The Finale

7K 201 18
                                    

HOW COULD AN ANGEL BE A MISTRESS?
by:Yeshameen Brejente



"The Finale"

PUMASOK sina Brianna at William sa silid kung saan naroroon si Angel.Magkahawak ang kanilang mga kamay.

"Angelica.." mahinahong tawag ni Brianna. Nakangiti ito.

"B-bakit?" kabadong tanong ni Angel. At mas nagulat pa siya nang mapansin si Brianna na umupo sa tabi niya sa gilid ng kama.

"Saan ka ba nakatira? Nagkasundo na kami ni William na ihatid ka na sa pamilya mo."

"William, salamat at iniligtas mo ang aking buhay.Pero ang di ko maunawaan ay kung bakit naroon ka rin ng mga oras na 'yon.Kung ano nga ba ang iyong ginagawa sa lugar na 'yon."Sabi ni Angel na di pinansin si Brianna.Napatingin naman si Brianna kay William. She's wondering.

"Angel, bago ko pa nalaman na legal ang kasal niyo ni Russell ay may ginawa na rin ako noon upang hadlangan na maging mag-asawa sila ni Dianne.Pinapalitan ko ang Judge na magkakasal sana sa kanila.Yun pala kahit totoong Judge man ang nagkasal sa kanila ay wala na ring bisa dahil legal na ang sa inyo ni Russell."Sabi ni William."May nakuha akong photocopy ng marriage certificate niyo ni Russell nang minsang puntahan ko si Dianne sa office niya. And by that time, nagka-interest na akong makita ka at makilala.Na hilingin ko saiyo na lumayo na kayo ni Russell.Para magka-chance naman akong mapalapit kay Dianne. Pina-imbestigahan kita at napag-alaman ko ang address mo.I've been in the resort, pero nasabi sa akin ni Magdalena na nasa clinic kayo.So I rushed to there.Saktong pinasabog ni Maximillian ang puno sa labas ng clinic.Puntahan sana kita doon sa clinic upang warningan kayo ni Russell.Pero huli na ako.Nasa labas na kayo ni Russell.Kung paano ako nakalapit sa iyo upang iligtas ka ay para bang milagro na lang.Maswerte ka pa rin dahil nabuhay ka pa at naroon pa ako para iligtas ka." Sabi ni William. Tumango naman si Angel.Ngayon nga ay naliwanagan na siya.

"Akala ko ba di mo ako hahayaang maging masaya sa piling ni Russell dahil nakakulong na si Dianne."

"Akala ko dati mahal ko pa rin si Dianne sa kabila ng lahat.Yun pala ay iniibig ko na si Brianna nang palihim.There were times that I've realized that I'm in love with Brianna.Pero habang iniisip ko siguro na di ko siya dapat mahalin dahil sa tinrato na ako ng Papa niya nang higit pa sa isang tunay na anak ay di ko na maaming may nararamdaman ako para sa kanya.But when she kissed me a while ago, doon ko napagtanto na wala na pala akong feelings para kay Dianne.Na si Brianna na ang mahal ko.I don't say it just because she's here right now.But that's the truth." Sabi ni William at nilapitan si Brianna saka hinagkan.Napangiti naman si Angel. She knew that a lot of nice things may happen any moment now.Lalo na sa pagitan nina Brianna at Magdalena.

Naalarma si William nang marinig ang wang-wang ng mga Pulis sa labas.But Brianna holds his hand.

"Wala kang dapat na ikatakot, William.I'll be by your side." Ani Brianna. Tumayo naman si Angel. She just can't wait to see Russell again.Mabilis nang naglakad palabas si Angel.

At sa kanyang paglabas ay una niyang nakita ang luhaang si Travis.

"Angel.." tawag nito, bigla namang natigilan si Angel. Paano nga kaya at narito na ito ngayon? Ngayon ay naisip niya kung nag-alala rin ba ito sa kanya buhat nang mawala siya."Angelica, hija.."

"Dad?" she says in a soft voice.She's looking for Russell.But, why her father? "You're here? "
Nang makalapit si Travis ay agad niyang niyakap si Angel nang mahigpit.Emosyonal.Kaya maging si Angel ay napaluha na rin.

"Patawarin mo 'ko anak.Patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko.I know that I've no right to be here now.Pero sana tanggapin mo rin na isa lamang akong ama na labis na nag-aalala.I was so sad when I heard you dead.Gusto nang maniwala ng utak ko na wala ka na, but my heart says that I should do something to look for you.Na buhay ka pa." Sabi ni Travis habang hagod sa likod si Angel.

How Could An Angel Be a Mistress?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon