Chapter 28

5.1K 169 4
                                    


Sandali akong napatanga sa narinig ko. May nakaraan sila?

Parang hindi maiproseso ng utak ko iyon. Wala kasing nababanggit si chris na may nakarelasyon na pala siya noong mga panahong magkaibigan kami. Sabagay, hindi ko naman kasi naisipang tanungin siya noon sa mga ganoong personal na bagay.

"A-Ah... G-Ganoon ba?" kandautal-utal ako.

Marahan itong tumango. "Pero matagal na 'yon. Huwag mo ng isipin at tsaka naghiwalay naman kami ng maayos noon. Kaya magkaibigan na ulit kami." aniya at saka ngumiti ng tipid.

Wala akong masabi kaya napatango na lang ako. Kung alam ni kiana na may nakaraan si arlene at ang kuya niya, bakit si arlene pa ang kinuha niyang maging private nurse ni chris? Sinadya niya ba 'to? Uhh.. Maybe, i shouldn't overthink things. At wala naman akong dapat alalahanin. Past is past, right?

Lumipas ang dalawang araw na walang ibang nasa isip ko kundi ang pinagtapat sa akin ni arlene tungkol sa kanila ni chris. Kung dati ay ganado akong pumasok sa kompanya,ngayon naman ay parang may kaba sa dibdib ko tuwing iiwan ko na si chris kay arlene. Hindi dahil sa kalagayan nito kundi ang pagkakalapit nilang muli ni arlene!

Lalo na kapag pinapakain niya ito, binibihisan, pinupunasan niya ang pawis nito at iba pa. Parang may kakaiba sa mga galaw niya. Aside from being his private nurse.. parang asawa na niya ito kung mag-asikaso sa kanya.

May mga oras na gusto ko siyang pigilan at sabihing ako na lang ang gumawa ng mga iyon pero pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi ko dapat ipakitang nagdududa ako sa mga kilos niya.

At tsaka.. hindi ba dapat hindi na ako naapektuhan dahil lang sa nalaman ko? Matagal na rin naman yun, eh. Right?

It's just a woman's instinct, maybe?

Kaya hindi ko na binanggit ang nalaman ko kay Chris. Saka na lang kapag magaling na siya. Ayokong dagdagan pa ang mga isipin niya.

Mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin ni Chris habang maingat na inaalis ni Dr. Perez ang benda sa mga mata niya.

Hindi ako pumasok ngayon sa kompanya dahil ngayong araw aalisin ang benda ng mga mata ni Chris. Medyo puyat din ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ng mga pwedeng mangyari ngayong araw.

"I'm afraid." mababanaag sa boses nito ang kaba.

"Ssshh.. Don't be. I'm here. Magiging maayos ang lahat." console ko rito. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya at ang paglamig ng mga palad niya.

Narito rin sila Kiana at Arlene sa gilid at naghihintay sa magiging resulta.

Halatang kinakabahan din si Kiana para sa kuya nito bagama't panay ang tipa nito sa kanyang phone. Siguro sina mommy at daddy ang katext nito.

Si Arlene naman ay di magkandaugaga sa pagdarasal nito habang may hawak na rosaryo. Mas mukha pa nga siyang asawa ni Chris kaysa sa akin dahil sa itsura nito ngayon.

At nang tuluyan ng naalis ni Dr. Perez ang benda sa mga mata ni Chris ay maang napatitig kami lahat sa kanya.

"Okay... Dahan-dahan mong buksan ang mga mata mo. Take it slowly." utos dito ng doktor.

Nahigit ko ang aking hininga ng unti-unti itong magmulat ng mga mata.

"May nakikita ka na ba, hon?" nag-aalalang tanong ko rito.

"Can you see us now, kuya?" sabad naman ni Kiana na lumapit na sa harapan niya.

Kumurap kurap si Chris na tila ba nasisilaw ng liwanag. Mabilis ang pagtahip ng puso ko. Sana naman makakita na siya. Please, God.

Itinapat ni Dr. Perez ang kamay nito sa mukha ni chris.

"Naaaninag mo na ba ang kamay ko?" tanong nito.

"O—Opo, Dok, pero malabo. Sobrang labo." aniya matapos itong tumitig ng matagal sa kamay ng doktor.

Tumango tango si Dr. Perez. "It's normal, hayaan mo lang mag-adjust muna ang mga mata mo. Don't force it." payo ng doktor.

Naririnig ko ang mga malalalim na paghinga ni Chris. Alam kong tensyonado siya pero atleast nakakaaninag na siya, diba?

"Nakakakita na ba si Cj, Dok?" tanong ni Arlene.

"It's a good sign na nakakaaninag na siya. Ibig sabihin, malaki ang tsansang makakakita pa siya. Basta't hayaan niya lang munang mag-adjust ang mga mata niya sa liwanag and please don't let him to force it. His clear sight will come back naturally in time." komento nito.

"But what if it takes too long for his clear sight to come back?! Would that means that he still need to go to states for his further examinations?" tanong ulit ni Kiana.

"We'll going to observe it first. Kapag hindi pa rin lumilinaw ang paningin nito sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan, then... that's the last option will going to do." anang doktor.

"Okay, dok. So ibig sabihin po ba no'n kailangan pa rin ako bilang private nurse ni Cj?" tanong ni Arlene. Mababakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Ah yes, of course Ms. Arlene. You'll still need to assist and take good care of him. Ibibigay ko sa'yo mamaya ang mga bagong gamot niya na kailangan pa rin niyang i-take everyday." sagot rito ng doktor. Tumango naman si Arlene at nakahinga na ito ng maluwag.

May iba pa silang tinanong sa doktor pero hindi ko na iyon naintindihan pa. Napahawak ako sa pisngi ni Chris.

I miss his eyes. Those eyes that could melt every woman's heart just by looking at it.

"Malabo pa rin ba talaga?" tanong ko rito. Tumango lang ito. Mukhang malalim ang iniisip nito.

"Atleast, may good sign na tayo. We just need to pray para mabalik na sa dating kalagayan ang mga mata mo. Malalagpasan din natin 'to. Hmm?" I assured him.

Ngumiti ito ng tipid. "As long as ipapangako mo sa aking mananatili ka sa tabi ko habang hinaharap natin ang mga problema. Kakayanin ko."

"For better or for worse, in sickness and in health... I'll stay by your side forever. That's my promise." I murmured before I kiss his lips.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon