Patama quotes and love quotes (part 1)

3K 17 5
                                    

Ang ex hindi na dapat binabalikan. Parang old logic saying na "ang kending natapon hindi na pinupulot kasi madumi na".


Aanhin mo pa ang ganda kng puti lang naman ang nagdadala. Mas okay pa yung morena atleast nasa mukha ang ebidensya! Push mo yan!.

Yung puro "HAHA" yung tinetext mo kahit hindi ka naman natatawa.

Magpacute ka man ng mag pa-cute sa isang tao, hindi ka rin papansinin kung hindi naman talanga siya interesado sayo.

Lahat tayo ay binigyan pag kakataong maging tanga pero hindi porket libre ay aaraw-arawin mo na

Minsan sumigaw ako ng ayaw ko ng magmahal.
Pero nung nakita kita napasigaw ulit ako ng joke lang yun

Kung mahal mo ang isang tao. Sabihin mo sa kanya araw-araw.
Hindi yung sa umpisa lang.

Hindi ko man maisigaw sa buong mundo kung sino ang mahal ko,
sapat na siguro na alam nating pareho na ikaw ang tinutukoy ko.

Kapag mas marami na ang bad memories kaysa sa good memories
then its time for you to walk away.

Limitado lang sa mundo ang mga taong faithful at stick to one sa relationship,
kaya dapat 'di sila sinasayang. No, hindi dapat KAMI sinasayang.

Sa lahat ng emosyon na ipinakita ng tao.
Selos ang pinakamahirap itago.

Bago ka magmukmok at magdrama dahil binabalewala ka nya...
isipin mo muna kung mahalaga ka ba talaga.

Humanap ka ng taong handang tanggapin lahat ng iyong kapintasan...
at hindi ang iyong kagandahan.

Hindi lahat ng binibigay mo kaya niyang suklian pabalik...
kaya wag ka mag-expect para di ka nasasaktan.

Wag ka maghanap ng taong makakaintindi sayo.
Ang hanapin mo yung taong kahit hindi ka naiintindihan..
hindi ka pa rin iniiwan.

Kung isang araw magising ka at maisip mong nag-iisa ka't wlang kasama,
matulog ka ulit, baka naiwan lang ako sa panaginip mo...
dahil hangga't nandito ako hindi ka mag-iisa! Pangako yan.

Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal, wala akong maisagot.
Hindi ko kasi alam kung papaano susukatin ang pagmamahal ko para sa'yo.

Sana kaya kong ibigay ang buong mundo sa'yo para malaman mo kung
gaano ka kahalaga sa buhay ko.

Wag ka sanang magalit kung minsan hindi kita pinapansin.
Wag kang mag-alala dahil paraan ko lang yon para lambingin mo ulit ako.

ikaw ang pinakamagandang bagay na dumating sa akin, kaya
hindi ko hahayaan na basta ka na lang mawawala sakin.

Hindi man ako ang pinakaperpektong tao sa
buong mundo para sa'yo, sisiguraduhin ko na lang
na ako yung taong mamahalin ka ng buong-buo.

Sabi nila ipinanganak akong may sira ang ulo
pero dahil mahal kita handa akong magbago.

Lahat tayo naghahangad ng magagandang bagay, magandang kotse,
magandang bahay, magandang sapatos, magandang damit, pero sakin
isang magandang bagay lang ang hinahangad ko. IKAW.

Darating ang araw lahat ay lilipas at magbabago ang lahat.
Pero isa lang ang hindi pwede magbago
ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo.

Alam ko karaniwan na tong mga ganitong banat pero hindi ko matiis
sabihin na sa tuwing nakangiti ka, hinihila ang mga paa ko papuntang
langit, para akong nasa alapaap.

Pag ako nagselos, simple lang naman.
Kakausapin ko lang yung pinagseselosan ko.
Sabay bulong ng, "Distansya o ambulansya?".

Hindi mo na kailangan pang sabihin na mahal mo ako.
Minsan isang matamis na ngiti lang galing sa magaganda mong mga labi ay sapat na para makumpleto ang buhay ko.

Love Quotes Tagalog (CTTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon