Chapter 4: Corpse of Janett

26 7 3
                                    

Scarlett's POV
“Class is over.”
Sabi ng proffesor namin sabay ring ng bell. Recess na. Palabas na kami ng classroom.

“Hindi ka talaga natuto!”
Sambit ni Demi, sabay guyodng akong bag pabalik sa loob ng classroom.

“Aray!”
Hinirap niya ako at namulat sa akin Ang kanyang matatalim na mata at galit na mukha.

“Linta,malandi at mayabang. Tell me, Gideon. How do you manage to go with that girl!? Eh sa pagkakaalam ko isa lamang siyang transferee dito na handang lumandi sa ibang lalaki!”

Hindi na ako sumagot dahil alam kong away ang kasunod nito.

“Pwede ba, Demi? Leave Scarlett alone. Leave me alone! Wala kang karapatang sabihan siya ng ganyan!”

“See? Nalason ka nang babaeng yan! What now Scarlett? Sinong isusunod mo sa paglalandi? Si--”

Hindi niya na ito naituloy dahil dumampi ang kamay ni Carrie sa pisngi ni Demi.

“Tara na, Scarlett.”
Hinawakan niya ako sa kamay at ginuyod papuntang cafeteria.

Papuntang cafeteria, nadaanan namin ang building kung saan nangyari ang pangyayari kagabi. Hindi ko maiwasang isipin ang mga narinig ko sa mga “killers”.

“Carrie.”

“Hmmm? ”

“Tungkol sa building na iyon. Bakit hindi na ginagamit?”

Napatigil ito sa pagkain. At tumingin kay Gideon . Gayundin ito.

“Hindi na iyan ginagamit dahil sa isang trahedya.”
Sagot Ni Gideon.

“Anong trahedya?”

“Diyan namatay si Janett. Kaklase namin siya noon. Naabutan siyang nkabigti at may sulat na si Demi ang pumatay. Iyon ang sabi nila. Ngunit walang nakaka-alam. Hindi umamin si Demi. Hanggang ngayon, misteryo parin ang pagkamatay ni Janett. Simula noon ayaw na nilang gamitin ito. Luma na rin ang building ginagamit nalang ito bilang bodega.Nalaman din ng pulisya na ang pangalan ng building na Gahenna ay nangangahulugang impyerno.At ang pinakamalala.”

“Ano?”

“Hindi mahanap ang bangkay ni Janett.”

Janett? Bakit siya pinatay? Bakit siya nagbigti? Sinong pumatay?

Kung papatayin man ito. Bakit sila nag-iwan ng sulat na si Demi ang pumatay?

“Scarlett? Okay ka lang?”
Pagtatanong ni Carrie.

“Oo. May naisip lang ako.”

“Ano iyon? 'Wag kang mag-alala. Basta siguraduhin mo lang na huwag kang pupunta sa building na iyon mag-isa.”
Pagpapayo nito.

“Osige. Mauuna na ako.”
Aalis na ako. Marami pa akong dapat malaman sa eskwelahang ito.

Why does it have to involve killing? When we couldn't even find justice on everything?

Someone's POV
“Tanga ka parin ba?”

Pagsasaway nito. Tss. Ano bang alam niya? Wala naman siyang alam. Wala kaming alam.

“Ano bang gusto mo!? Wala na siya! Kahit ilang sandaling segundo. Kahit Ilang segundo na nahihirapan siya! Andun ka ba!? Wala! Wala ka! At ngayong andito na siya, gusto mo ulit siyang mawala? ”

Tumulo na ang luha nito. Hanggang ngayon bulag parin siya. Noong malayo pa si Janett sa piling niya hinahanap siya nito . Pero ngayong  malapit na ito sa piling niya saka  nito gustong ilayo?

“Pls. Parang awa mo na, bakit kailangan mo pang itago ang bangkay niya? Patahimikin mo na si Janett. ”

Tss. Sa tingin niya ba matatahimik si Janett?

“Sa tingin mo matatapos at matatahimik na si Janett? Pinatay siya ng walang hustisya! Sa tingin mo matatahimik siya?”

Hangal. Hindi niya ba mahal si Janett tulad ng pagmamahal na ibinibigay ko?

“T-tama na. Alam natin sa isa't isa mali ang ginagawa mo?”
Patuloy parin siya sa pag-iyak.

“Hindi. Walang tama sa taong tumatakas sa pagpatay kay Janett. Lalo na si Demi. Mas mabuting mamatay muna ang hayop na yun.”

Mas lalo naman itong humagulgol sa iyak pagkatapos kung sinabi ang mga katagang iyon.

“P-pabayaan mo na. ”

*pak*
Isang sampal ang pinakawalan ko sa pisngi nito.

“Pabayaan mong mamatay si Janett ng ganun lang!? Kahit kailan talaga. Hindi mo siya tinanggap bilang anak. Minahal bilang anak. Hindi mo man lang ginampan ang pagiging INA mo sa kanya!”

Umiyak lang ito ng umiyak na parang walang katapusan.

“Umalis ka na, kung ayaw mong mamatay. Alis!”

Umalis na ito ng walang pagmamatigas.

Hanggang ngayon talaga, hindi ka nila matanggap, Janett.

Pero kahit papaano. Mahal parin kita.

A/N: Hello po mga readers kung mag natira pa . Haha. Thank you po ulit sa pagbabasa. Sana po ituloy niyo. I'll update pag may nagreread. Haha. Pag may nagreread langs. ( pero itutuloy ko to . Walang makakapigil sa akin.) V O T E
F O L L O W po tayo :))

The Art Of Killing ( On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon