DESDE ENTONCES, HASTA AHORA
(Mula Noon, Hanggang Ngayon)
Written by: Yeshameen BrejenteKABANATA 6 "Sa Piling Mo"
Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/1o1AJWS
"RATED SPG"
UMIIYAK si Nathaniel habang papalayo na ang kotse ni Idrianne na sinakyan din nilang mag-ina. Masakit para sa bata na iwan ang Sta. Maria at masakit na sa muli nilang pagkikita ni Jefferson ay wala nang katiyakan na muli pang mag-krus ang landas nila ng lalaking siya niyang kinilalang ama.
Niyakap ni Alexandria ang anak dahil maging siya'y nahihirapan na ding makita na nasasaktan ang anak. Kung pwede niya lang sana sabihin dito na si Idrianne ang tunay niyang ama ay di na siya mag-aatubiling gawin 'yon. Pero, nagtatalo pa rin ang puso at utak niya. Paano kung kunin ni Idrianne ang bata mula sa kanya upang mabigyan ito ng mas magandang buhay? Paano kung magalit si Nathaniel dahil lumaki ito sa kasinungalingan?
"Patawarin mo ako, anak." Marahang sabi niya habang yapos ang bata. "Ayoko lang na umasa ka pa sa kanya. Ayokong masaktan ka, dahil kahit kailan hindi na siya babalik sa buhay natin. Naging masaya naman tayo hindi ba't kahit wala siya?"
"Mama, hindi naman po ako sasama kay Papa. Gusto ko lang po na magpaalam sa kanya. Mama, hindi naman po masamang tao si Papa. Madalas man po kayong mag-away no'n pero mabait siya sa akin. Kahit minsan, di niya ako pinagtaasan ng boses. Hindi niya ako napalo, kaya mahal na mahal ko siya. At kahit masama pa siyang tao, mamahalin ko pa rin siya. Dahil wala po ako sa mundong 'to kundi dahil sa kanya." Tugon ni Nathaniel, siguro nga hindi lang talaga matanggap ni Jefferson nang buo si Nathaniel. Pero kahit minsan, hindi naman niya narinig na pinagalitan o sinaktan nito ang anak niya. Maaaring lagi silang nag-aaway noon, pero kahit kailan wala itong sinasabi sa anak niya.
Hindi na nakaimik pa si Alexandria. Hinagod na lang niya sa likod ang anak hanggang sa makatulog na ito sa mga braso niya. Sobrang nagi-guilty na siya, gusto na niyang aminin ang lahat-lahat dito dahil alam niyang iyon lang ang magpapalaya sa kanyang sarili mula sa nakaraan.Mahigit dalawang oras na rin sila sa daan, naging mabilis naman ang pagmamaneho ni Idrianne sa kanyang kotse ngunit puno ng pag-iingat. Wala siyang alam na sasabihin sa dating minamahal. Ang tanging alam niya't klaro sa kanya ay ang pakiramdam ng taong nasaktan nang muli niyang nakita na magkaharap at magkausap sina Alexandria at Jefferson kanina. Para bang nanumbalik yung sakit ng nakaraan, yung kung paano dinurog ang pagkatao niya dahil sa matinding pagkabigo sa kay Alexandria noon.
"Idrianne, okay ka lang ba?" tanong ni Alexandria nang mapansin ang pananahimik nito.
"I'm fine, Alexa." Tugon niyang hindi na lumingon pa. "May naisip lang ako." Di na rin nakaimik pa si Alexandria, ngunit nai-intriga naman siya sa maaaring iniisip nito.
"Kaytagal kong hindi nakadalaw sa Manila." Sabi niya. "Simula no'ng ikasal kami ni Jefferson, sa Sta. Maria na kami nanirahan. Saka ko pa lang makikita ang Lunsod."
"Everything happens for a reason, Alexa. Tiyak may rason ang Diyos kung bakit Niya pinahintulutang makabalik ka sa iyong pinanggalingan." Tugon naman ni Idrianne.
"Sana hindi kami makaabala ni Nathaniel saiyo." Wika ni Alexandria.
"We're friends, right? Ang magkaibigan, hindi kailanman abala." Sabi pa ni Idrianne. "Malayo pa ang byahe, mukhang puyat ka. Baka gusto mong matulog, tulog na." Sa pagkasabing 'yon ni Idrianne ay unti-unti na ngang ipinikit ni Alexandria ang kanyang mga mata habang yakap pa rin si Nathaniel.
Medyo malalim na ang gabi bago nila tuluyang narating ang rest house na pag-aari nina Idrianne sa Parañaque. Sobrang laki ng bahay at sobrang ganda pa. Hindi mapigilan ni Alexandria ang humanga dito.
BINABASA MO ANG
Desde Entonces, Hasta Ahora
RomanceLove does not need a tag of restrictions and Limitations. It is an independent feeling arises from within and is purely unconditional and boundless. Maraming taon ang nagdaan, kung kailan alam mong naka-moved on ka na saka naman muling mag-krus ang...