Matagal ng magkaibigan sina Tina at Piyo. Nagkakilala sila noong sila ay nasa unang tao palang ng highschool. Si Piyo ay galing sa isang sikat na paaralan kaya marami agad siyang naging kaibigan. Matalino at mahilig mag basketball si Piyo. Samantalang parang isa namang "nobody" si Tina sa harapan ni Piyo. Hindi alam ng karamihan na matalino si Tina. Maraming naging kaibigan si Tina, habang lagi namang inaaway at inaasar ni Piyo si Tina. Akala ng iba noon ay magiging ganoon na lamang silang dalawa ngunit hindi kalaunan ay naging mabuti silang magkaibigan. Naging sandalan nila ang isa't isa. Habang tumatagal ang pagsasama nila mas nakikilala pa nila ang bawat isa. Mahilig silang manood ng sine, kumain ng pizza, magkwentuhan at mag-asaran. Lahat ng sikreto ni Tina ay alam ni Piyo, ganon din naman si Piyo kay Tina. Takot, mga paborito nilang bagay, kung ano ang gusto ng isa, kung ano ang ayaw ng isa, lahat lahat na may kinalaman sa bawat isa ay paniguradong alam nila pareho. Dumating ang panahon na kailangang umalis ni Piyo dahil sa Amerika na siya pag-aaralin ng kanyang mga magulang. Masiyadong nalungkot si Tina sa pag-alis ni Piyo, ngunit pinangako nila sa isa't isa na walang magbabago sa pagkakaibigan nilang dalawa. Pinangako nilang parati parin silang mag-uusap kahit hindi naman tugma ang timezone nila. Nangako sila sa isa't isang gagawin nila ang lahat makausap lang bawat isa.
Maniniwala ka ba talaga sa kasabihang "Absence makes the heart go fonder" o di kaya tulad ng sabi ng iba "Out of sight, out of mind." Aling pahayag kaya ang magpapatunay ng totoo?