Presko ang simoy ng hangin. Tahimik ang buong paligid. Araw ng byernes, bago umuwi sa kanya-kanyang bahay, napagpasiyahan namin ni Dancel na tumunganga sa tabing-dagat habang nakaupo sa riprap habang nakatanaw sa lumulubog na araw. Parang mga tangang nagsisilanghap ng masangsang na hangin na nagmumula sa bilaran ng tuyo at bagoong na nasa likod lang ng aming eskwelahan.
"Huy!", kalampag ang likod ko sa lakas ng pwersa ni Dancel. "Nakatunganga ka nanaman dyan."
"E diba sabi mo tumunganga tayo dito? Eto na 'yon.", tulalang sagot ko kay Dancel.
"Hay, bopols mo talaga! Tutunganga, ibig kong sabihin tatambay. Gets mo?", nanggigigil na paliwanag ni Dancel sabay kurot sa pisngi ko.
"Aray ko naman! Kapag ako nahulog dito kala mo.", reklamo ko sa kanya.
"O ano? Manunumbong ka nanaman sa nanay mo? Wala ka pala e. Hahahaha!", malutong ang nakakaasar na tawa nya.
"Oo. Sasabihin ko binablackmail moko.", irap ko sa kanya.
"Aba, 'di naman kita bina-blackmail a!", maingay na sigaw ni Dancel sabay hampas sa noo'y namamaga ko nang likod.
"Sige hampasin mo pa ko! 'Pag ako nahulog dito isusunod kita.", blackmail ko sa kanya.
"E kasi naman ikaw. 'Di naman kita bina-blackmail e. Pansin 'to.", halos matakpan na ng upper lip ni Dancel ang lower lip nya sa sobrang tindi ng duck-face nya.
"Gumaganyan kapa. Pumapangit ka lang lalo tange.", pang-aasar ko pa sa kanya.
"E hindi naman kasi talaga. Pansin ka!", umiirap na si Dancel sa sobrang pagkapikon nya sa 'kin.
"Ba't naiinis ka? Hahaha.", panunudyo ko pa sa kanya.
"Ikaw kase! Tawa ka pa dyan! Kainis 'to.", hampas nanaman ang inabot ko sa kanya na noo'y kasalukuyang nasa 'iyak-tawa' stage na."Aba, lukreng 'to. Ikaw naunang mang-inis dyan e. Tapos ngayon ikaw 'tong mapipikon? Sinasabi ko sa'yo e."
"Ikaw kase. Pang-inis 'to. Kala mo ka.", irap ulit n'ya sa 'kin.
"O ano? Manunumbong ka rin sa nanay mo? Hahaha!", pang-aasar ko ulit sa kanya.
"Hindeeee! Ihhh! Kainis kana! Kala mo talaga! Hahaha.", iyak-tawa ulit.
"Tama na nga. Muntanga ka na. Hahaha. Pumapangit ka lang lalo.", nakangiti kong pinunasan ang mga mata nya na noo'y basa na ng luha dahil sa sobrang pagkapikon n'ya.
"Ikaw kasi. Bwisit ka."
"Aba. Ako nanaman?! Hahaha."
"E talaga naman. Kainis 'to.", irap n'ya ulit sa 'kin.
"Tama na nga e. Sorry na. Hahaha.", panlalambing ko sa kanya habang patuloy na pinupunasan ang nagluluha nyang mata.
"Oona. Bwisit.", isinandal ni Dancel ang ulo n'ya sa mga balikat ko. Senyales na tapos na ang gulo na nagmula nanaman dahil sa boyfriend nyang mapanudyo....at sa panunukso nyang ikinapikon nya rin sa huli. Flip talaga e.
Panandaliang tumahimik ang paligid matapos ang maliit na gyera. Umihip na ulit ang hangin. Patuloy pa ring nakasandal ang ulo ni Dancel sa balikat ko. Pareho kaming nakatingin sa kawalan. Nabibighani sa papalubog na araw sa namumulang langit. Sinasamsam ang mga natitirang sandali...pati na rin ang amoy ng bagoong na nagcocommute sa ilong pababa ng bronchial tubes naming dalawa.
BINABASA MO ANG
High School Pandemonium
Teen FictionPara sa mga kabataang pumapasok na estudyante at lumalabas na mandirigma, sa mga gurong pinatanda ng panahon na pinalala pa ng kunsomisyon, para kay finn at jake, at para sa inyong lahat. -gallanoromantico©