"Hi Arriane" *wave*
Nag nod ako sa schoolmate ko na bumati sakin. Pati sa ibang nakakasalubong ko na bumabati sakin, nagsmile din ako.
Lagi naman ata akong nakangiti eh haha. Dun ata ako maganda. Sa smile ko. Naks. Self proclaimed.
Pumunta ako sa bulletin board namin para tumingin kung anong section ako this year, kahit na hindi naman kailangan kasi alam ko na. Sinigurado ko lang na magkaklase kami ni crush. Woot woot!
Hindi naman sa pagmamayabang pero parang lahat ng gusto ko sa buhay naibibigay saakin ng mga parents ko. Kaya naman nung hiniling ko na maging magkaklase kami ni crush, eh pinagbigyan agad ako ni mudra. Hindi ako spoiled *pout* tatlo kaming magkakapatid na babae. Pangalawa ako. Kaya di ako yung spoiled. Hindi din yung bunso kong kapatid kundi si ate! Pero super close kami. Kaya masasabi kong sakanya ako spoiled at hindi sa parents namin.
Lab na lab ako nun eh. Nasa France sya ngayon. I miss my ate huhu.
Nung nakita at nasigurado ko ng magkaklase kami, kinilig muna ako at nagsimula ng maglakad papunta sa bago kong room.
Alam nyo ba kung bakit nasunod yung gusto ko? Sa family ko kasi ang school nato. Si tita Parris ang principal pero ang official owner talaga nito ay ang mommy ko. Ayaw nya lang maging principal dahil mapapaaga daw ang pagkalosyang nya.
Hindi nila alam na anak ako ng mayari ng school nato. Ako ang ayaw magpaalam kaya sinabi ko kay mom na wag ipaalam sa buong campus.
Ayoko kasing magkaroon ng mga kaclose at friends dahil lang dun. Gusto ko maranasan magkaron ng mga totoong kaibigan.
Kaya ngayon, meron akong mga real friends. Yey! \m/
"Yanyan!"
And there he is. Andreir Calvy my bff since birth. And yes, lalaki sya. Lalaki talaga, walang halong green blood. Lalaking lalaki. Haha.
Mag bestfriend din ang mga mommy namin. So nice right?
"Hi Rei! Namiss kita." sabi ko then hug him.
"Are you kidding? We see each other everyday kahit summer pa tapos namiss moko? Baliw ka talaga" sabi nya habang nakatawa."ikaw naman, masyado kang honest. Eh basta namiss talaga kita hehe" sabi ko.
"Alam mo na ba section mo?"-Rei
"ay oo! Omg Rei classmate ko sya" sabi ki habang kinikilig.
"malamang ikaw nanaman sumadya. Hindi lang sya ang kaklase mo. Pati kaya ako. Belat" sabi nya.
"yey! Classmates ulit tayo. Math buddies"
Tinawanan nya lang ako sabay gulo sa buhok ko.
"Hey! Ginulo mo ang buhok ko! Baka makita ako ng ganto ni crushyyy huhuhu" protesta ko
"ang cute mo talaga lil sis haha"
Yan nanaman sya. Lil sis ang tawag nya sakin kasi parang kapatid nya na raw ako. Tapos angliit ko daw kasi. Hmp! Matangkad lang sya no! Pang model kaya ang height ko 5'8 to! Para kasi syang manong
Pumasok na kami sa magiging room namin buong school year.
Dun kami sa bandang gitna naupo ni Rei dun nalang kasi yung walang nakaupo tyaka dun sa unahan. Ayoko naman sa unahan kasi nakakaduleng. Tyaka para di ako makita ng teacher namin pag dumaldal ako hehe. Maingay kasi ako.
Lumingon lingon ako para tignan kung nandito na ba si crush.
Wala pa sya. Nasan na kaya sya?

BINABASA MO ANG
My First Heartbreak
Teen FictionFebruary 14, 2012 This our first day together. So many kilig moments. Sweet words. At kinasal pa kami sa Marriage Booth. Maraming Promises na nabuo. Mga pangarap na pinangakong tutuparin. October 29, 2015 First day na hindi kami nagusap at nagk...