Prologue

178 2 0
                                    

"Mr. Keisuke Haruma of the Takashi party won against Fudoh Party's Koto Asuma and was appointed as the 102nd Prime Minister."

Nabingi sa malakas na palakpakan si Keisuke matapos i-announce ang resulta ng pagkapanalo nya.

"Oh god. You... you did it, Haruma-kun."

Tipid na ngumiti si Keisuke kay Saito-sensei.

"Siguradong proud na proud sayo si Haruma-sensei."

Tango lang ang naisagot dito ni Keisuke. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi'y hindi pa rin sya makapaniwalang 'siya' ang nanalo bilang Prime Minister ng Japan. Pero isang bagay lamang ang pumasok sa isip nya. Natupad nya ang sariling pangarap ng kanyang ama na maging Prime Minister ng bansa.

CHOSEN [manxman]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon