Hays. Monday na monday ngayon. May Valentine's day party DAW. Kaya andito ako ngayon sa school. Hindi ko mahagilap sila Sialee at Carlo. Naghahanap ata ng pagbibigyan nila nung heart na pinagawa samin. Yung sakin kasi nasa bulsa ko lang. Dun lang siya. Kanina kasi naisipan ko na isulat yung pangalan ni Kuya Golf sa heart. Diko naman ibibigay eh kaya okay lang. Humigop na ako nung yogurt drink na binili ko sa canteen ng may nahiyaw akong narinig.
"WAAAAAAAAAH! JULIAAAAAAAAAA, Inaya akong maging bestfriend ni Kevin." Nagtititiling sigaw ni Sialee kahit nasa labas pa siya ng room. Ayaw kasi siyang pagbuksan ng pintuan ng mga may hogeng naming kaklase. Ako na mismo tumayo at binuksan yung pinto. Kahit tamad na tamad ako. Abot hanggang langit naman yung ngiti niya. Sarap sipain. Djoke lang. ♥ Hinatak niya ako papalabas ng room at dinala sa malapit na mini terrace ng 4th floor ng school namin. Nagsimula na siyang magkwento hanggang sa kay Kevin niya daw binigay yung heart na ginawa niya. Diko na siya naiintindihan pero tuloy tuloy pa din siya sa pagsalita ng dumating naman papalapit samin si Carlo. Bitbit yung heart na ginawa niya.
"HOY! Valentines palang. Hindi Undas. Bat ba ganyang itsura mo?" Tanong ni Sialee sakanya. Oo nga naman. Bat ba. Tumingin naman siya saamin na akala mo iniwan ng magulang sa loob ng kubeta.
"Walang may gustong tumanggap eh." Sabi niya habang kinakaway kaway yung heart niya. Buti nga. Hehe. Nagtawanan kami ni Sialee dahil rejected nanaman si Carlo.
"Yung iyo ba nasaan?" Tanong saakin ni Sialee. Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa ng magsalita ako. "Sa bulsa ko." Hahahaha. Kinapa ko iyon kaagad at ng makapa agad ko itong hinugot. Listahan pala ng may utang sa project. Binalik ko ito agad at kinapa sa isang bulsa.
Kaso wala.
Halos magbreakdance na ako sa pagkapa nung lecheng heart na yon kaso diko mahanap. Tiningnan ko nung nahulog ba ito pero wala akong makita. Pumasok ako sa room habang kasunod yung dalawa. Nakita ko yung heart sa tabi nung upuan ko at mabilis iyon dinampot. Kaso hindi pa nagiinit sa kamay ko, agad naglaho sa mga palad ko iyon.
"Tekaaaa. Sino to? Sino yung nakasulat? HAHAHAHA." Tuwang tuwa na tanong ni Carlo. Ang sarap sipain leche. Hinabol ko siya para hindi niya mabasa kaso nakalabas na siya ng room. Tumakbo kaming pareho sa corridor ng floor namin.
Napatingin naman ako kay Sialee. Tawang tawa sa pwesto niya. Baliw. Hinabol ko si Carlo hanggang sa mini terrace at sakto nahablot ko ito sa kamay niya ng may tumamang volleyball sa kamay ko. Nabitawan ko yung heart at nahulog ito sa ground floor. P*t*ngina naman. Sinapok ko ng pagkalakas lakas si Carlo at lumipad pababa. Pagdating ko sa 2nd floor nakasalubong ko si Kuya Golf at Kuya Zulu galing sa kabilang daan. Kaya tumibok ng pagkalakas lakas yung puso ko. Kenekeleg akoooo. Bitbit niya yung backpack niya, halatang galing sa practice nila. Nginitian niya ako kaya ganun din ako. Pero ngiting aso yung akin.Pagkatapos non bumaba na ako agad at hinanap yung heart. Nasaan ba yung puso na yon? Impakto yon. Nagpaikot ikot na ako sa buong ground floor ng may tumapik sa likod ko. Naground naman ako agad dahil dito. Nilingon ko kung sino ba yong tumapik na yon. Napanganga ako sa nakita ko. Si Karylle. Maganda, maputi, makinis, mabait at matalino. Halos lahat nasa kanya na. Kinaiinggitan ng lahat pero hindi ako kasama dun. Higit sa lahat mayaman siya. Bat nga pala niya ako kinalabit. Alam mo ba yung antique na natabi sa modern na gamit. Ganon eh.
"May hinahanap ka ba?" Tanong niya saakin habang nakangiti. Wow. Ang puti ng ngipin niya at ang natural. Napakamot naman ako sa ulo ko. Pano ba to? Sasabihin ko ba sakanya.
"Hinahanap ko yung heart.....yung panyo ko." Sambit ko sakanya habang napakamot ako sa ulo ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. Ano nakakatawa?
"Bayaan mo na yon, Iyo nalang ito oh." Maligayang sabi niya at inabot yung panyo niya. Hindi ko pa kinukuha, nilagay na niya agad ito sa palad ko. Magsasalita pa sana ako ng umalis na siya sa harapan ko. Wow. Bastusan? Joke lang. HAHA. Inamoy ko yung panyo, amoy babae. Hehe.
***
__________________
___________________________________VOTE | COMMENT