Siya

85 2 1
                                    

To the girls who fell in love with someone who's in love with someone else, someone who can never be theirs, this one's for you.

Napakadaming tao, pero siya lang ang nakikita mo.

-

Siya

Siya yung nagustuhan mo, 'diba? Yung kaklase mong tahimik, yung kaklase mong 'di mo inaasahang magugustuhan mo. Yung appeal niya na hindi masyadong napapansin, pero 'pag nasa spotlight, ang lakas ng dating. 'Di mo siya napapansin noon. Bakit nga ba? Kasi tahimik lang siya sa tabi? Kasi 'di siya masyadong nakikihalubiho sa iba? Siguro oo, kaya 'di mo siya namalayan noong una. Pero ano ba ang nagbago? Parang sa isang iglap, natauhan ka bigla na, uy nandyan pala siya. Unti-unti mong nararamdaman ang presensya na. Higit tatlong taon na kayong magkaklase, ngunit ngayon mo lang siya napansin. At 'di mo namalayan, nagkagusto ka na pala sa kanya.

Siya

Siya yung nagustuhan mo 'di dahil gwapo siya kundi nagustuhan mo yung ugali niya, 'diba? Yung pagiging tahimik niya. Yung boses niya, yung tawa niya, yung ngiti niya, lalong lalo na yung mata niya. Isang taon mong minahal, 'diba? Isang buong taon mo siyang sinulyapan, pinangarap, at minahal sa malayo. Isang taon mong hiniling na sana, kahit sa maliit na paraan, mapansin ka niya. Pero hindi. Hindi posible, 'diba? Kaya 'di mo na pinansin ang nararamdaman mo. Tinago mo na lang ito. Tinuon mo na lang ang pansin sa iba.

Siya

Siya yung taong nagbibigay sa'yo ng ibang pakiramdam, 'diba? Yung pakiramdam na kahit nakaupo lang siya sa tabi mo, tulala, nagsusulat, natutulog, o may ibang kausap, hindi mo pa rin maintindihan ang sarili mo. Hindi mo maalam-alam kung ano ang nararamdaman mo, kung ano ang dapat mong gawin. Yung tipong gusto mo siyang kausapin pero ayaw mong magmukhang tanga. Natutuliro ka kapag nandiyan siya, e. Wala ka sa sarili mo.

Siya

Siya yung taong gusto mo, 'diba? Pero hindi mo inintindi ang nararamdan mo. Bakit? Kasi alam mong walang pag-asa. Kaya tinago mo ang nararamdaman mo. Kinumbinsi mo ang sarili mo na lilipas din 'to. Summer na kasi, e. Kaya naging kumpiyansa ka na mawawala yang feelings mo sa kaniya. Infatuation lang, 'diba?

Siya

Siya yung muntik mo nang naging seatmate, 'diba? Kasi biglang nagbago ang seating arrangement. Natameme ka pa nun, e. Di mo alam ang gagawin mo. Pero parang reflex action lang, sinabi mo sa kaniya na magpalit sila ng upuan sa taong nasa harap niya. At ayun, nakipagpalit siya. Okay lang sa kaniya. Ang tanga mo, 'diba? Pagkakataon mo na yun. Pero wala. Sinayang mo. Sinayang mo ang pagkakataon na maging close kayo. Bakit sinayang mo? Bakit nga ba? Kasi ayaw mong malaman niya na may gusto ka sa kanya. Kasi tuwing nandiyan siya, nagiging transparent ka.

Siya

Siya yung naging dahilan kung bakit nagsulat ka ng diary, 'diba? Bakit? Kasi bumalik ang nararamdaman mo sa kanya. Ay hindi. Hindi bumalik. Hindi rin naman kasi nawala. Nakalimutan mo lang, kasi dalawang buwan din kayong di nagkita. Di mo inasahan yun, 'diba? Akala mo kasi na mawawala din yung feelings mo sa kaniya. Infatuation nga, 'diba? Pero takte. Takteng infatuation 'yan. Infatuation na naging dahilan kung bakit ka nababaliw, kasi hindi mo masabi-sabi sa iba yung nararamdaman mo. Kaya nagsulat ka. Gumaan ba pakiramdam mo? Oo. Konti. Pero iba parin ang pakiramdam na tao ang pagsasabihan mo sa nararamdaman mo, hindi papel. Yung pakiramdam na nasabi mo kay Sophie lahat-lahat, yung matalik mong kaibigan.

Siya

Siya yung unti-unti mong naging close, 'diba? Kasi halos lahat ng activities na naiinvolve ka, kasama mo siya. Naaalala mo pa ba nung may presentation kayo? Tapos may ideya ka para sa sayaw nila? Kaya tumulong ka. Tinulungan mo sila ng babaeng gusto niya. Bakit alam mo? Kasi nararamdaman mo. Kung paano siya tumingin sa kanya, kakaiba 'diba? Alam mo na meron talaga. Pero nanahimik ka lang. Hindi dahil ayaw mong pangunahan siya, kundi dahil nasasaktan ka, 'diba? Masokista ka talaga. Tinulak mo pa sila sa isa't-isa. Ang tanga mo. Kasama ka nung napagtripan ninyong magkaaminan ng crush, 'diba? Gusto mo talagang makaalam kung sino talaga, kahit alam mo na. Masokista ka talaga. Alam mo na nga, aalamin mo pa? Pero naiintindihan kita. Gusto mong marinig mismo sa kaniya, 'diba? Gusto mong malaman hindi dahil gusto mong makialam, kundi dahil gusto mong makaalam nang kahit ganon kaliit sa kanya, na alam mong ikaw lang ang nakakaalam. Unfortunately, 'di niya sinabi. Kasi kasama din niyo yung babae e. Hindi niya nasabi. Kaya ayun, nakompirma mo na. Tanga mo talaga. Ayan tuloy, nasaktan ka.

Siya [One-shot]Where stories live. Discover now