Chapter 1:
Unang LandiVenus
"Bilisan mo Ve, nagugutom na ako."-angal ni Mars.
"Oo sandali na lang to."-sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.
Nandito kami ngayon sa library gumagawa ng assignment namin.
"Kanina mo pa yan sinasabi---"-di na tapos ang sinasabi ni Mars dahil may biglang dumating na nakakuha ng aming atensyon.
It's him
"Babe"-bati niya sakin
I wish .. pero hindi.
"Babe"-bati rin ng bestfriend ko sabay halik sa pisngi ng boyfriend niya. Tinitingnan ko lang siya at ganon din siya sakin.
Bumalik sa pagkakaupo si Mars at hinila rin si Ice upang umupo sa tabi niya.
Binaling ko nalang sa laptop ko ang atensyon ko.
"Hindi pa ba kayo mag-lalunch?"-tanong niya at napatingin naman ako sa kanya at nagtama ang aming paningin.
"Mag-lalunch na dapat pero tong si Ve kasi eh"-pagsusumbong ni Mars sa boyfriend niya.
"Bakit kayo nag-papagutom? Alam niyo bang masama yan."-sambit niya habang nakatingin sakin. Agad kong iniwas ang mga paningin ko at niligpit ang mga gamit ko.
"Okay, maglunch muna tayo."-sambit ko sabay tayo at ganon din sila.
--
Nasa unahan ko ngayon silang dalawa na nakaholding hands pa. ouch
Hanggang makarating kami sa canteen. gad !!
Umupo kami sa isang bakanteng lamesa.
Nag volunteer akong bumili ng pagkain at nag volunteer din si Ice na samahan ako. Wrong move.
Kaya kaming dalawa ang bumili ng pagkain at habang nasa pila kami. Nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya binawi ko naman ito agad.
Ngumisi lang siya."Don't act like you don't like it."-pabulong niyang sabi na nagpatayo ng balahibo ko ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.
"Tumigil ka Ice, baka may makakita satin!"-inis kong pabulong sa kanya.
Ngumisi lang siya at lumayo ng unti sakin.
--
BINABASA MO ANG
Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018
RandomMasaya na kaming dalawa ng taong mahal ko, almost perfect na nga eh pero dahil sa katangahan ko nagbago lahat. Naging parang roller coaster ang buhay ko na humantong sa pagiging sampid ko o pagiging kabit sa buhay ng taong mahal ko. Pero nagbago ako...