Yakap

964 28 4
                                    

"Handa na ba kayo umibig?" Tanong ni Lola Nidora sa amin ni Divina. Nakaupo kami sa may stage malapit sa mga audience, kakabasa ko lang ng tula na sinulat ko para sa kanya. Naiyak pa nga ako eh, grabe, iba pala talaga pag sinasabi mo yung tula sa harap ng taong mahal mo.

"Ikaw, Alden?" Sunod na tanong ni Lola Nidora. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko nang makita ko si Divina na hindi mapakali sa pagkakaupo niya. Pero sigurado na ako sa sagot ko eh, matagal na.

"Ako naman Lola, matagal na akong handa eh." Sinabi ko kay Lola at tinignan si Divina para makita ang reaksyon niya. Kita ko ang pagaalala sa mukha niya. Hindi niya masagot. Hindi niya masasagot kasi natatakot siya. Matagal ko narin nakasama si Divina at alam ko na ang iniisip niya.

"Ikaw, Divina? Handa ka na ba?" Tanong ni Lola sa kanya. Naghihiyawan ang mga tao, pero namumuo na ang mga luha sa mata ni Divina. Hindi niya kayang sagutin. Binaba ko ang mikropono at kinausap siya.

"Okay ka lang? Kaya mo ba?" Tanong ko sa kanya, nakatingin lang siya sa akin. Parang humihingi ng patawad kasi hindi niya masagot. Pero nandun din yung takot at pangamba sa mga mata niya.

"Tatayo tayo, tapos yayakapin kita. Kung okay lang, sa'yo." Sunod kong sinabi. Tumayo ako at tinulungan siya tumayo. Huminga muna ako ng malalim. Huminga din siya. Lumapit ako tapos niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman ko ang paglapat ng mga kamay niya sa may batok ko.

"Okay lang kung hindi mo masagot, Divina. Huwag kang ma-pressure. Huwag kang matakot." Binulog ko sa kanya. Humihigpit ang yakap niya sa akin.

" Sinabi ko naman sa'yo diba, handa ako maghintay?" At dun ko naramdaman ang luha niya na tumulo sa may leeg ko. Umiiyak siya. Mabilis yung tibok ng puso niya. Mas humigpit pa ang yakap niya.

"Tahan na, wag ka na umiyak." Ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Napakasakit para sa akin. Bumitaw siya, pinunasan ang luha niya. Tinignan niya ako at nagsabi ng "Sorry" na walang tunog. Tumalikod siya at naglakad papuntang backstage. Naiwan ako sa gitna, ngumiti nalang ako kahit na masakit rin para sa akin. Hinabol ko siya sa backstage at nakita siya sa may lungga ko.

"Divina, tahan na." Yun ang una kong sinabi bago ko siya yakapin muli. Yumakap naman siya pabalik at tumunog na ang busina. Nang matapos na si Ginging sa pagsasalaysay, pinaupo ko siya at kinunan ng tubig.

"Okay ka lang?" Tumango lang siya. Ayoko ng ganito, ayoko ng hindi niya ako kinakausap. "Divina, magsalita ka naman, please?" Hinawakan ko ang kamay niya pero tinanggal niya rin.

"Sorry, Alden. Sorry hindi ko masagot." Nanginginig ang boses niya. Alam ko naman na hindi pa siya handa eh, alam ko naman na kailangan ko pa maghintay.

"Okay lang yun, sus. Sinabi ko naman sa'yo maraming beses na diba...." Nasa kalagitnaan ako ng sinasabi ko nang bigla siyang magsalita ulit.

"Alam ko, Alden, pero sila? Ang mga tao, sila Lola, pinagmukha nanaman kitang kawawa." Tumulo nanaman ang mga luha ni Divina.

"Hay nako, wag mo na isipin sasabihin ng mga tao. Gayahin mo si Maine oh, kebs lang." Sabi ko sa kanya na baka matawa siya, pero hindi gumana.

"Ako nalang parati masama, Alden. Nung sinabi kong hindi na kita mahal, ako yung mali. Nung dumating si Jhake, ako yung mali, tapos ito, ako nanaman panigurado yung mali. Natatakot kasi ako Alden eh. Natatakot ako sa mga pwede mangyari." Umiiyak na siya. Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya.

"Shhhh... Tahan na. Ha? Hindi ka mali. Hindi ka masama. Divina, wag mo na isipin sasabihin nila. Huwag ka rin matakot. Nandito ako diba? Magkaakmpi tayo diba? Basta handa ako maghintay, Divina. Ang tagal ng hinintay natin para sa Tamang Panhon, ngayon pa ba tayo susuko? Divina, mahal kita. Mahal na mahal, kaya nga sinulat ko yung tulang yun kasi yun yung totoo. Yun yung nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, Divina. Kaya handa akong maghintay." Naramdaman ko ang basa nang parte ng tshirt ko. Patuloy parin siya sa pag-iyak. Hinayaan ko nalang siya para malabas niya nalang dun lahat ng frustrations niya. Yakap ko ang mundo ko, yakap ko ang taong pinakamamahal ko. Sana tumahan na siya. Sana maging ayos na siya,

Oo, masakit na hindi niya sinagot yung tanong, pero kung mahal mo na yung tao, handa ka namang maghintay diba? Kaya Divina, huwag ka mag-alala, handa akong maghintay hanggang sa araw na handa ka na. Sa ngayon, enjoy nalang muna natin kung ano meron tayo. Mahal na mahal kita, at ayoko na makitang umiiyak ka.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Likod ng Camera | Alden x DivinaWhere stories live. Discover now