Panahon

12 2 0
                                    

Sumikat ang araw. Nag simula tayo sa hindi magkakilala.

Kinilala kita, nakilala mo ako.

Kinausap kita, nakausap mo ako.

Kinaibigan kita, naging kaibigan mo ako.

Nabuo ang barkada, mas nakilala natin ang isa't-isa.

Tagsibol noon. Kasabay ng mga bulaklak sa hardin ang pagsibol ng ating pagkakaibigan.

Tag-araw na. Tila bagong simula. Samahan natin ay lumalim pa.

Ikaw at ako ay naging matalik na magkaibigan.

Masaya na ang lahat ngunit naganap ang isang pangyayari...

Taglagas... Kasabay ng mga nalalaglag na dahon ang mga luha dulot ng

Pangyayari na dahil dito ay hindi na tayo magiging tulad ng dati...

Ni walang sumubok ibalik itong muli...

Hindi nag-uusap,

 hindi komportableng pag-uusap...

Taglamig na pala. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin ang panlalamig natin sa isa't-isa.

Samahan nating tila inilipad na ng hangin.

Ni walang sumubok hanapin.

Wala ng komunkasyon, wala na ring koneksyon.

Umuulan na... kasabay nito ang pagpatak ng aking luha...

Inanod ang ating mga ala-ala na parang hindi na tayo magkakilala.

Dumaan na ang tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig.

Ni hindi ka nagparamdam, ni hindi ako nagdamdam.

Kapag nakikita kitang nalulumbay. Gusto kitang yakapin,

ngunit ako ay nag-aalinlangan dahil baka hindi mo rin ako kailanganin.

Nasaktan kita, sinaktan mo ako.

Humingi ako ng tawad, pinatawad mo ako.

Humingi ako ng tawad, pinatawad kita.

Sinabi kong magbabago ako, hindi ikaw.

Nagbago ka, hindi ako.

Sinabi kong bibitaw na ako, hindi ikaw.

Bumitaw ka, hindi ako.

Bumitaw ka at ako ay pinipilit pang kumapit.

Hanggang salita lang ako ngunit kahit hindi mo sabihin ay iyo naming ginagawa.

Lahat ay nasayang at nawala.

Hindi kita iniwan, nilisan mo ako.

Humingi ako ng tawad bago mo ibigay ito sa akin.

Humingi ako ng tawad bago mo hingiin ito sa akin.

Kumapit ako, bumitaw ka.

Nalanta ang bulaklak. Lumamig ang hangin.

Bumuhos ang ulan at itinangay ang lahat.

Hindi man tayo tulad ng dati, maaasahan mo parin ako...

Pero sinayang mo... lahat na ay nagbago...

Nagbago ka... ako... tayo...

Patawad dahil nakilala kita.

Patawad sa paghingi ko ng tawad.

Patawad sa pagbigay ko nito sa iyo.

Patawad sa hindi ko pagbitaw.

Patawad sa aking pananatili.

Patawad sa hindi ko pagbabago at

patawad sa hindi ko paglimot sayo.

Bibitaw na ako...

Gaya ng patak ng ulan... gaya ng patay na dahon...

Malalaglag akong basag at nanlalamig.

Sa pagbitaw ko... wag ka ng kumapit.

Lalayo ako, wag ka ng lumapit.

Sa aking paglisan wag ka ng bumalik.

Nakalimutan ko na wag mo ng ipaalala.

Huli na... naganap na.

Ang nakaraan ay hindi kailan man magiging kasalukuyan.

Ang taong kilala ko...

Naging taong nakilala ko...

Sa aking pagbitaw... isang bagong simula na kung saan ikaw ay limot ko na.

Ngayon nagbalik tayo sa simula. Hindi sa magbarkada kundi sa

Hindi magkakilala.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PanahonWhere stories live. Discover now