I Need You Now...

33 0 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya ba talaga itong tao na nasa harapan ko? Ilang beses kong kinurot yung braso ko para lang alamin kung nananaginip lang ba ako o hindi... pero nung maramdaman ko yung kirit mula sa pagkakakurot ko sa sarili ko ay doon ko lang napatunayan na totoo pala ang lahat.

He smiled at me and grab my hands. My heart starts pumping triple time. Suddenly I don't know what to do nor to say to him...

Ilang beses nang nangyayari sa akin ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay...

Sa tuwing lalapit ito sa akin. Sa tuwing hahawakan ako nito ay hindi ko maiwasang mapakali.

Ilang beses ko na ring tinatanong ang sarili ko kung ano ba talaga itong nararamdaman ko, pero sa huli ay wala rin naman akong naisasagot dito...

Tinitigan ko ito. Isa-isang sinuri ang bawat parte ng mukha nito. Simula sa magagandang mata nito na hindi na natatakpan ng makakapal na eye glasses, sa ilong nito na dati pang matangos, at sa labi nito na hindi naman ganoon kapula pero tila kay sarap namang halikan. Hindi ko maiwasang mapangiti dito.

Ano kaya ang naisipan nito at binago nito ang anyo nito? Akala ko ba kuntento na ito sa pagiging nerd na kagaya ko?

Parehas kasi kaming nerd ni Prince, trip naming magbabad sa library at mangolekta ng mga libro. Mag-bestfriend kaming dalawa at siya lang ang kaibigan na meron ako sapagkat wala namang gustong makipag-kaibigan sa amin kaya kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan at nagkakampihan sa tuwing may nangyayaring hindi maganda.

"Sa tingin mo Chloe magugustuhan na ako ni Vanessa kung makikita niya itong itsura ko ngayon?" pakiramdam ko may kung anong nabasag nung tanungin ako ni Prince nun. Si Vanessa na naman!

Ewan ko ba simula nung makita ko yung babaeng iyon ay hindi ko maiwasang kumulo yung dugo ko. Mukha kasi siyang maarte at malande, at ang isa pang kinaiinis ko ay yung pagkakaroon ng crush dito ni Prince!

Transferee itong si Vanessa sa school namin at halos lahat ata ng lalaki dito sa school namin ay may gusto sa kanya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ito lumipat sa school namin wala naman akong pakialam sa kanya, hindi naman ako mabubusog kung sakali mang malaman ko yung dahilan.

Walang ibang ginawa itong si Prince kundi kung gaano kaganda si Vanessa, na kung gaano ito kasaya dahil nacheckan nito ang papel ni Vanessa. Nung isang beses nga ay halos maglupasay ito sa sahig dahil lang sa nginitian lang itong nung babae!

Napalis ang ngiti ko sa labi at tinaasan ko ito ng kilay.

"Pumunta ka lang dito sa bahay ko para lang itanong yan?!" medyo tumaas yung boses ko. Parehas kaming nagulat dun sa inasal ko. Kahit kailan hindi ko pa ito natataasan ng boses kahit na sobra-sobra na ang galit ko dito. Pero ngayon... "S-sorry..."

"I-it's okay Chloe... b-baka pagod ka lang kaya-

"P-prince..." kinakabahan ako kasi baka nagalit ito sa ginawa ko.

Tumayo na ito at akmang aalis na nung pigilan ko yung braso nito.

"Galit ka ba?" tanong ko dito.

"No Chloe... kahit kailan ay hindi ko magagawang magalit sayo..." ngumiti ito sa akin at pinisil ang magkabilang pisngi ko. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.

"O, sige best alis na ako"

"Ha? Bakit? Kadarating mo lang, di ba?"

"Kailangan e... may appointment pa ako kay Doc. Oliver tatanggalin na kasi itong braces ko..." sabay turo sa ngipin nito na may braces pa. Bigla kong naisip ano kaya ang itsura nito kapag wala na itong bakal sa ngipin?

"'geh alis na ako!" kumaway ito sa akin at ganun din ako dito.

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising... kung sa bagay halos araw-araw naman ay maaga akong nagigising pero sa araw na ito iba ang pakiramdam ko... parang may kakaibang mangyayari...

Matapos kong asikasuhin ang sarili ay nagpadesisyunan kong umalis na ng bahay at tumambay sa playground. Napatingin ako sa kalangitan, sobrang aga pa talaga may konting stars pa sa kalangitan at mukhang nagsisimula pang sumikat ang araw. Nung marating ko yung playground ay agad akong pumunta sa swing at umupo doon.

Ang sarap pagmasdan ang araw habang unti-unti itong sumisikat. Nakikita ko yung kulay orange na sinag nito na humahalo sa kulay asul na kalangitan. Medyo nawawala na rin yung mga bituing nakita ko kanina. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Ano kaya kung nandito si Prince?

Hindi ko maiwasang mapalingon doon sa swing sa tabi ko. Tapos naimagine ko na nakaupo doon si Prince, nakatitig sa akin habang nakangiti.

Hindi ko maiwasang mapangiti nun.

Tapos may sinabi ito sa akin na halos ikayanig ng mundo ko.

Mahal na mahal kita Chloe... sabi nito

Did I hear it right? Did he just say he loves me?

"P-prince?"

If I can only make you mine... sabi na naman nito

I try to say something pero parang may nakabara sa lalamunan ko nung mga oras na yun. Lumunok ako para mawala iyon pero wala namang nangyari. Gusto kong himatayin nung mga oras na yun pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakakahiya baka kung ano pa ang isipin ni Prince kung sakali mang gawin ko iyon.

"P-prince..."

Ano ba yan wala ba akong alam na sabihin kundi Prince? Ibinuka ko ang bibig ko at akmang masasalita muli nung biglang may tumawag sa akin. Napalingon ako at may nakita ako na isang napakagwapong nilalang. Kumakaway ito sa akin na tila ba kilalang-kilala ko siya.

'Sino kaya ito?' tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko na lang pinansin ito at muling itinuon ang atensyon kay Prince ngunit wala na ito sa pwesto nito. Nagtaka ako dun. Lumingon ako sa paligid pero wala talaga ee... tapos bigla kong naalala na wala naman talaga si Prince kanina... ini-imagine ko lang pala siya...

Sayang akala ko totoo na...

Sayang akala ko pagkakataon ko na...

***

hahaha...

try ko lang toh ha...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Need You Now...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon