Chapter 4

0 0 0
                                    

Angel's POV

Second day.

Bago ako pumasok dumaan muna ako sa simbahan. Nakagawian ko ng magsimba kaya ganun.

Pagpasok ko sa classroom, wala pa si best at Remy. Umupo na lang ako sa upuan ko sabay tingin sa bintana. Dahil 30 minutes pa naman before time naisipan kong umidlip muna. Pero bago pa man ako makatulog, may tumapik na sa balikat ko.

"Uhm, hi. Nakakaistorbo ba ako?"ano sa tingin mo?syempre,oo.

"What do you want?"tanong ko kay Daniel. Yes, si Daniel nga.

"I just want to be friends with you, if it is ok?"nawala ang antok ko dahil sa tanong niya.

"Sure."I smiled.

"Oh,thank you. Daniel nga pala."sabay abot ng kamay niya sa akin.

Inabot ko iyon."Rhangel, nice to be friends with you Daniel."then I winked.

"You're beautiful. No wonder kaya ang daming nagkakagusto sayo."

"Well thank you. You're handsome too and you know what?"

"What?"

"I like you."natigilan siya sa sinabi ko. Masyado ba akong straight forward?

"Really?"hindi makapaniwalang tanong niya.

"You're my type so yes, I like you."

"I can't believe this. Hindi ko ineexpect na magkakagusto ka sa akin."he smiled. Para siyang nanalo sa lotto. "Damn, I like you too Rhangel. Matagal na." Oh, may lihim pala na pagtingin sakin ito eh.

"As I expected."bulong ko.

"May sinabi ka?"

"Ah, wala."

"Uhm,so pano na? You like me and I like you too."lumapit siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Huwag lang siyang magkakamali na may gawin sakin, makikita niya. "Uhm, tayo na ba?"whoah!ang bilis ah. I thought iba siya, hindi pala. Boys will always be boys.

"Ok."

"Ok? T-tayo na talaga?"he asked.

"Yes,pero kung ayaw mo na-"

"Hindi! Ah what I mean is, syempre gusto ko. Gustong gusto ko."masayang sabi niya habang malakas niyang niyuyugyog ang balikat ko.

"O-ok."bigla niya akong niyakap."ah uhm, Daniel, bitaw ka na please."

Hindi parin siya bumibitaw."Thank you. Ang tagal kong hinintay 'tong araw na to. Akala ko hanggan panaginip nalang ako pero ngayon totoo na."naramdaman kong basa yung damit ko. Don't tell me.

"Hey, are you crying?"tanong ko.

Bumitaw na siya sakin. Kitang kita ko kung pano tumulo mga luha niya. "Tears of joy,babe." Then he smiled.

"Babe?"nakakunot kong tanong.

"Yeah, ayaw mo ba yun?"

"It's not like that,kaso.........sige na nga babe na lang."ok na rin yun para hindi na ako mahirapan. Babe rin kasi call sign namin ng mga naging "bf" ko.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa ng may tumikhim.

"Anong kaguluhan ito best?"nakataas kilay na bungad ni Bianca.

"Don't give me that look, Biancy."

"What look?"

"That look!"turo ko sa mukha niya. "Na akala mo ay may ginawa akong kalokohan, na naman."

"Hindi nga ba?"damn,ito na naman po siya.

Rrriiinnnggg!rrrriinnnggg!

Thank God! Save by the bell. Before we take our seat,she give me a "tell-me-everything-later-look." Daig pa niya ang mama ko.

****
I'm totally bored. Yung feeling na halos gusto mo ng hilain yung oras para matapos na. Last subject na this morning. Hindi na rin ako nakatulog kakaisip sa sasabihin ko kay best mamaya.

Tumingin ako sa gawi niya. Tutok na tutok siya sa harapan na akala mo ay naiintindihan mga tinuturo ni sir. Pustahan tayo,ilang ulit na niyang pinatay si sir sa isipan niya.

"Ok class. That's all for today."

Nagsimula ng magligpit ng mga gamit ang iba. "Babe, lunch na tayo."aya ni Daniel.

"Mauna na kayo ni Remy babe. Mag-uusap lang kami ni best."sabi ko habang nakatingin kay best.

"Ok."

****
Tahimik lang kaming naglalakad hanggan sa makarating kami sa garden. Umupo kami sa isang bench sa ilalim ng puno.

"B-bakit best?"she started. Hindi ko alam kung ano o pano ko sasabihin sa kanya.

"Ano'ng bakit best? You know me. Hindi na iba sa'yo 'to." I look at her but she's just staring at her shoes. I knew it. Simula pa lang nahalata ko na. I won't let my bestfriend get hurt.

"Alam ko. Pero kailan ka titigil? Kailan ka hindi magpapaasa? Masasama na lang ba si Daniel sa mga lalaking iiwan mo sa huli?best, hindi niya deserve 'yon. Huwag na siya best, iba na lang. Please?"tumingin na rin siya sakin sa wakas. Ngayon mas nakikita ko sa mga mata niya yung totoo.

"Just let me take care of it best. You're important to me,you know that right? That's why I'm doing this for you."umalis na ako sa harap niya. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak para sa maling tao.

Nakakailang hakbang palang ako nung tumigil ako. "Best."tawag ko. Hindi ako humarap sa kanya pero alam kung tumingin siya. "Huwag mong sayangin ang mga luha mo sa mga katulad niya."

Hindi ako tumuloy sa cafeteria. Nawalan na ako ng gana. Sa music room ako dumiretso. Kinuha ko yung ukulele at nagsimulang tumugtog.

----------------------------------------------------------------

Hirap pala gumawa but I'm trying my best para magustuhan niyo. :)

-blackgirlsoul

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon