Chapter 67: My Best Dreams

18 0 0
                                    

Four Years Later....


MONNAH's POV:


"Congratulations, Princess. We're so proud of you! Magna Cumlaude yata ang baby princess ko. " nakangiting bati ni Mommy habang sinalubong nila ako pababa sa hagdanan.


"Thanks, Mom, Dad." sagot ko sabay yakap sa kanila. Agad naman nila akong hinalikan.


"Ngayong graduate kana Princess, you can do what you want. Anong gusto mong iregalo namin sayo? " si Daddy habang inaakbayan niya ako papunta sa upuan ko.


"Wala po, Dad. Wala pa po akong maisip."


"We love you, princess."


"I love you too, Dad, Mom."


Four years na ang nakalipas. Heto at graduate na ako ng college. Business Administration ang natapos ko. Magkapareho kami ng course nina Hannah at Andrei kaya sabay kaming rumampa ngayon. Hahaha. Tama ang nabasa nyo. Andrei na ang tawag namin kay Nicky. Nagbago na ang bakla.


First year college na kami nang malaman kong may relasyon pala sina Candy at Andrei. Alam ko na rin ang buong estorya nila. Naiyak pa nga ako habang kinuwento nilang dalawa ang love story nila.


"Monnah, saan ka pagkatapos nito?" si Andrei habang busy sa kalilikot ng cellphone nya. Kanina ko pa napansin, hindi ito nakikinig sa graduation ceremony. Nakikisabay lang ito. Pumalakpak ito kung may pumalakpak. Tumatawa kung may tumatawa.


"Sigro sa bahay. Teka, ano ba 'yang ginagawa mo? Kanina ka pa n'yan, ah."


"Ah, wala 'to. Oy, teka! Ibalik mo nga 'yan sa'kin." sabi nya habang pilit inaagaw sa'kin ang cellphone nya.


"Patingin nga. Kanina kapa nito, ah. Hindi ka nga nakikinig sa speech ko."


Napangiti ako nang makita ang kinabi-busyhan ni Andrei. Kaya pala parang wala sa buong ceremony ang isip ng lokong ito ay dahil ka-chat pala nito ang girlfriend nya.


"Asus! Ang landi mo talaga, lalaki ka."


"Pwede ba, Monnah. Akin na nga 'yang phone ko. Kapag hindi ako makakareply n'yan, I'm sure lagot na naman ako." sabi nya habang napakamot ng ulo.


"Oo na. Heto na. Ang sabihin mo, takot ka lang kay Candy."


"Tse! Tumahimik ka nga. Ang sabihin mo, naiinggit ka lang."


Tinaasan ko sya ng kilay. "Excuse me, ba't naman ako maiinggit?"


"Kasi wala kang lovelife. Hahahaha"


Agad ko s'yang binatukan. Napahawak naman sya sa batok nya. Aba! Tinawanan ba ako? Nakakainis itong lalaking 'to.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon