Paulo's PoV
Dumaan na ang Sabado't Linggo, wala pa ring nakakaalam kung nasaan ang dalawa naming kaklase. Si Faith at Aira. Nasaan na ba sila? At sa Sabado't Linggo na yun. Iniisa-isa ba kami o isa lamang itong coincidence? Masyadong obvious pag isa lamang itong 'so called coincidence'
Pumasok na ako sa paaralan para mag-aral, ayan na lang ang natatanging gagawin namin. Mag-aral ng mag-aral. Kalimutan ang lahat ng nangyari ngayong Linggo. Sa isang linggo, mahirap kalimutan na namatay ang apat naming kaklase. Apat na walang alam sa nangyayari. Huwag magpapadaig sa media, walang kakalat na balita tungkol sa amin. At lalo nang wag magsasabi sa mga pulis. Ayan ang sinabi ni Principal Nathan Blackwell. Ipagpatuloy ang buhay dahil siya na ang may hawak ng buhay namin. Wala na kaming magagawa.
Oktobre labing-pito na kung saan may mga nakakagulat na pangyayari ang hindi namin inasahan.
Faith's PoV
"Nex. Isa sa mga nabuong grupo sa Amity, na nasa ilalim ng Principal, ang mga araw na maayos pa kasama ang Principal, mabait at matulungin . Sikreto ang grupo nila. Maganda pa ang hangarin ng Nex. Magpasaya sa mga estudyante tuwing kaarawan nila. Magsusuot sila ng mga maskara at sosorpresahin ang estudyante sa room nila."
"Nagbago ang lahat ng pakiusapan kami ng Principal na dugain ang National Exam. Hindi kami pumayag lahat. Kaya nagalit siya. Unang beses lang namin na makita siyang ganun. Hindi na namin uulitin pa na magalit siya. He's not the one worth fighting for."
"Dumaan ang National Exam. Dinuga nga namin. Hindi namin magawang pigilan siya sa gusto niya. Pero sa di inaasahang pangyayari ay may nakahuli saming guro. Tinakot niya kaming magsusumbong daw siya sa nakatataas sa lahat ng eskwelahan at i-eexpelled kaming lahat. Natakot kami kaya sinabi naming inutusan lang kami ng Principal, hindi siya nagbigay ng pake imbes ay isusumbong niya na rin ang Principal. Sa galit ay inutusan ng Principal ang Nex na patayin ang guro. Hindi nagkasundo ang lahat. Nagkaroon ng kaguluhan at nagkawatak-watak ang lahat.
"Kinidnap ng Nex ang guro at itinulak sa bangin. Dahil sa hindi pagkakasundo ng Amity ay nagawang magsumbong nina Felix at Max sa pulis sa mga pananakot ng Principal at mga utos nito. Dahil sa nalamang balita ng Principal ay inutusan niyang papatayin silang dalawa. Kahit ang anak niyang si Maxine. Hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kung nasaan si Maxine pero ang alam ng lahat ay patay na si Felix."
"F*cking shit. I knew it, Principal Nathan and his dirty games." sabi niya.
"Sino ang mga kasali sa Nex?" tanong niya.
"No-no one knows." sagot ko. Tumingin siya sakin at lumapit sakin. "What did you say?"
"No one still knows what is their identity. Nex is now forbidden, it's not active anymore. But for what I know is they're 7 members and a leader." sagot ko.
"Bakit mo natanong lahat ng ito?" tanong ko.
"It's none of your business." sabi niya. Kinuha niya ang cellphone niya at kinuhanan ako ng litrato. "Let's continue."
Dalawang araw niya akong tinorture. Dalawang araw na puro sakit at luha. Hindi ko kinaya ang pinaggagawa niya sakin. Bawat paghihirap na ginagawa niya ay kinukuhanan niya ng litrato.
Ano bang binabalak niya? Ikakalat niya ba ang mga pictures ko sa internet? Sino ba siya? Anong kaugnayan niya sa amin? Kay Felix?
Charles's PoV
7:35 a.m. October 17, 2016. Monday

BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Misteri / ThrillerThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...