Chapter 22

7.1K 210 14
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 22...

Kalagitnaan na ng gabi ng bigla nalang nabalikwas sa kanyang higaan si Lovely dahil parang naalimpungatan siya sa tunog ng pinto na para bang may nagbubukas. Agad siyang bumangon at napatingin sa may pinto at sa tulong ng dim lamp shade na nakasindi ay kitang kita niya si Elizabeth na nasa may pinto at pilit na binubuksan ang pinto.

"Inaanak, what are you doing there? Where are you going?..." gulat na tanong ni Lovely saka nilapitan nito ang bata.

"I will go and check my mommy if she come back home already ninang mommy" kukurap kurap na sagot ni baby Elizabeth saka muli nitong pinihit ang doorknod.

"Elizabeth, it's to late already at baka natutulog na ang mommy mo." wika naman ni Lovely.

"Why she didn't come to see me?.." nakalabing turan ng bata na para bang maiiyak na ito.

"Baka nakita ka niyang tulog na kaya hindi ka na niya ginising pa dahil may pasok ka pa sa school kinabukasan". sagot muli ni Lovely ngunit nagpupumilit paring buksan ni baby Elizabeth ang pinto.

"I just want to check ninang mommy if my mommy is sleeping already" giit ng bata na parang namumula na ang mga gilid ng mga mata nito.

"Bakit ba gusto mong makita ang mommy mo? Baka maistorbo mo lang ang tulog niya and besides it's to late already at lahat ng mga kasambahay ay tulog narin kaya bumalik kana sa higaan mo at ng makatulog kana ulit!." ani Lovely kay Baby Elizabeth ngunit umiling lang ang bata at maya maya pa ay kinusot kusot na niya ang kanyang mga mata na nagbabadya ng umiyak.

"I want to see if my daddy buy flowers for me" sagot nito saka napahikbi kaya naman natapik nalang ni Lovely ang noo at binuksan ang pinto saka sila lumabas ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Czarinna.

Bahagyang kumatok si Lovely ng ilang beses ngunit walang sumasagot o nagbubukas ng pinto kaya pinihit nalang ni Lovely ang seradura ng pinto at sinindihan ang ilaw. Napakunot ang bakla ng makitang wala namang nakahiga sa may kama at ni walang palatandaan na may humiga dahil unat na unat parin ang bedsheet na gaya kanina ng iwan ito ni Czarinna.

"Where is my mommy, ninang mommy?" maang na tanong nito kay Lovely.

"Ewan ko inaanak, I don't know where is she?." napatingin sa paligid si Lovely ngunit walang palatandaan na may tao sa loob ng kwarto.

"She's not come back yet?" napahikbing turan ni Baby Elizabeth at maya maya ay napaluha na ito........."Why she didn't come home? Where is my mommy?.." sunod sunod nitong tanong kay Lovely na napailing lang naman ang bakla.

"Malay ko kung nasaan na siya! Baka nakatulog na sa kandungan ng daddy mo?" sagot naman ni   Lovely na napangiti ng bahagya dahil sa malisyoso nitong isipan.

"What do you mean,ninang mommy?."  humihikbing tanong ni Elizabeth......"Can you call my mommy, ninang mommy? I want to talk to her, I want to ask her why she didn't come back home?" nagmamakaawang turan ng bata na napalakas pa ang iyak nito kaya naman nataranta na si Lovely at para matigil na ang bata kaya kahit na alam niyang makaka istorbo siya ay tinawagan na niya ang cellphone ni Czarinna.

"Okay, stop crying na dahil tinatawagan ko na ang mommy mo" wika naman ni Lovely habang pinakapakinggan ang pag ring ng cellphone ni Czarinna.

Nang mga sandaling iyon ay naalimpungatan naman si Elly dahil sa pagkarinig nito ng tunog ng cellphone. Tiningnan niya ang kanyang cellphone ngunit hindi nagmumula roon ang ingay. Nang muli na naman niyang marinig ang tunog na iyon ay maingat siyang bumangon mula sa kama at tinungo ang bag ni Czarinna at doon niya napag alaman na sa cellphone na nasa bag nagmumula ang ingay na iyon.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon