Chapter 114: When Jealousy Strikes

416 3 0
                                    

Mark's POV

Hay. Ang hirap naman maparusahan. >.<"

Kung bakit kasi ginawa ko pa yun e? Dapat hindi ko nalang nakita si Lea para hindi ako natuksong gumawa ng kalokohan. Ewan.

Yan tuloy. Imbes na kumakain ako kasama ng mga kaibigan ko.. Nandito ako ngayon at nagtitinda ng tubig, softdrinks, shake at juice.

Nasaan na ba si Ashleen? Katagal naman! Dami dami na bumibili e.

Nang dumating siya kasama si Allen.

Ok.

"Sorry. Late ako.." Sabi ni Ashleen.
Nag ayos na siya at binuksan na niya yung kabilang bintana para makapagbenta na rin.

"Tutulungan ko lang si Ashleen.. Kaya ako sumama.."

"Ge.." Mahina kong sagot.

"Mark.. Paabot naman ng isang chuckie sa ref.." Utos ni Madam.

Malapit kasi sa akin yung refrigerator eh. Eh gumagawa ako ng shake.

"Allen. Isang chuckie naman.." Pasa ko kay Allen.

E wala naman siyang ginagawa eh. Tutulong  daw? Nakatayo lang naman sa likod namin.

Nakatunganga.

Nakita kong inabot niya yung chuckie kay Ashleen tapos tumulong na rin siya sa pagbenta.

Ok. Edi sila na.

------------

Pagkatapos namin sa trabaho.. Tinanggal ko na agad yung apron ko. Pawis na pawis na naman ako. Ang init naman kasi talaga..

Nang may biglang kumalabit sa likod ko..

"Di mo ko tinext kagabi ah? Nakailang missed calls ako."

"Pagod e." sabay sabit ko ng apron sa sabitan.

"Yun ba talaga?"

"Oo.."

"O dahil kausap mo siya?"

Okay. Wendy na naman.

"Hindi kami nagkausap kagabi. Hindi siya tumawag e."

"Bakit siya ang tumatawag?"

"Tatawagan ko mamaya kapag di pa siya tumawag."

Tumango siya at isinabit niya na rin yung apron sa sabitan.

"Una na ako, Ash.."

"Mark.."

"Uhm?"

"Bakit parang may problema sa ating dalawa?"

"Huh?"

Napatigil siya saglit saka umiling iling..

"Wala. Nevermind." Sagot niya sa akin.

Tumango ako saka ako lumabas ng canteen.

-----------------

FRIDAY.

Ashleen's POV

Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin nakakausap ng matino si Mark.

Natatakot kasi ako sa mga pwede niyang sabihin sa akin.

Baka bigla niyang sabihing ayaw na niyaaaa.  Maayos naman kasi noon. Kung bakit ba kasi..sumugod sugod ako. Siguro, naturn off yun sa akin o baka talagang...

EWAN.

Sabi ko na nga ba.. Mali e.

Kasi nakakainis naman kasi. :(

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon