Chapter 1: I Wanna Hear

6 1 0
                                    

Kristel's POV

* ringgg- ringg* ( cellphone is ringing )

Sheett, bat di ba sumasagot yung babaitang yun. Naka 10 missed calls na ako, ni isa wala man lang sinagot. Matawagan nga si Kyle, baka kasama niya lang.

* rinnggg-ringgg* ( cp is ringing )

" Hmm, hello." Sabi ko

"Uy!, Kristel napatawag ka?" Boses ni Princess

" Buset kang babae ka, di ka sumasagot sa tawag ko" Sabi ko ng pasigaw

" ouch, lakas naman nun, sinagot naman kita ah. Kausap na nga kita ngayon eh. " sabi ni Princess na medyo natatawa.

" Sige, mamilosopo ka pa. " sabi ko.

" Sorry na, eto naman si Ate oh ... i love you " malambing na sabi ni Princess

" Eh bat di ka ba sumasagot sa Tawag ko, Sa cellphone mo?" Tanong ko

" Sorry ate nasira kasi yung cp ko eh, andito kami ngayon ni Kyle sa Mall para ipagawa. " mahinhing sabi ni Princess.

" Tumawag kasi sakin si Tita Selena, Di ka daw niya ma-contact. " Mahinahong sagot ko

" Ah ganun ba, sige tatawagan ko na lang siya dito sa phone ni Kyle. " Sagot ni Princess

" Sige na bye, umayos ka ah. " mabilisan kong sanabi

" Opo, Labyu! " sabi niya sabay baba ng telepono.

Princess's POV

Pagkasabi ko ng Labyu kay ate ay binaba ko na ang linya, tinatawag kasi ako ni Kyle. May ipapakita yata sakin.

" Cess! Lika dito " pag yaya niya sakin sa may bench na nasa loob ng mall. Habang paupo siya ay may napansin ako sa na hawak niya na tago tago niya sa likod niya. Hmmm...

" eto na " sabi ko with smile habang papalapit ako sa pwesto niya.

" Oi!, ano yan. Labas mo na yan, nakita ko na. " natatawa kong sinabi sabay pilit na tignan kung ano yung nasa likod niya.

" wait, wait. Makikita mo rin naman to eh. But first, bago mo to makita, pengeng kiss...pls..." Malambing na sabi niya sabay nag pout ng lips, hmmm ang sarap kagatin.

" Ano ka ba, ang daming tao oh. Nakakahiya " sabi ko sabay ngiti ng palihim

" Please, kahit smack lang..." Pag mamakaawa niya sakin. Eto na naman siya nag pa puppy eyes, shett ang cute niya. Dahil dun sa puppy eyes niya. Binigyan ko na siya ng mabilisang smack sa kanyang naka pout na lips. ^^

" Sarap, lasang ice cream strawberry flavor. " sabi niya sabay lick sa lips niya.

" Hala, kanina pa yun ah. Grabe ka, yung sayo lasang Kyle na maalat, pwe" natatawa kong sabi.

" Wait bago ko makalimutan, bigay mo na yan" sabi ko

" eto na eto na" habang nilalabas niya yung something na nasa likod niya ay kinuha ko na ito agad.

" Sabi na eh, di mo talaga ako tatantanan sa stuff toy effect mo noh. Pero ang cute niya ah. " sabi ko sabay ko niyakap yung bigay niya

" Nagustuhan mo naman diba?" Tanong niya sakin

" Syempre naman, I Love You . " sabi ko sabay ko siya ningitian. Pero agad din akong nagseryoso ng mukha ko kasi di siya sumagot sa I Love You ko. (;一_一) Ang tanging sagot niya lang sakin ay kiss sa aking nose.

" Ano ka ba, allergic ka ba sa salitang I Love You?" Pag tataka kong tanong sa kanya

" Hindi naman. " sagot niya sabay ngiti

" Eh bakit sa lahat ng pagsabi ko sayo ng I Love You, di ka sumasagot pabalik ng I Love You Too..." Sabi ko sabay ayos ng upo at yuko.

