Ronnie's POV
Pinilit kong tawagin ang pangalan ni Mervin kahit na nagulat ako sa inaakto niya.
He kept cussing nonstop. At hindi ko alam kung hanggang kailan niya to balak gawin.
Bigla akong natakot. Natakot sa mga bagay na pwede niyang gawin.
My heart jackhammered and my head throbbed. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa kanya.
He's eyes were like flames burning in the pit of hell. Galit na galit siya at hindi ko mapag-ano ang pinagmumulan nito.
Pinagpatuloy niya ang pagsuntok sa pader malapit sa aking mukha ang buong akala ko tatama ito sa akin.
Until something he said totally shut me down. All my senses were nullified.
"I don't want to see you. Ever!"
At tuluyan na nga siyang lumabas.
Napako ako sa aking kinatatayuan matapos ang nangyari.
Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat. Ang alam ko lang ay magkasama kami ni Tommy tapos bigla na lang pumasok si Mervin at inundayan ng suntok si Tommy.
I got this burning feeling in my eyes and I don't know why. My lips won't stop quivering and I feel like I'm gonna drop on my knees.
Ano bang ginawa kong masama? Wala akong maalalang pwedeng maging dahilan para umakto siya ng ganun.
"God Tommy! Are you okay?" Para akong biglang nagkamalay nang marinig kong sumigaw si Timmi.
Nilingon ko ang lugar kung saan bumagsak si Tommy.
"I'm fine Timz, it's just a cut." Ngumiti si Tommy na parang walang nangyari.Lumipat sa akin ang kanyang tingin at para bang ikinagulat ko pa iyon.
"Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo."
My heart pounded na para bang muli itong nagising mula sa mahabang pagkakahimbing na para bang yung sinabi ni Tommy ang siyang naging dahilan upang bumalik ako sa aking ulirat.
Awtomatikong kumilos ang aking mga paa. Mabibigat ang aking bawat hakbang palabas ng kwarto. Narinig ko pang bumukas ang pinto sa kabila at ang mga naguguluhang tanong ng iba pa naming kasama pero hindi ko na iyon nagawang pansinin.
I have one thing in mind at yun ay ang sundan si Mervin upang maipaliwanag ko ang lahat sa kanya.
Mali ang kanyang iniisip. Maling mali.
Timmi's POV
"Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo." Narinig kong turan ng kambal ko.
To say I was shocked was a mere understatement. I was astound. Hindi ko mapaniwalaan ang lumabas sa bibig ni Tommy.
Hanggang sa mabilis na lumabas si Ronnie sa kwarto. Walang kahit anong binitawang salita.
"Tell me what happened."
Tommy's shoulder dropped. Sinakop niya ang mga binti niya at doon ipinatong ang noo sa kanyang tuhod.
"It's over." And this is the second time I saw him like this. Una ay dahil sa parents namin ngayon naman dahil sa babae.
Wala na lang akong magawa kundi maupo sa tabi niya at pakinggan ang pinamamalas niyang katahimikan.
Ronnie's POV
Ang mabibigat na hakbang ay nagsimulang gumaan hanggang sa tumakbo na ako.
Hindi ko na inalintana ang tingin na itinatapon sa akin ng mga nagsidaratingang bisita. binilisan ko pa ang aking takbo hanggang sa makalabas ako ng gate nila.