LOVE? yun yung word na di mo talaga ma describe. May siniswerte, mayroon ding nasasaktan. Pero tanong ko lang naranasan mo na rin bang ma inlove accidentally?
Ako nga pala si Maria. Freshmen sa isang university. tanging mga kaibigan , batchmates, blockmates ko lang ang nakakasalamuha ko. Yung mga taong kilala ko na. Tapos darating yung oras na ikaw nlang, di mo alam kung saan ka sasabay, pupunta.
As time goes by, may nakilala akong isang estudyante,si Peter. He's also a freshmen. Yung tipo ng tao na pag naguusap kayo, parang makakalimutan mo ang iyong mga problema. Nasa adjustment pa ako noon sa college life ko.
Araw-araw, kami nagtetext. Yung his the one na nakakatext mo araw-araw. At parang kulang yung araw mo pag di ka nakakatext sa kanya. At doon unti-unti ko siyang nakilala, and treated each other like we've known each other for a long time. Sabay kaming umuuwi, sabay kumain minsan.
At yung moment na di mo alam kung mahihiya ka na o magiging comfortable ka, kapag nagkasabay kayo umuwi o kumain kasi siya yung tipo na , nagtetreat sa kasama niya. At wala kang magawa kasi masaya raw siya sa ginagawa niya..
July 6, he told me what he really feels for me. And that awkward moment na kinikilig ka sa iyong kwarto, while you're texting with your crush kasi sinabi niya na crush ka niya. But at that moment di ko pa sinabi na siya yung rin crush ko. Gusto ko na sabihin sa mga oras na iyon kaso natatakot ako na baka trip lang niya yun.
Then, time passes by. My feelings grew eventually like , di kompleto yung araw ko pag di ko siya nakatext o nakakasama. Accidentally inlove ika nga. Di ko mapigilan, dahil impossible sa isang babae ang di siya magustuhan at matutunang mahalin.
Kaso, isang araw, sabay kaaming umuwi. I borrowed his phone. Naglaro , then I accidentally opened his inbox and read one convo pero di ko alam kung sino kasi ang nakalagay ay, ♥♥♥ Peter. Parang gumuho mundo ko, yung feeling na tama talaga yung hinala mo na trip lang lahat. Then I confronted him through text, and he explained everything.
The next day, I thought di na siya magpaparamdam. Akala ko na that would be the last time na makakatext ko siya. Hours passed by, di parin siya nagpaparamdam. So I told myself, pag di pa siya nagparamdam totoong trip lang talaga lahat ng yun . Ilang minuto , 1 new message. Nag text siya, tapos nag sorry at niyaya niya ako na sabay kaming uuwi.
Bumalik yung treatment namin sa isa't-isa na parang walang nangyari.
One day, I asked him one favor. I told him na "cause I think I'm fallen, please be careful with my heart". (awkward but sinabi ko talaga) . He replied , " yes, I will. Inlove rin naman ako sayo wag kang magalala".
Sana nga mahal mo rin talaga ako. I hope, na di mo talaga ako sasaktan. Sana malaman mong takot na akong mawala ka, at mahal na talaga kita.