" Di ko na kailangang sabihin yun sayo, Pinapakita ko naman diba?. Yun yung mas importante, di ko man masabi pero nararamdaman at napapakita ko naman sayo." Mahinahong sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

" mmm... Ano ba, sayang hairstyle ko. Oo na, basta ako lang ah." Malambing na sabi ko

" Oo, ikaw lang . " sabi niya sakin habang tinutulungan akong ayusin ang buhok ko.

Bumalik na kami ni Kyle sa pinagpagawaan ng cellphone ko, kaso sabi samin ay di na magagawan ng paraan yung phone ko dahil sa impact ng pagkakabagsak nito.

" Parang sa ospital lang tayo ah, phone mo ang pasyente" natatawang sabi ni Kyle na agad din nanahimik ng kurutin ko siya sa kanyang tagiliran.

" Ah ganun po ba sige, Salamat po. Amm magkano po? " Sabi ko sa manggagawa.

" You dont need to pay, Hindi ko naman kasi naayos yung phone." Sagot sakin ng manggagawa.

" Pero kuya nag spent parin kayo ng time para tignan ang phone ko, kaya dapat bayaran ko kayo" Sabi ko sabay dukot sa bag ko ng two- hundred pesos at abot sa kay kuya.

" Nako maam, sorry po I will not accept that " mahinahong sabi ni kuya habang pingtutulakan yung kamay ko na may hawak na two- hundred sakin.

" Ammm, teka nga. Kung ayaw niya wag na natin pilitin. " pabulong na sabi sakin ni Kyle. Dahil dun ay napatingin ako sa kanya at napag isipan ko na ibalik na lang ang pera ko sa bag at magpasalamat na lang ulit kay kuya.

After that kumain kami saglit sa isang Restaurant at umuwi na rin. Habang kami ay nasa biyahe pinaguusapan namin kung anong brand ng phone ang bibilin ko para ipalit sa nasira. Di nagtagal ay nakarating na rin kami dito sa bahay.

" Wait buksan ko lang yung gate" sabi ko sabay baba ng sasakyan ngunit nahablot ni Kyle ang kamay ko at pinahinto ako.

" Wag na, I'll go home na rin naman eh. Ingat ka dito ah, gusto mo tawagan ko si Kristel para may kasama ka?" Mahinhing sabi sakin ni Kyle

" Ah ganun ba, sige tawagan mo na lang si Kristel. " Sagot ko

" Ayaw mo ba munang tumuloy sa loob para makapag rest ka kahit saglit?" Sabi ko.

" Sige, dito ko na lang sa tapat yung sasakyan ah." Pagkasabi niya ay bumaba na rin siya at sabay kaming pumasok sa loob.

----
Pinaupo ko muna si Kyle sa Sofa at magtitimpla ako ng hot chocolate para samin ng...

" Wait, san ka pupunta?" Tanong sakin ni Kyle

" sa kitchen magtitimpla ng Hot chocolate" mabilisang sagot ko

" wag na dito ka na lang" May paglalambing na sabi sakin ni Kyle sabay hila sakin dahilan para mapaupo ako sa tabi niya.

" Masyadong tahimik, bubuksan ko lang yung TV " sabi ko

" Wag na, dito ka lang. Ikaw lang ayos nako" sabi niya dahilan para mamula ang pisngi ko at mapangiti ako.

" Haaay, I Love You Kyle" Sabi ko with sweet voice.

" Ako din" Sabi niya

" What? Yan na naman tayo eh." Sabi ko sabay inismidan ko siya ng mukha

" Di ba sinabi ko na sayo kanina, uulitin ko ba ulit?" Mahinahon niyang sagot

" Bakit ba ayaw mong mag sabi ng I love you too, From the very start na naging tayo...Never mo akong sinabihan. Pwede ba kahit ngayon lang, isang lang ayus nako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon