2

19 1 0
                                    


"Putangina naman Xyndrei! Mag ingat ka naman! Sa susunod baka matigok na tayo niyan!" Pabulong na sigaw ni Czandrex sa kakambal.

Napakamot naman sa ulo si Xyndrei, "Sorry naman, kasalanan ko bang natisod ako dun?" Sarkastikong tumawa naman si Czandrex sa kanya. "Ang tanga kasi nung bato eh, paharang harang sa daan."

"Oh, tama na, ang iingay niyong dalawa eh. Baka nakalimutan niyong andito na tayo sa labas at mas maraming mga tukmol ang nag aabang saatin?" Sita ko sa kanila. Wala pa kaming oras na magkasama pero feeling ko ay magkilala na kami ng ilang taon.

Hindi na sumagot si Xyndrei at inirapan lang ako ni Czandrex at nagpa-una sa paglalakad.

Tsk. Napaka-maldito talaga nitong si Czandrex.

Sumunod nalang kami ni Xyndrei sa kanya. Tutal, mas expert siya sa pagpatay eh.

Dahan-dahan kaming naglalakad dahil nasa harap lang namin ang mga tukmol. Bale, nakasandal kami sa pader at minamasdan ang bawat galaw nila.

Halos lahat sila ay hindi makalakad ng maayos. May iba na nakatagilid yung leeg. Yung iba naman ay nakabaligtad yung isang paa at may ibang nawawalan na ng iris sa mata. Mukhang hindi na yata makakita yung nawawalan ng iris sa mata dahil nababangga lang nila yung ibang zombies.

"In the count of 3 we will all run as fast as we can okay?" Czandrex uttered.

Tumango naman kaming dalawa ni Xyndrei sakanya.

"Okay good. 1,2,3." At mabilis kaming tumakbo. Nauuna si Czandrex saamin dahil hinahawakan ako ni Xyndrei sa kamay. Siguro para hindi rin ako maiwan. Lumingon sa amin si Czandrex habang tumatakbo at kahit na nasa pinaka nakakatakot na kami ni sitwasyon hindi ko mapigilang tumawa dahil nagmumukhang ulol na aso si Czandrex.

"Run Motherfuckers!!!" He screamed at dumiretso sa pinakamalapit na pasalubong store. 

Napansin kami ng isa at lumakad papunta sa amin. Napansin naman siya ng ibang zombie kaya sumunod narin sila saamin.

Oh god. Pano na 'to? Shit shit.

"Bilisan niyo!" Sita ni Czandrex saamin.

Tangina 'yan! Eh ikaw kaya magkaroon ng boobs putangina ka!

Kairita ang isang 'to.

Binitawan ni Xyndrei ang kamay ko at dali-dali akong kinarga na para bang sako. Aray ko!

Pinapalo ko yung pwet niya dahil nahihilo na ako dahil nauuntog 'yung mukha ko sa matigas niyang likod.

"Pwede ba mamaya ka muna magpa cute? Maraming naghahabol sa atin na kampon ng kadiliman." Inis niyanb sabi sakin.

Edi wow! Sino bang nagsabi sa kanya na kargahin ako eh.

Tumahimik nalang ako at hindi na sumagot para iwas away.

Sa wakas ay nakarating kami sa pasalubong store at binitawan ako ni Xyndrei.

Pagkapasok na pagkapasok namin nina Xyndrex ay dali-daling humanap si Czandrex ng bagay na pwede niyang iharang doon sa handle.

"Aaaah!" Napasigaw ako ng may zombie'ng kumalabit sa may braso ko. Agad namang rumesponde ang kambal at nag unahang basagin yung mukha ng zombie. Edi puta sila na!

"Hooo!"

Dumiretso sa isang corner si Czandrex matapos nilang sibakin yung tukmol.

"Oy? Anong gagawin mo diyan?" Tanong ni Xyndrei.

Pero hindi siya sinagot ni Czandrex at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hmp! Suplado talaga! Pati sariling kakambal inii-snob.

"Puta edi wow! Nice talking." Napatawa nalang ako at napailing dahil muntanga lang 'tong si Xyndrei eh. Hahaha!

Love And The Undead OccurenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon