“NURSE! NURSE! Nahihirapan akong huminga”
Agad na pinaupo ni Nurse Jobie ang call center agent sa pinagtatrabahuhan niyang BPO company sa may Magallanes. Higit dalawang taon na din siyang nagtatrabaho dito bilang isang company nurse. Madami na siyang nahandle na pasyente kaya naman sanay na siya sa mga katulad nito. Nabalitaan din niya na nung nakaraang linggo, may namatay na pasyente sa clinic. Nahimatay daw sa ground floor at wala nang vital signs nang dinala sa clinic. Her co-nurses tried to revive the ailing patient while waiting for an ambulance but it’s already too late. DOA na din ito nang naidala sa hospital.
Agad niyang kinuhanan ng vital signs ang naturang ahente.
“Mam, relax lang po kayo. I’ll take care of you.” Bungad ni Nurse Jobie. Naramdaman niyang cold and clammy skin ang pasyente habang kinukuhanan ng BP. Mataas ang nakuha niyang BP. Dito niya napagtanto na hindi nagiinarte ang agent na kaharap niya ngayon. Madami na din kasing agents ang nagmama-malingering* lamang. Ito yung mga hirap na hirap kunwari pero normal naman ang lahat ng vital signs kapag kinuhanan. Mga gustong maexcuse sa trabaho. Mga tamad, ika nga.
“Mam, may history po ba kayo ng tumataas ang BP?” paga-assess ni Nurse Jobie.
“Ah oo, hindi kasi ako nakainom ng gamot.” Sagot ng agent.
“Ganun po ba? Maglog-in po muna kayo.” At inabot niya ang ballpen upang maisulat nang pasyente ang kanyang pangalan, account at supervisor. “Nag-vomit na po ba kayo?”
“Ka-kanina bago ako pumunta, sobra kasing sakit ng ulo ko, mga dalawang beses na..”
“Namamanhid na po ba mga braso niyo?”
“Ah oo e-etong kaliwang braso parang namamanhid, tapos naninikip na din ang dibdib ko.”
Kinuha ni Nurse Jobie ang pulse oximeter at inilagay sa kaliwang hinlalaki ng pasyente. Nakita niyang medyo mababa ang oxygen level nito sa katawan.
“Mam, humiga po muna kayo sa bed. I’ll place you in oxygen therapy to normalize the oxygen level in your body, okay?”
Tumango-tango lang ang pasyente at sumunod. Pinwesto niya ang kama in a Semi-Fowler’s* position para makahinga ng maayos ang pasyente.
“Mam ano pong maintenance drug nyo?” tanong ni Nurse Jobie.
“Amvasc ang nireseta sa akin nang doctor. Five milligrams.”
Binuksan ni Nurse Jobie ang medicine drawer at kinuha ang kaparehas na gamot sa loob nito.
“Ito po, Mam. Amvasc five milligrams, inumin nyo po muna.” Kumuha nang isang basong tubig si Nurse Jobie at inabot sa pasyente.
“Salamat, nurse.” Pagkawika nito ay biglang sumuka ang pasyente.
Napaurong si Nurse Jobie at pinangambahan sa nakita.
“N-nurse…t-tulong…” at muling sumuka ito. Itim ang suka nang pasyente na pinangambahan ni Nurse Jobie. Agad na ipinosisyon ni Nurse Jobie ang pasyente upang hindi ito ma-aspirate.
“Mam, relax lang po. I’ll try to contact our doctor.” Pagkasabi nito, sumukang muli ang pasyente sa mismong damit ni Nurse Jobie. Nakakasulasok ang amoy nito at namantsahan ang puting-puting uniporme ni Nurse Jobie. Amoy pusali ang inilabas nito sa bibig at medyo malapot. Nangamoy imburnal tuloy ang buong loob ng clinic.
“P-pasensya na…hindi ko na talaga kaya…”
“A-ayos lang Mam…”
Agad na pumunta sa telepono si Nurse Jobie at tinawagan ang doctor na nagdu-duty sa kabilang site sa may Pasay. Wala kasing doctor on duty ngayong gabi kaya naman magre-refer lang siya sa mga site kung saan present ang mga doctor.
BINABASA MO ANG
ANG PASYENTE
HorrorHanda ka bang tulungan siya? Copyright © by justarlo All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotat...