan ko ang isang lata at tumunog ito dahilan upang marinig ito.

“Sino iyan!?”
Madilim narin kaya't nagtago ako sa ilalim ng mesa malapit sa pinto. Nakarinig ako ng yapak papalapit sa kinaroroonan ko. Naliligo na ako sa pawis at nagnginginig Ang buong katawan ko sa kaba.

Dahil sa liwanag ng buwan, nakita ko ang sapatos ng isang babae at dumaan lamang ito papalayo.

Makalipas ang ilang minuto. Tinignan ko ang hagdanan at wala ng tao. Agad agad akong tumakbo palabas ng building .

Hinihingal na ako sa kakatakbo ngunit hindi ako tumigil. Alam kong anumang oras ay mahahabol ako ng mga pumatay sa tatlong guro kung titigil ako. At kung mangyari iyon, alam ko sa sarili ko. Isang malamig na bangkay nalamang ako.

“Ahhhh!!!!”

“Anong nangyayari!?”

Nasabat ko si Gideon na may pag-alala sa mukha.

“W-wala. Tara na, uwi na tayo.”

Napagisip-isip kong huwag munang ikwento kay Gideon ito.Masyado pang maaga upang bigyang kuryusidad ang mga narinig ko. Transferee pa lamang ako. Wala pa sa kalahati ang alam ko tungkol sa Micheldeke Academy.

Ngunit isa lang ang masisigurado ko. Ang mga narinig ko ay isa sa mga sikreto ng Micheldeke Academy at ang mga estudyante nito.

The Art Of Killing ( On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon