Friday Everyday [ONE SHOT]

749 20 7
                                    

"A recent study found that our happiness increases significantly on Fridays. We get excited about the coming weekend and, quite simply, decide to be happier. We make up our minds on Fridays to enjoy that day more."

--Joel Osteen

FRIDAY EVERYDAY

[A/N] This one shot is inspired by two movies, Ek Main Aur Ekk Tu and Jaane Tu... Ya Jaane Na. I hope na kainti-intindi kahit na hindi niyo pa napapanood yung movie. :) I tried making it understandable by adding lines from the movie. Sana nga lang talagang naging malinaw at kainti-intindi dahil sa inserts na iyon. Again, thank you and happy reading!

Dedicated po ito sayo (littecerulean). I found your works recently at talagang nagustuhan ko, natuto akong magcomment. haha. Salamat kasi nakakarelate ako sa mga stories mo kahit katiting na parte lang nun ang nangyari sa akin in real life. Swak pa rin! :)

Nang makita ko na ang closing credits ng movie na pinapanood namin, niluwagan niya ang yakap niya sa akin at tiningnan ako sa mukha. “Ek Main Aur Ekk Tu” basa niya sa title nung movie.

“Oh, bakit?” tanong ko.

“Wala naman, napaisip lang ako, saang lupalop mo nahagilap ang movie na yan at hindi ka talaga pumayag na hindi yan ang panoorin natin ngayong gabi?” Friday nights are movie nights since I don’t even know when. We’re both 22 now at heto pa rin kami, pagdating ng Friday, diretso na kung saang condo nakaschedule ng week na yun. Ritual na namin yan dating-dati pa, napagtripan lang namin manood ng mga movies simula nung matuto kaming magdownload ng torrent files at nakasanayan na naming gawin yun after school weeks. Simula nun, ganun na, hindi na namin nawala, kahit anong lakad pa yan, tatanggihan namin o ipapamove ng Sat o Sun, basta pag Friday, sa amin yun, araw namin yun, kahit pa minsan inuulit lang namin yung napanood na namin pag wala kaming nahanap na “bagong” movie.

“Sa isohunt?” pabarang kong sagot.

“Ayos! Pilosopo.” Mukhang hindi naman asar na balik niya.

“Bakit ba kasi?”

“Eh hindi ko akalain na ikaw ang magdadala ng ganyang movie dito,  tingnan mo, title pa lang, wala na sa karakter mo. Ako ang nagdadala ng ganyang movie dito, forte ko ang pilitin kang manood ng Korean movies, Korean dramas, Bollywoods at iba pang Asian movies, hindi ikaw. Wala sa hinagap kong kakain ka ng bandwidth para sa pagdodownload ng isang yan.” Hindi ko nga siya sinagot. Tiningnan ko lang siya at nginitian ng nakakaloko.

“Jace, sumagot ka kaya. Curious ako kaya sagot na.” Ang kulit talaga.

“Pwede ba, Adriana, kuha ka na lang ng ruffles para matuwa ako sayo, yung cheddar and sour cream ha.” Humiwalay siya sa akin at nameywang, she even pouted her lips. Parang nanuyo ang lalamunan ko, pakuhanin ko din kaya siya ng coke?

“No. I will not get you another bag of chips, even a coke. Not until you tell me what’s wrong with you.” Hindi na ko magtataka kung bakit alam niyang malaki ang posibilidad na magpakuha akong ng inumin after kong magpakuha ng ruffles. When it comes to us, spelling everything out is not a must. Alam na alam na namin ang likaw ng mga bituka ng isa’t-isa. My mom and her mom are best of friends. We practically grew up together. They even contemplated naming her Chaiysce just because I was named Jace. You see, I was born five months ahead of her. Thank God, her dad said no, baka daw habambuhay manghabol ng kapalaran ang anak nila pag katunog ng chase ang pangalan niya so they named her Adriana.

“What’s wrong? What do you mean what’s wrong?” After two minutes of talking about her, it finally sank in; she’s asking me what’s wrong and actually I don’t quite get it and so I asked.

Friday Everyday [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon