New Microsoft Word Document

2.1K 2 0
                                    

Johnray at JR

Part 1

Mainit ang araw na ito. Pangalawang buwan na kasi ng bakasyon. Mula sa pagtatapos ng pasukan nito lamang Marso ay nakaugalian na ng tropa ni Johray ang tumambay sa computer shop kung saan nagtratrabaho ang nakatatandang kapatid ng barkada nilang si Bennet. Siya ay si kuya Carlo. Madalas siya nakikipaglaro sa mga laban ng tropa sa DOTA. Nakaugalian na nilang makipagbiro sa kanya na parang kaedad lang nila. Masayang kasama ng barkada si Carlo at naging malapit sila dito. Masaya ring kasama ang matalik na kaibigan ni Carlo na si Reese ngunit nagtratrabaho na siya sa Maynila na dati ring kalaro ng barkada sa DOTA.

Sa pagtatapos ng buwan ng Abril ay nakahanap na si Carlo ng bagong trabaho sa Maynila. Kaya ang magkaibigang Carlo at Reese ay tuluyan nang nilisan ang computer shop kumg saan sila minsang nagtrabaho. Kaya ganon na lang ang lungkot ng barkada. Mula noon ay hindi na masyadong pumupunta ang tropa sa shop. Ngunit dahil ang shop ay malapit lamang sa bahay nila Johnray ay madalas pa rin itong pumupunta sa shop kahit wala ang mga kaibigan. Nalaman niyang may pumalit na kay Carlo. Ito ay si JR na mahilig rin sa mga computer games na gaya niya. Kaya kung walang masyadong ginagawa si JR ay naglalaban sila ni Johray.

Mag fofourth year high school na sa darating na pasukan si Johray at tapos naman ng Computer Science si JR. Sa kabila nito ay naging matalik silang magkaibigan. Sinusukat nila kung sino ang mas magaling sa kanila sa bawat game na nilalaro nila.. Hanggang ngayon ay di pa rin pinapalad na magkaroon ng girl friend itong si Johnray kaya marami siyang oras sa paglalaro ng computer games. Halos arawaraw siyang pumupunta sa computer shop kung saan nagtratrabaho ang bagong kaibigan nitong si JR. Kung minsan kasama ni Johnray si Paeng o di kaya'y si Bennet at naglalaban sila sa DOTA at kung minsan ay sumasali si JR sa kanila. Naging mas malapit pa si Johnray at JR sa isa'tisa nang nagkuwentuhan sila tungkol sa buhay nila at nalaman nilang pareho silang hindi pa nagkakagirlfriend kaya marami silang oras sa paglalaro ng computer games.

Di naglaon ay hiningi nila sa isa'tisa ang kanilang mga cellphone number para makapagkuwentuhan sila kahit magkalayo sila. Palagi nilang pinakukuwentuhan kung ano ang tipo nilang babae. Pareho sila ng sitwasyon na kahit may gusto silang babae ay natotorpehan sila at nahihiyang manligaw. Kaya kahit nakatapos na si JR ay wala pa ring kasintahan ito at kahit ganap na binata na si Johnray ay di pa rin nakakakuha ng lakas na loob para manligaw sa crush. Mula noon ay naging mas malapit pa sila kaysa noon. At parati na rin silang magkasama. Magaan ang loob nila sa isa'tisa. Hirit pa ng isa na kung tapos na ang bakasyon at wala pa rin silang girlfriend ay silang dalawa na lang ang magkakatuluyan. Sa isip nila ay imposibleng mangyari ito ngunit naisip nga nilang maaari nga na dito hahantong ang lahat sa kabila ng kabiguhan nila sa pagibig. May isang pagkakataon na nagkatitigan sila at tila ba hindi nila maalis ang kanilang mga mata sa pagkakatitig sa bawat mukha nila. Saka na lang nila namalayan na namumula na pala ang mga pisngi nila at doon lang nila tinanggal ang pagkakatitig nila dahil sa naramdamang hiya sa bawat isa. P a n t a s y a .com - Pinoy sex stories collection.

Talagang nagkakaigihan na ang dalawa na dulot na rin ng pagkauhaw nila sa pagibig. Untiunti nilang natutuklasan ang kakaibang damdamin nila sa isa't isa at parang di buo ang araw nila kung di makikita ang bawat isa. Isang araw habang naglalaro si Johnray sa shop ay nalaman niyang hindi na pala magtratrabaho si JR dito at may pumalit na dito. Siya ay si Chris. Laking tuwa naman ni Johnray na nalamang pinsan pala nito si JR at palagi pa rin itong pupunta sa shop dahil sa hilig nito sa computer games. Dahil di na nagtratrabaho dito si JR ay mas marami na silang oras para maglaro, maglaban at magkuwentuhan.

Isang hapon nagpatulong si Johnray kay JR dahil hindi nito mahanap ang kailangan niya para tapusin ang kanyang misyon. Handa namang tumulong ang isa. Hahawak sana ito sa mouse ngunit nakahawak ang kamay ni Johnray dito. Ngunit itinuloy pa rin niya ang paghawak dito at ang labas tuloy ay parang nag holding hands sila ng patago. Hindi makita ni JR ang nakasulat sa monitor kaya inilapit niya ang mukha na tila hahalikan niya ang isa sa pisngi. At isa pa ay mukhang niyakap ni JR si Johnray mula sa likod nang magtype ito sa keyboard at pabiro pa nito na ang bango ng kanyang kaibigan at tila nahuhulog na ang loob nito sa kanya. Hamon naman ng isa na kung totoo nga ang sinasabi nito ay halikan siya nito. Sa di inaasahan ay di nakapagpigil si JR at lalong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kamay ni Johnray na nakahawak sa mouse at niyakap ng mahigpit mula sa likod. Inilapit pa niya ang kanyang mukha sa mukha ng isa. Nilingon naman ng isa ito at nagulat dahil malapit nang magkadikit ang mga labi nila. Namula silang pareho ngunit patuloy nilang ipinaglalapit ang mga labi nilang uhaw sa halik. Masaya silang natikman ang tamis ng unang halik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2009 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

New Microsoft Word DocumentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon