First and Last (One Shot Story)

169 7 1
                                    

1st one shot story ko po ito. Masyado lang akong na-inspired sa story na 'to kaya ko po naisulat.

Hope you'll like it! :)

Dedicated to walangmagawa1210. Love her story, Finding Mr. Wrong :)

=============

(at the school canteen)

Naglalakad papunta sa table.

"Best, bakit ganun? Pinagtitinginan na naman tayo." tanong ko kay May, my bestfriend.

Hindi siya sumagot.

"Ah eh? Yooooohoooo!! Best! Bakit sila nakatigin?"

"Adik lang? Kailangan pa bang everyday sabihin ang dahilan?"

Umupo na kami. At dun pinagpatuloy ang usapan.

"UNA, maganda ka, PANGALAWA talented at sporty, PANGATLO matalino ka, at PANGAPAT mabait. In short, you're Ms. Perfect. CRUSH KA NG LAHAT! Gets?"

Nanahimik nalang ako. Oo, halos lahat yun nga ang tingin sakin. And I'm really hating it. The attention.. Admiration.. And so on and so forth.

Gusto ko ng tahimik na buhay. Really. Lagi akong binabash ng mga babaeng fangirls ng mga lalaking nagtatangkang manligaw sakin. Eh kasalanan ko bang magkagusto sila sakin?!

Hayyy..

Pagdating namin sa room..

"Hi Zyrene. I'm Renz. Can we be friends?"

"Uhm sure." Sabay ngiti.

Everyday ganyan ang tema. May lalapit sakin tas makikipag close tas bigla magtatanong kung pwede manligaw.

Nakakasawa na! Sira ba mga mata ng mga 'to o nakatrip lang?

Ansabe naman ng itsura ko sa mga muse ng school. Grabe anlayo!

Ewan ko din sa mga taong 'to kung bakit ako ang nagustuhan.

Pero syempre hindi ko sila hinahayaan na manligaw lalo na pag hindi ko sila gusto.

Yun lang ang alam kong way para hindi na sila masaktan.

Yun ay kung seryoso sila talaga na gusto nila ako.

"Girl bakit ba hindi mo paligawin yung mga gwapong gustong manligaw sayo? Wala ka paring boyfriend hanggang ngayon!"

"Alam mo naman dahilan diba?"

Araw-araw ganyan ang tinatanong niya.

Kesyo bakit daw hindi pa ko mag-bf.. Itry ko naman daw minsan.. At bla bla bla..

lagi din naman yun yung sagot ko.

May hinihintay ako.

Oo tama kayo, NBSB ako. No Boyfriend Since Birth. Kahit maraming gustong manligaw sakin, hindi ko sila pinapaasa. May hinihintay kasi ako.

At di ko alam, kung may mahihintay pa ko.

======

Days passed.. Araw-araw ganon ang scenario. Yung hinihiling at gusto kong mangyari, hindi parin matupad.

Itigil ko na kaya 'tong paghihintay sakanya?

Can I give other boys out there a chance? Kase, feeling ko... Wala na kong mahihintay..

============

Nakita ko siya sa pathway.. Naglalakad..

Grabe ang sarap niyang titigan.. Nakakainlove! Kung nakakatunaw lang talaga ang tingin.. Nako! Lusaw na talaga siya.

First and Last (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon