Part 1

130 6 0
                                    

Uhh. Project ko to sa Filipino. But since wala akong magawa nayon, ipo-post ko na lang din :)) It has two parts and I hope you'll like it even though puro tagalog siya.

So. . . Here it is.

                                              ***

Nagising na naman si Jiro mula sa kanyang panaginip. Hindi niya malaman kung ano ang kaugnayan ng babaeng nasa panaginip niya sa sarili niya. Kilala niya iyon pero ni minsan ay hindi pa niya ito nakakausap ng matagal. Ngunit sa panaginip niya ay mukhang malapit sila sa isa't-isa. Napahawak siya sa kanyang kwintas na may pendant na maliit na letrang Z.

            "Arf! Arf!"

          Nakita niya ang kanyang alagang aso sa tabi ng higaan niya. Kinuha niya ito at kinarga. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding na kaharap.

            "Alas-cuatro na naman, Plue. Bakit lagi na lang akong ginigising ng babaeng yon sa panaginip ko? At bakit laging sa ganitong oras? Kinikilabutan na ako ha. Di na nakakatuwa," parang baliw na sumbong niya sa aso niyang si Plue.

                        "Arf! Arf!" sagot ng aso niya.

            "Nakakapagtaka naman. Bakit gising ka pa ha?" tanong ni Jiro sa aso niya at umaasang sasagot ito ng maayos.

             Talagang nababahala na siya sa panaginip niyang iyon. Ikalimang gabi na niyang napapanaginipan si Zelle-- ang kapitbahay niya at officemate.

            Hindi na siya nakatulog kalaunan. Pagsapit ng alas-siyete ng umaga ay palabas na siya ng apartment niya at doon niya nakasalubong si Zelle na akmang palabas na din ng kanyang apartment. Nagkatinginan sila, mukhang may gustong sabihin si Zelle mula sa pagkatitig niya rito kaya't naghintay si Jiro ngunit pagkatapos ng tatlong segundo ay iniwas na ni Zelle ang tingin niya at nakayukong dinaanan niya lang ito.

            Weird, sabi ni Jiro sa isip niya. Gusto man niyang masanay sa ugaling ipinapakita ni Zelle sa kanya tuwing nagkakasalubong sila ngunit hindi niya magawa. Parang may kung ano sa sarili niya na hindi niya maintindihan. At sa tuwing naririnig naman niya ang boses nito ay biglang sumasakit ang ulo niya kaya't madalas ay iniiwasan niya na lang ito lalo na sa trabaho. At mukhang ganoon din ang ginagawa ng babae, mukhang iniiwasan niya rin ito.

***

            Nasa may sakayan siya ngayon at naghihintay ng jeep papunta sa opisina nila sa may Makati. Nag summer job siya ngayong bakasyon at namasukan bilang  assistant ng isang architect sa isang Architectural Firm na pagmamay-ari ng pamilya nina Zelle.

            Tumingin siya sa kanang direksiyon niya upang makita kung may paparating na jeep. Wala pa kasi si Zelle at nakasanayan na niya na kasabay niya itong sumasakay sa jeep tuwing umaga. Nagtataka siya kung bakit wala pa ito bagkus nauna pa itong lumabas kanina kesa sa kaniya.

            Wala na siyang nagawa kung hindi sumakay nang tumigil sa harapan niya ang jeep. At laking gulat na lang niya nang makita niya si Zelle na nakasakay at nakatingin sa labas ng sasakyan. Umupo siya sa tabi nito pero hindi man lang siya nito tinapunan kahit isang tingin.

            Hanggang sa makarating na sila sa opisina nila ay hindi pa rin siya tinitignan nito. Kasabay pa niya ito sa elevator at saktong silang dalawa lang ang nakasakay roon dahil masyado pang maaga.

Sino ka? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon