Espi

3 0 0
                                    

Nakakabagot. Naririto lang ako sa ospital. Halos magdadalawang linggo na ako dito at sa susunod na araw. Ooperahan na ako. Pero gayunpaman, mukhang alam ko na rin naman ang kalalabasan ng operasyon. Maliit lang daw ang tsansa kong mabuhay matapos ang nasabing operasyon. Kung hindi lang dahil sa pagpupumilit ng magulang ko, di rin naman na ako papayag na magpaopera pa. Mamatay din naman ako, bakit patatagalin pa?

"Tok. Tok."

Natigil ang aking pag-iisip nang makarinig ako ng katok mula sa kabilang parte ng pader ng kwarto ko. 

"Tok. Tok. Tok."

Sinagot ko ang mga katok sa pamamagitan ng pagkatok din sa pader.

"Tok. Tok. Tok. Tok."

Agad din namang sumagot ang nasa kabilang kwarto.

"Tok. Tok. Tok. Tok. Tok."

Sinagot ko ulit ang mga katok ng lima pang mga katok. Mukhang sira ulo na nga ata kami dito pero, kaysa naman mamatay ako sa pagkabagot, siguro nga't mas maigi nalang na makipag-usap ako sa pamamagitan ng mga katok.

Mga limang minuto na lumipas ngunit di pa rin sumasagot ang nasa kabilang kwarto. Ngunit maya maya,

"Tok. Tok."

Ang katok ay nagmula na sa pinto.

"Pasok po."

Pagkabukas ng pinto, isang babaeng pasyente ang nakita ko na pumasok sa kwarto ko.

"Hi! Ako si Esperanza! Espi nalang! Ako yung kumakatok sa kabilang kwarto! Pasensya na pero sobrang naboboring na ako sa loob ng silid na yun. Wala akong magawa. Pwede ba akong makipagkwentuhan sayo sandali?"

Isang babae na may mahabang buhok, maputi't makinis na balat, may malarosas na labi ang nagpakilala sa akin. Naka-hospital gown sya at walang suot na panyapak. Sa sigla ng pagpapakilala nya, tila ata wala syang sakit.

"Okay lang. Nababagot na rin ako. Siguro nga mas okay ng may kausap din ako."

"Nababagot ka rin? Tara labas tayo!" Masigla nyang pag-aanyaya sa akin.

Di man ako pumayag nung una, ngunit makulit sya at mapilit kaya lumabas kami. Tinakasan namin ang mga gwardiya ng ospital upang lumabas. Di ko gaanong kabisado ang lugar dito ngunit tila alam nya naman ang pupuntahan namin. At dinala kami ng mga paa namin sa isang sementeryo.

"Andito na tayo!"

"Bakit mo ako dinala dito?"

"Nababagot na nga kasi tayo sa lugar na yun! Dito, mararamdaman mo yung hangin, makikita mo yung buwan at bituin at madarama mong nabubuhay ka pa."

"Pano mo namang madarama na buhay ka pa sa lugar ng mga patay?"

"Kasi, dito, ikaw lang ang nagsasalita at gumagalaw. Kung may pakiramdam lang at nakakapag-isip pa itong mga nakalibing dito. Malamang ay maiinggit sila sayo dahil ikaw, may buhay pa."

Umupo muna kami sa malapit sa isang puntod at nag-usap tungkol sa iba't ibang bagay. Masaya syang kausap at napakapositibo nya sa lahat ng bagay. Sobrang kabaligtaran ng pagkatao ko.

"Ano bang sakit mo? Bakit ka nasa ospital? Gaano ka na katagal dun?"

"Ako? Uhm, may UTI ako. At halos isang buwan na akong nasa ospital."

"Isang buwan? At UTI? Sigurado ka bang UTI ang sakit mo?"

"Sabihin nalang nating, di lahat ng sasabihin ko ay totoo, pero yung iba, syempre totoo. Ikaw na ang bahalang pumili kung saan ang paniniwalaan mo sa lahat ng mga sinasabi ko! Haha, eh ikaw? Bakit ka ba nasa ospital?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Espi (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon