Chapter 2: Crush...Ano daw???

167 6 0
                                    

MONNAH's POV:


"Princess, nasa baba  si Lorenz. Hinahanap ka " tawag ni yaya Minda sa'kin. Nasa kwarto kasi ako at naglalaro ng computer games.


"Sige po. Bababa na po ako." agad kong ini-off ang computer at nagmamadaling lumabas sa kwarto ko. Nasa hagdanan palang ako ay kitang-kita ko na ang nakangiting mukha ni Lorenz.


"Ano na naman ang ginagawa mo rito?" nakataas ang kilay na sita ko sa kanya sabay pameywang.


"Bakit? Masama bang dalawin ang masungit kong bestfriend?" nakangiting sagot naman nya.


"Sus! Alam ko naman ang ipinunta mo dito, eh. Makikain ka na naman."


"Grabe ka naman, Monnah. Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?"


"Bakit? Hindi ba?" nakangiting sagot ko kaya tumawa na rin sya.


"Oh? Anong nakakatawa?"


"Nagkamali ka kasi. Tapos na akong kumain kaya hindi na ako makikikain dito."


"Sus! Nagpapalusot ka pa. So, what are you doing here? Karirito mo lang kahapon tapos nandito ka na naman ngayon?"


"Eh, nabo-bored na kasi ako sa bahay."


"Wala ka bang date ngayon?" tanong ko sabay upo sa sofa na nasa harapan nya. Milagro yata. Wala itong date ngayon. Lagi nalang kasing may nakasabit na chicks sa kotse nya.


"Wala. Wala pa kasi akong nakilalang bagong girl. Kaya ikaw na muna ang date ko ngayon." nakangiting sagot nito.


Agad akong napatingin asa mukha nya.


Date??? Date ba kamo???


"Oh, what's wrong with you? Ba't ganyan ka kung makatingin sa'kin?"


"Asa ka naman! Ako makipag-date sayo? Hindi pa sira itong utak ko 'no. Eww! "


Biglang syang tumawa sabay pisil sa ilong ko.


"Aray naman!" inisa na reklamo ko.


"Nakakatawa ka kasi. May pa-eww-eww ka pa. All I know, gusto mo rin naman akong makasama, diba?"


"Yuck! Tinitiis lang naman kita."


"Hahaha... Anyway, I'm here because I want to talk to you about the girl I met in the park last week. "


Bigla akong napasimangot. Si Diseree? Na naman?


>___<


"What do you want to know about her? Sorry ha. Wala akong alam sa buhay nya at wala rin akong balak alamin ang buhay nya."

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon